PF: CHAPTER 3

6.2K 321 107
                                    

Heart to heart talk: Move on

Khrysha's POV

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Bumangon ako at humarap sa salamin. Ang pangit ko na. Anong klaseng mukha 'yan Khrysha? Padabog akong pumasok ng banyo at ginawa ang daily routine ko. Umabot ako ng mahigit dalawang oras bago matapos.

Feeling ko ang tamlay-tamlay ko ngayon. Tinatamad akong gumalaw. Kadalasan naman isang oras lang tapos na ang daily routine ko. Malay ko ba kung anong nangyayari sa sarili ko. Wala rin akong ganang kumain. Pagkalabas ko pa lang sumalubong na kaagad sa'kin si Mama. "O! Gising ka na pala. Teka anong nangyari sa mga mata mo? Kinagat ka ba ng ipis? At saka bakit ang tamlay mo ata ngayon?"

Hindi ko na lang pinansin si Mama. Patuloy akong naglakad hanggang sa makarating ako sa pinto. "Ma, Pa alis na po ako. Doon na lang ako kakain sa school." Hindi ko na hinintay pang sumagot sila. Bago pa man ako makaalis ay nakita ko ang kapatid kong tumatawa at pailing-iling habang nakatingin sa'kin.

"Ang pangit mo! Ayusin mo muna kaya sarili mo bago ka pumasok. Yung palda mo baliktad." Napatingin naman ako sa palda ko. Baliktad nga. Mabilis akong pumasok sa banyo at inayos ang palda ko. Dire-diretso akong lumabas pero hinarang nanaman ako ni Kuya.

"Hep!" Walang-gana akong humarap ulit kay kuya. Nakakairita na! "Ayusin mo 'yang mukha mo. Sige ka, hindi ka magugustuhan ni Ben---" Bago pa man niya maituloy na banggitin ang pangalan ni Benedict sa harap nila Mama ay umalis na ko.

Ang aga-aga bina-badtrip ako ng kuya ko. Wala ng ibang ginawa kundi asarin ako. Habang naglalakad pumasok na lang siya bigla sa isip ko. 'Di pa ba siya napapagod? Ano ka ba naman Khrysha! Umayos ka nga! Pinupukpok ko yung ulo ko. Teka! Kailangan ko ba talaga magmove-on? Mahal ko na ata eh. Kaso may mahal siyang iba, ang tanga ko naman siguro kung hindi pa ko magmomove-on. Ang hirap naman magmahal.

"Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ha?" Sinabayan ako sa paglalakad ni Jaye. Pabango pa lang niya alam kong siya yun. Tahimik lang ako.

"Khrysha naririnig mo ba ako? Sabi ko nga eh, hindi mo ko naririnig. May nakapagsabi na ba sayong mukha kang tanga ngayong araw na 'to?" Automatic na napalingon ako sa kanya at hinampas siya nang malakas sa braso niya. "Porket tahimik hindi na nakikinig sa 'yo? Don't me! Hahaha." Awkward akong tumawa. Pero tinitigan niya lang ako kaya napatigil ako sa pagtawa. Nginitian ko na lang siya.

"Huwag mo kong ngingitian kung peke lang rin. Anong problema ng pangit--- este napakaliit kong bestfriend?" Bestfriend ko nga talaga siya. Alam niya kung kailan ako problemado at hindi.

Mas pipiliin kong itikom na lang ang bibig ko. "Wala akong problema 'no! Kailan pa ako nagkaroon ng problema?" Ginawa ko ang lahat para hindi magmukhang pilit ang ngiti ko pero alam kong kitang-kita sa mata ko na hindi ako masaya.

Pinitik niya ang noo ko kaya napa-aray ako, "Pag-hindi mo sinabi sa'kin..." pinitik niya ulit ang noo ko. "Aray! Nakakadalawa ka na ha!" Pipitikin ko sana ang noo niya pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako, "Mawawalan ka ng best friend na gwapo. Hindi na kita tutulungan pa kay Benedict. Ikaw rin! Sasabihin ko sa kanya na patay na patay ka sa kanya. Haha. At hindi na kita papansinin pa." natulala ako sandali. No way! Nakita ko na lang siyang naglalakad na papasok sa classroom.

Sinundan ko siya tapos umupo ako sa katapat niyang upuan. "Bina-black mail mo ba ako?"

"Hindi." sagot niya na hindi tumitingin sa 'kin.

"Wala nga kasi akong problema. As in wala." Kinukumbinsi ko siyang maniwala sa 'kin pero umiling-iling lang siya at hindi ako pinansin. Totohanin niya ba talaga na hindi niya ako papansinin? Kailangan ko na ba talagang sabihin?

Pa-Fall Where stories live. Discover now