PF: CHAPTER 35

167 13 4
                                    

She chose you

Benedict's POV

"Hanggang kailan pa ba? Can't you see? It's not working anymore." Pagod na pagod akong tumingin sa kanya. Palagi na lang ganito ang senaryo naming dalawa tuwing magkikita kami.

Umiwas ako ng tingin pero pilit niyang iniharap ang mukha ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Pinipilit kong iwasan ang mga titig niya dahil sa oras na gawin ko 'yon muli nanamang lalambot ang puso ko. Para bang hindi ko siya kayang saktan. Masyado siyang mabait at inosente para saktan.

"Thank you," nakangiti niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. "kasi pinagbigyan mo ko. Akala ko kasi pwede pa. Haha." Tumawa siya pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Thank you for everything. For loving me. For telling me the truth even though you know it will hurt me. The truth hurts talaga. Haha."

Pupunasan ko na sana ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya pero pinigilan niya ko. Umiling-iling siya habang nakangiti pa rin. "Don't. Baka magbago isip ko sige ka. Haha."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak nang dahil sa'kin. Pilit siyang kumakawala sa yakap pero mas lalo kong hinigpitan. Wala na rin siyang nagawa kundi yakapin ako pabalik. Mahigit limang minuto kaming nasa gano'ng pwesto habang umiiyak siya.

"I can't beg you to stay with me when you want to leave. So," Bumitiw siya sa pagkakayakap at muling humarap sa'kin habang pinupunasan ang mga luha niya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "I just have to let you go. Not because I want to, but because it's the right thing to do."

"Angel---" Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang panyo niya. Tumawa siya nang mahina dahilan para mapatawa rin ako. Nagkatitigan kami saglit tapos sabay kaming napatawa.

Tumikhim siya at seryosong tumingin sa'kin. "H'wag ka ngang ganyan baka bawiin ko mga sinabi ko. Hahahaha." sabay hampas niya sa braso ko.

Tumingkayad siya para bigyan ako ng halik sa pisngi saka siya ngumiti. "Pinapakawalan na kita." Naglakad siya papalayo sa'kin at sa oras na 'yon alam kong malaya na ko.

"I'm sorry Angel."

*****
Nanatili akong nakatitig sa likuran ni Khrysha habang nakasubsob ang mukha ko sa upuan. Katatapos lang ng third subject namin kaya break time na. Nagsalpak ako ng earphone habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Panget anong pakiramdam na may manliligaw kang gwapo?" Taas-baba pa ang kilay ni Stephen habang nakapogi sign sa harap ni Khrysha.

Feeling gwapo, tch.

"Manliligaw ba kita?" diretso niyang tanong. Napanganga si Stephen dahil sa sinabi niya.

Nangingiti ako sa narinig ko. Kahit kailan talaga napakasungit niya. I miss everything about her. 'Yung mga tawa niya na parang musika sa pandinig ko. 'Yung pagiging sarcastic niya. 'Yung pag-ikot ng mga mata niya. Damn, I really miss her.

I want to hug her from behind around her waist. Hold her. Spend my day with her. Kiss her on the cheeks. Tell her how gorgeous she is. Lastly, I want to tell her that she's my everything and I meant it.

Lumipas ang ilang oras at natapos din ang klase. Nauna akong lumabas para sana sunduin si Angel pero bigla siyang nag-text.

Angel

Not because I let you go, doesn't mean I don't love you anymore. I just love you so much. I'm hoping that you find now your happiness.

PS. H'wag mo na kong sunduin. Go find your happiness :)

Umuwi ako nang may ngiti sa labi. Wala na kong poproblemahin pa kay Angel. Pagkapasok ko isang malakas na suntok ang sumalubong sa'kin. Napaatras ako sa sobrang lakas.

"Jaye ano ba! Huminahon ka nga!" Inaawat na siya nila Stephen sa pagsugod sa'kin.

Napahawak ako sa labi kong pumutok. Ang hapdi. Kunot-noo akong tumingin sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Isa-isa ko silang tinignan pero iniwasan lang nila ang tingin ko.

"Para saan 'yon Jaye?" Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil ayoko ng gulo. Akmang susugurin niya na sana ako pero mabilis na humarang sila ulit.

Nakakuyom ang mga kamao niya at nag-aapoy sa galit ang mga mata niya. "Gago ka pare! Pakyu ka!"

Nagulat ako sa inasta niya. Ngayon ko pa lang narinig na magmura si Jaye kaya nakakapanibago. Nawala 'yung Jaye na kalmado.

"Ano bang problema mo?" Napakuyom na rin ako ng kamao.

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! BAKIT KASI IKAW PA NAGUSTUHAN NIYA?! TANGNA PRE! NASASAKTAN AKO KAPAG NAKIKITA KO SIYANG NASASAKTAN!" Hinawi niya nang malakas sila Stephen dahilan para masugod niya ko. Hinawakan niya ang kwelyo ko saka ako sinuntok nang malakas. Pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko. Huwag mo ng patulan pa Benedict. Huwag mo ng sabayan pa ang galit niya.

"ANO?! DIYAN KA NAMAN MAGALING 'DI BA?! ANG HINDI LUMABAN!! SI KHRYSHA NGA HINDI MO KAYANG IPAGLABAN EH!"

Awtomatikong lumipad ang kamao ko sa mukha niya. Hindi ko maatim ang sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya habang dinuro-duro siya.

"Wala kang alam!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Pumagitna naman sila Stephen at Mark sa'min nang akmang susuntukin namin ang isa't-isa.

"EH IKAW BA ALAM MO BA NA NASASAKTAN MO SI KHRYSHA?! HOW CAN YOU SLEEP KNOWING THAT YOU HURT HER SO MUCH?! HOW?!"

Natahimik ako sa sinabi niya. Deserve ko nga siguro ng sapak galing sa kanya. Pero wala silang alam kung ga'no kahirap para sa'kin ang nakikita siyang nasasaktan ng dahil lang sa walang kwentang tulad ko. Tanga kasi ako. Duwag ako.

"Pre, best friend kita kaya nagpaubaya ako. Alam mo kung ga'no ka-importante sa'kin si bebe Khrysha pero I chose to let her go. Alam ko kasing sa'yo lang siya sasaya." malungkot na sabi ni Mark habang nakayuko.

Nanatili akong nakatayo habang hinihintay siya sa susunod niyang sasabihin. Puno ng sakit ang mga mata niya nang tignan ako. "I was not strong enough to fight her. 'Cause I know its useless. Wala ng sasakit pang makita siyang nasasaktan ng dahil sa'yo! It fucking hurts!"

Lalapit na sana ako sa kanya pero isa nanamang suntok ang natanggap ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. I deserve this right?

Matalim akong tinitigan ni Stephen. "She had many choices but she chose you over anything else! She never stop choosing you! SHE FUCKING CHOSE YOU BRO! IT'S BEEN YOU AND YOU! SHE NEVER TRIED TO FORGET YOU! SHE NEVER REPLACE YOU! SHE DESERVES BETTER BRO!"

It hit me. I'm so stupid. Stupid for breaking her heart. Stupid for giving her so much pain. Stupid for not fighting her. I'm so stupid for letting her go.

"I'm sorry." Wala akong ibang masabi kundi sorry. Sa dinami-rami naming nagmamahal sa kanya ako lang ang walang ibang ginawa kundi saktan siya.

Tinulak ako nang malakas ni Jaye kaya napahiga ako sa sahig. Pumatong siya sa sa'kin saka ako pinagsusuntok sa mukha. "Sorry is not enough. LET. HER. GO." gigil na gigil niyang sabi.

Kahit hirap na hirap na akong dumilat sinubukan ko pa rin at tinitigan siya sa mga mata niya. "No. This time I'll fight for her. I would do anything to win her back."

Napapikit na lang ako dahil umiikot na rin ang paningin ko. Hindi ko na nagawa pang idilat ang mga mata ko.

'God, please help me to get my girl back. I want her back. I will do everything.'

*****
@TheGreatestUnknown03 Thank you for reading! Mention muna kita kasi phone lang gamit ko. 💓💓

Pa-Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon