PF: CHAPTER 2

8.4K 377 173
                                    

Sana

Khrysha's POV

Nag-sisisigaw ako sa kwarto dahil sa sobrang pagkairita. Hindi tuloy ako nakapag-paalam sa kanila na mauuna na ako. Naiwan ko pa tuloy mag-isa si Aphrodite 'dun. Kasalanan nila 'to eh! Bakit kasi sa dinami-dami ng tao sila pang dalawa ang nakita ko? Kaya kapag ako nagkasore-eyes ng dahil sa kanila ililibing ko silang dalawa nang buhay.

Nakita ko lang naman ang taong pinaka-kinaiinisan ko ng sobra at kasama niya pa yung crush ko. Iniisip ko pa lang na mag-sasabay silang dalawa pauwi tapos ihahatid niya pa sa bahay nila parang gusto kong i-untog silang parehas sa pader.

Pagulong-gulong ako sa kama habang sumisigaw pa rin. Mababaliw na yata ako. Kung ano-ano kasing pumapasok sa isip ko. Mga posibleng mangyari o kaya nangyayari na ngayon. Hinatid niya kaya si Sadako? Silang dalawa lang ba? Naglakad ba sila o sumakay? Ano mga pinag-usapan nila? Nag-holding hands kaya sila? May good bye kiss kaya? Nababaliw na talaga ako!

Gusto kong mawala itong mga nasa isip ko kaya napag-pasyahan kong buksan na lang ang Facebook ko. Nagbabaka-sakali akong mababawasan ng kahit kaunti ang inis na nararamdaman ko.

Saka ko lang naalala na hindi ko papala siya friend. Ang tagal ko na siyang crush pero hindi ko pa naisipang i-add yung account niya. Natatakot ako na baka i-ignore niya lang tsaka ayokong hanggang friends lang kami. Gusto ko more than that. Hinanap ko ang pangalan niya at saka ako nagsend ng friend request. Sana naman i-accept niya. Ang poging tao naman nito! Napabungisngis ako nang makita ko ang profile picture niya. Hindi nakakaumay tignan amp!

Magpapapaka-stalker mode muna ako ngayon. Nag-scroll lang ako nang nag-scroll pero napaka-walang kwenta ng Facebook niya lilimang picture lang ang nakita ko tapos iisang status. Status na kung saan inilalahad niya ang kagandahang taglay ng kanyang minamahal. Mas lalo lang akong nainis dahil sa nakita ko. Kaunti na lang at mababato ko na 'tong laptop. Ang galing talaga gumawa nang paraan ng tadhana. Nakakabilib!

"Ang ganda talaga ni Angel Jacob." With matching heart tapos feeling in loved.

"Anong maganda sa kanya? Sus! Maputi lang naman siya ah!" Pilit ko talagang kinukumbinsi sarili ko na 'di siya maganda. Kasi hindi naman talaga. Mas cute nga ako do'n! Duh!

Bago ko pa i-murder sa isip ko si sadako tinuon ko na lang ang sarili ko para tignan ang mga friend list niya. Hahanapin ko na lang ang Facebook ng ate niya. Icha-chat ko para maging close kami. Bwahahaha.

Kung minamalas ka nga naman! Kahit saan talaga ako magpunta sinusundan pa rin ako ng sadakong 'to. Kakalbuhin ko na talaga 'to eh! Umiiwas na nga ako kahit papaano para hindi ko siya tuluyang sugurin sa bahay nila at hilahin ang rebonded niyang buhok.

Konting tiis na lang Khrysha, pagpapakalma ko sa sarili ko. Tandaan mo, mahalaga pa rin 'yan sa buhay ng crush mo at malalagot ka kapag gumawa ka ng masama sa kanya. Hinga ng malalim.

Umalis na lang ko sa timeline niya. Baka kung ano pang makita kong hindi kaaya-aya sa mga paningin ko at baka hindi ko na rin mapigilan pa ang sarili ko.

Gusto niyo malaman kung sino si Sadako? At saka si Angel Jacob?

Iisang tao lang yun. Nickname ko lang sa kanya 'yan. Ang bait ko 'no? May nickname pa talaga akong ginawa para sa kanya. Syempre special siya para sa'kin. Tinawag ko siyang Sadako kasi ang haba-haba ng buhok tapos sobrang puti pa. Tapos kapag magtatali naman siya ayaw niyang itaas gusto niya palaging nasa baba. Naaasar ako! Hindi ba siya aware na mainit sa Pilipinas. Akala mo naman kung sinong kagandahan yung buhok eh rebonded lang naman. Kapag nakikita ko siya kusa na lang umiinit ang mga mata ko tapos umaakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

Pa-Fall Where stories live. Discover now