PF: CHAPTER 19

2.9K 155 31
                                    

False Hope

Khrysha's POV

Monday na, ibig sabihin makikita ko na ang walang hiyang lalaking 'yon! Bwiset siya! Pinaghintay niya lang ako sa wala! Na-iimbyerna ako kapag naiisip ko 'yung nangyari kahapon. Umuwi ako ng mag-isa. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng buhay.

Late akong dumating ngayon dahil ayokong makita ang pag-mumukha niya. Pagka-pasok ko pa lang ay dumiretso na kaagad ako sa upuan ko at hiniga ang aking ulo. Late na nga ako pero mas late pa rin ang teacher namin. Sana nga hindi na pumasok.

As of now, hindi ko pa naman nakikita ang anino niya. 'Wag na sana siyang pumasok hanggang March. Nang-gagalaiti ako sa kanya!

"Bwiset talaga!"

Tinadyakan ko ang upuan na nasa harapan ko kaya nagalit pa sa 'kin ang kaklase ko.

"Good morning Mercury."

Tumayo kaagad ako dahil strikto pa naman ang teacher namin na 'yan.

"Good morning Mrs. Ilarde." sabay-sabay naming bati.

Ngayon lang hindi nag-check ng class room si Ma'am.

"President, kumuha na kayo ng mga school supplies. Mag-sama ka ng limang lalaki." sabi ni Ma'am habang hinihilot-hilot ang sintido niya.

'Yung totoo? Matatapos na ang taon pero ngayon pa lang nila balak magbigay. I rolled my eyes in disbelief. Kung kailan nakabili na ako ng bagong papel at bagong ballpen. Hindi man lang nila in-announce para kahit papaano ay naghanap muna ako ng boyfriend na mag-bubuhat ng gamit ko.

"Good morning Ma'am. Good morning classmate, I'm sorry I'm late. May I come in?"

Akala ko hindi na siya papasok. Tsk. Sumama siya sa pagkuha ng mga school supplies para hindi siya pakuhanin ng late slip. Pa-good boy sa teacher, tsk.

Himala at hindi nagturo si Ma'am ngayon pero hindi ibig sabihin wala na kaming ginagawa. Pinapa-sulat sa 'min ang mahigit sampung kartolina.

Nakaka-tatlong kartolina pa lang ako nang dumating na ang mga school supplies. Pawis na pawis siya habang binababa ang mga bitbit niya. Mas lalong lumalaki ang biceps niya dahil sa ginagawa niya. Iba talaga ang alindog ng lalaking 'to.

"Hoy bes isara mo nga 'yang bibig mo!"

I rolled my eyes at kinuha kay Jaye ang limang papel at walong notebook. Hinampas ko siya para umalis na sa harapan ko. Tawa naman siya nang tawa. Masaya na siya kapag naaasar ako.

Hindi ko na lang pinag-patuloy ang pag-susulat ko. 'Yung iba nga pinicturan na lang at nakipag-daldalan na sa mga katabi nila. Sigurado namang i-po-post nila sa group namin 'yan kaya hindi na ako nag-aalala. Gawain ng seksyon namin 'yon kapag tinatamad na talaga kami magsulat.

Tumayo si Ma'am at huminto sa tapat ng pintuan. Hindi pa naman time, meron pa nga siyang forty five minutes na natitira.

"Paki-lagay na lang sa faculty ko Kiana pagtapos niyo."

Para namang nakawala sa kulungan ang mga kaklase ko. Sigawan nang sigawan. Tinanggal na ng President namin ang kartolina sa harapan at naki-ingay na rin.

"MERCURY! LUMAPIT NA LANG DITO 'YUNG MGA WALA PANG MATH NOTEBOOK!" sigaw ni President.

"HG, HG, ACHUCHU! ACHUCHU!" Paulit-ulit nilang sigaw.

Kinalabit ko si Daryl, "Be kuhanan mo na rin ako. Salamat."  Nakaka-tamad talaga tumayo. Nag-salpak ako ng earphone sa tainga ko at nakinig na lang ng music. Wala akong panahon makipag-daldalan kahit kanino.

Pa-Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon