PF: CHAPTER 9

3.8K 236 54
                                    

Heart, relax ka lang

Benedict's POV

Lagot sa 'kin 'yung pandak na 'yun! Sa lahat ng taong pwedeng maka-alam bakit siya pa? Nakakainis naman oh! Ginulo ko ang buhok ko at tumayo mula sa pagkaka-higa.

Damn you, Khrysha Mae Alcantara! Nilapitan ko ang tumutunog kong phone at nakita kong tumatawag siya. Inis kong sinagot ang tawag.

"Togari noh pocato-li kani malo mani kano chi ka-baba, ba-ba-nana

Yoh plano boo la planonoh too ma bana-na la-ka moobi talamoo~~"

Nabigla ako dahil sa pagkanta niya. Hinawakan ko nang mahigpit ang phone at galit na sinigawan siya. Bakit ba ayaw niya ako tigilan?

"HINDI KA BA TALAGA TITIGIL?" umalingawngaw sa buong kwarto ang boses ko.

"Aww, nagagalit na si Minion lover. Alam ko na! Para hindi ka magalit, kakantahan na lang kita Mr. Minion. Haha." pang-aasar niya pa lalo sa 'kin.

"Subukan mo lang ipagkalat ang nalalaman mo, magsisisi ka sa gagawin ko sa 'yo."

Binato ko ang phone at napahawak sa dibdib ko. Walang hiyang puso 'to! Ba't ba ang bilis-bilis tumibok? Galit lang 'to. Pinikit ko ang mata ko at muli itong iminulat.

Anong karapatan niyang asarin ako? Damn, Khrysha! Ikaw lang ang nag-iisang taong kahit na inaasar ako, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano bang ginawa mo sa 'kin? Hindi 'to pwede, may Angel na ako.

Narinig kong tumunog ulit ang phone ko. Kinuha ko ito sa sahig at tinignan ang messenger.

Napataas ang kilay ko. Talagang ayaw akong tantanan ng pandak na 'yun. Alam ko na ngayon ang feeling ng mapag-trip-an. Nakakainis!

Khrysha Mae: Gusto mo ng banana? O potato? Banana-ah-ah~ Potato-na-ah-ah~ Hahaha :P

Natawa ako sa chat niya. Baliw na siya. Imbes na magalit ako ay may namuong ngiti sa labi ko. I don't know why, but I found myself replying on her message. Ano nanaman kaya ang trip niya ngayon?

Benedict: Anong kailangan mo?

Khrysha Mae: Kapag sinabi ko ba kung anong kailangan ko, ibibigay mo? :P

Benedict: Tumigil ka lang.

Khrysha Mae: Ikaw <3

Seen.

Namamalik-mata lang ako di'ba? Matagal kong tinitigan ang chat niya. Nananaginip lang ako di'ba? May balak ba siyang i-two time si Stephen? Tumunog ulit ang messenger ko. Sure akong siya 'to.

Khrysha Mae: Buhay ka pa ba? Omy, don't tell me kaya hindi ka nagrereply kasi nahimatay ka? Kinilig ka naman! Kinikilig siya! Ayieee~~

Benedict: ASA!

Khrysha Mae: Okay lang naman hindi umamin minsan. Nahihiya ka bang sabihin Mr. Minion lover? Hahaha lol :P

Benedict: Baka kapag ako nag-sabi sa 'yo niyan ma-comatose ka.
Seen.

5 minutes na ang lumipas pero hindi pa rin siya nag-rereply. Ano kayang nangyari 'don?

Si-neen niya lang ang last na chat ko. Anong nangyari do'n? Siya ang nag-umpisa tapos ako ang magtatapos? Anong karapatan niyang i-seen lang ako?

Ilang segundong natahimik ang isip ko. Itong mga nakaraang araw hindi ko siya pinapansin. Palagi ko siyang iniiwasan at gano'n din siya sa 'kin. Parati na rin kaming nag-aaway ni Angel dahil sa 'kin. Ewan, naguguluhan ako sa sarili ko. Kailangan ko ng kaunting panahon para makapag-isip isip.

Pa-Fall Where stories live. Discover now