PF: CHAPTER 28

3.9K 143 43
                                    

I'll be

Khrysha's POV

New year. New memories. Mag-uumpisa nanaman ang klase at hindi pa ko ready pumasok at humarap sa kanya. Yeah, him.

Sunday ngayon at nandito ako kila Mama. Nagbabantay ako ng tindahan habang nagsusulat ng mga plano ko ngayong taon na 'to.

"Pabili po." Ang gwapo ng boses! Literal na bumilis ang pagkilos.

Nginitian ko si kuyang bumibili at gano'n din siya sa'kin. Ang baby face ng mukha niya. "Ano po 'yon?"

"Isang mentos." Parang ang lamunay ng boses niya. Nakakagaan ng pakiramdam. Bago siya umalis nginitian niya ako.

Bumalik ako sa pagsusulat pero wala na kong naiisip kundi 'yung ngiti niya. Ano 'to? Love at first sight? Habang vini-visualize ko 'yung mukha niya na nakangiti hindi ko mapigilang hindi matawa.

"Pabili." Bigla naman akong naganahan pagkarinig ko ng boses niya. Kahit sinong babae matutunaw sa mga ngiti niya. Napaka-angelic.

"20 mentos. Kasya pa ba?"

"Sakto lang. Kaya mo ba o ipa-plastic ko pa?" Ayan nanaman siya sa walang sawang pag-ngiti niya. Mas lalo siyang nagiging cute eh. Gusto kong pisilin 'yung pisngi niya kaso nakakahiya. He chuckled and I find it cute.

"I-plastic mo na lang. Galing kasi ako sa malayo." He gave me his angelic smile.

Tahimik lang kaming dalawa. "Anong pangalan mo?" Nagulantang ako sa tanong niya. Napa-huh ako sa isip ko. Natahimik siguro ako ng 10 seconds tapos saka lang ako natauhan.

"Khrysha Mae po." Syempre nginitian ko rin siya ng pagkatamis-tamis.

Sinabi niya 'yung pangalan niya pero E lang naintindihan ko.

"Nice meeting you."

Tumalon ako sa kilig pagkaalis niya. Ang amo ng mukha niya hindi nakakasawang tignan.

Those smiles I will never forget. He got this big headphone, red shirt, orange short and rubber shoes.

Pagkalabas ko ng tindahan bumungad sa'kin si kuya. Napa-busangot na lang ako kasi alam kong uutusan nanaman niya ko. Dali-dali ko siyang nilagpasan pero hinila niya ang buhok ko.

"Kuya naman eh!" Ayaw niya pa rin akong bitawan. Imbes ay kinuha niya ang kamay ko at inabutan ako ng pera. "Bumili ka ng itlog sa Gumamela." Binitawan niya ang buhok ko saka umalis. Ang sarap talaga niyang bigwasan. May dalawa naman siyang itlog ba't pa siya magpapabili? Aish.

Habang naglalakad ako napansin ko 'yung kotseng nakaparada sa tabi ng school malapit sa'min. Napa-wow ako. Ang ganda ng kulay. Hindi ko ma-explain 'yung pagka-blue niya.

"Hi!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaang pagsulpot niya. Ayan nanaman 'yung mga ngiti niyang nakakatunaw. 'Yung puso ko parang bumibilis kapag nakikita ko ngiti niya.

Kakapasok lang ng taon landi na kaagad inaatupag ko. Aish. Nginitian ka lang bumilis na kaagad puso mo? Ano 'yon?

"Hello!" Pagkasabi ko no'n tinalikuran ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Bakit kaya bigla na lang may lalaking sumusulpot sa buhay ko kapag malungkot ako? Ang daming tanong na gusto kong hanapan ng sagot.

Pagkarating ko sa bahay prenteng nakaupo si Kuya. Kung hindi lang ako mabait binato ko na 'tong itlog na hawak ko sa kanya. Lumabas na lang ako at nag-soundtrip kasama si Tita Jelian.

Habang nakaupo ako dumaan na 'yung kotseng kanina ko pa tinitignan. Parang nag-slow motion talaga 'yung kotse kasi nakita ko na nando'n si Mr. Mentos. Nakangiti siya sa'kin habang kumakaway.

Pa-Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon