♥ PROLOGUE ♥

26.7K 727 282
                                    

"Walang taong paasa, kung walang assumera." - Marcelo Santos III

Oo nga naman. Nagkakaroon lang naman ng paasa dahil may nag-a-assume pero ganun din naman, walang mag-a-assume kung walang magbibigay ng motibo. 'Di ba?

Parang si crush, masyadong bigay motibo ayan tuloy nahulog ka.

Nahulog ka pero hindi ka sinalo. Saklap!

Eh ano? Basta makausap ka lang ni crush kahit isang word lang feeling mo nasa heaven ka na.

Paano pa kaya kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi ka niyang kinakausap? 'Edi mangisay-ngisay ka na sa sobrang kilig. Kulang na lang matanggal na labi mo kaka-ngiti.

Paano kung isang araw hindi mo na siya crush? Kundi mahal mo na.

Handa ka bang isugal ang lahat para lang sa pag-ibig? Para lang sa kanya?

Ang hirap kasi ma-fall sa taong walang gusto sayo.

'Yan tayo eh, magbibigay ng motibo tapos kapag may nahulog hindi sasaluhin.

'Pag pinagsawaan ka na, iiwan ka sa ere ng walang pasabi. Hindi man lang nagpaalam na "HOY! AYOKO NA SAYO! NAKAKASAWA KA NANG PAG-TRIP-AN! HAHAHA!" o kaya "HOY! MAY BAGO NA AKONG MAPAPAG-TRIP-AN! MAS MAGANDA, MAS SEXY, HINDI KATULAD MO!"

Masakit man pero kailangan tanggapin. Wala eh, nagsawa na.

Para sa mga lalaki, sa susunod na may pag-ti-trip-an kayo siguraduhin niyong hindi sila mahuhulog sa inyo. O 'di kaya 'wag na kayo mang-trip para walang mag-a-assume, walang mahuhulog at higit sa lahat WALANG IIYAK! Meron namang ibang lalaki na nagbibigay ng special treatment kaya sa huli nahuhulog pa rin sa kanila ang mga babae. Meron namang mga lalaking natural na talaga ang pagiging gentleman sa lahat ng babae kaya imbes na isa lang ang masasaktan, marami.

Para sa mga babae, 'di porket pinansin ka ni crush, kinausap ka niya ibig sabihin crush ka na niya-- mahal ka na niya kaagad. Hindi ba pwedeng trip ka lang niya kasi bored siya. O 'di kaya masyado ka lang nag-a-assume. Pero hindi rin maiiwasan ang kiligin at syempre mahulog. CRUSH MO YUN EH! YUNG PINAPANGARAP MO. Pero kailangan nating mag-ingat. Alam niyo naman pa-fall masyado 'yang mga lalaking 'yan. Laging nagbibigay ng motibo. Tapos kapag nahulog ka na, iiwan ka na lang sa ere. Napakasaklap para sa mga babae. Naisahan lang naman kayo ng pa-fall at paasa. Kaya kayo, never assume lalo na kung sobra-sobra. Masakit mag-assume.

"Just because I like you doesn't mean you can treat me as a stupid person."

Tao lang rin kami, napapagod magmahal. Napapagod umasa. Napapagod sa lahat ng bagay.

Hindi sa lahat ng pagkakataon pwede niyo kaming pag-trip-an, nakakasakit na kayo.

Kami na tanga. Kami na nag-assume. Bakit masama bang mag-assume na may gusto ka? Syempre, sino ba namang taong hindi mag-aassume kung binibigyan mo ng motibo?

"Huwag kang magbigay ng motibo kung hindi mo kayang saluhin. 'Wag kang umasa kung alam mong pinapaasa ka lang. Wag kang magpakatanga sa taong pa-fall. Mahirap na, ikaw na pinaasa ikaw pa nag mukhang tanga."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Pa-Fall Where stories live. Discover now