PF: CHAPTER 36

171 10 0
                                    

Kiss mo ko

Khrysha's POV

"WAAHH! JAYE!!" Nagmamadali akong tumakbo sa kinauupuan ni Jaye. Hinawi ko lahat ng mga kaklase ko na nakapalibot sa kanya. "ANONG NANGYARI SA MUKHA MO?! SI BENEDICT BA GUMAWA SA'YO NIYAN? MALALAGOT TALAGA SA'KIN 'YUNG TAONG 'YON!" Halos mataranta ako nang makita kong ang dami niyang pasa sa mukha. Kung hindi pa sinabi sa'kin ni Dheniel hindi ko pa malalaman na si Benedict ang may gawa nito sa kanya. Ha! Pati ba naman si Jaye. Nanggagalaiti talaga ako sa kanya!

Pinalo ko siya nang tawanan niya lang ako. Nakuha niya pa talagang tumawa sa kalagayan niyang 'yan. "Jaye naman eh! Dadagdagan ko 'yang pasa mo!" Hinila niya ako kaya napaupo ako sa kandungan niya. Napatitig ako sa kanya habang tumatawa pa rin siya.

"HOY ANG AGA-AGA NAGKALAT ANG MGA LANGGAM DITO!" Napuno ng kantyawan ang buong classroom dahil sa pagsigaw ni Kenskie. Parang gusto ko na magpalamon sa sahig dahil sa kahihiyan. Kasi naman 'to si Jaye eh! Tatayo na sana ako pero muli akong hinila ni Jaye kaya napaupo nanaman ako sa kandungan niya.

Pinitik niya ang noo ko saka niya sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ako makagalaw dahil sa pwesto naming dalawa. Binalingan ko ng masasamang tingin ang mga kaklase ko na nang-aasar sa'min kaya tumigil sila sa pangangantyaw.

"Jaye siya ba may gawa sa'yo niyan?" malumanay kong sabi. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko nang isiksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya. Dapat ko ba siyang itulak o hayaan na lang? Hindi ako makapag-isip ng matino dahil sa nararamdaman ko.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil tinanggal niya na ang ulo niya sa leeg ko. Mapungay ang mga mata niyang tumingin sa mga mata ko. "Pa'no kung sabihin kong siya ang gumawa nito? Anong gagawin mo?" seryoso niyang sabi nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko.

"YARI TALAGA SA'KIN 'YUNG LALAKING 'YON!" Natataranta akong tumayo mula sa kandungan niya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Parang gusto kong lumanghap ng hangin nasu-suffocate ako rito. Nanginginig pa ang mga tuhod ko kaya humawak ako sa lamesa na nasa harapan.

"Okay ka lang ba? Dapat hindi ka na lang pumasok." Pag-iiba ko usapan. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa mga mata niya. Kinakabahan ako nang lumapit siya sa'kin. "Nakita na kita kaya okay na ko." sabay kindat niya. Iniwan niya kong nakanganga. Napabuga ako ng hangin nang lumabas siya.

"BOO!"

"AY PUTEK!" Napahawak ako sa dibdib ko. Pinagpapalo ko si Stephen habang tumatawa. Agad naman akong tumakbo sa upuan ko nang makita ko ang titser namin na papasok na ng classroom. Tinabihan ako ni Stephen na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin. Abnormal talaga 'tong lalaking 'to.

Pipingutin ko na sana siya pero napansin kong may pasa siya sa mukha. Hinawakan ko 'yon kaya napa-aray siya nang malakas. Napatingin tuloy silang lahat sa'min. "Sorry po." nakayuko kong sabi.

Nag-umpisa ng mag-discuss ng lesson pero panay pa rin ang tingin ko sa mukha ni Stephen. Partikular sa pasa niya sa mukha. Hindi ko tuloy napansin na nakatitig na pala ako sa mukha niya. Mapa-seryoso man o hindi gano'n pa rin, gwapo pa rin siya. Bigla namang pumasok sa isip ko si Benedict. Pasimple akong sumilip sa upuan niya pero wala siya. Binalik ko ang tingin sa harapan para makita ang mga list of absentees.

Ah absent pala. Bakit kaya umabsent 'yon?

Mamaya ko na lang kokomprontahin si Stephen. Nakinig na lang ako sa lesson dahil malapit na ang exam. Ilang minuto na lang naman at matatapos na kaya titiisin ko na lang.

After thirty minutes natapos na rin. Pagkaalis pa lang ng titser namin agad akong humarap kay Stephen. Inilapit ko ang mukha sa kanya para makita ko nang malapitan ang pasa niya. Mukha naman siyang nagulat base sa reaksyon ng mukha niya. Ang cute niya lang. Gusto ko tuloy pisilin ang pisngi niya.

Nagulat na lang ako nang may tumulak sa likod ko dahilan para dumikit ang labi ko sa pasa niya. Natauhan naman ako kaagad kaya hiyang-hiya akong umayos ng upo. Binalingan ko si Kiana na ngayon ay ngingiti-ngiti habang naka-peace sign. "Lagot ka sa'kin." mahina kong bulong sa kanya.

Wala ni isa sa'ming nagsalita ni Stephen nang pumasok na ang pangalawa naming titser. Paminsan-minsan nakikita ko siya sa peripheral vision ko na sumusulyap sa'kin. Ibubuka 'yung bibig niya pagkatapos isasara ulit. Mabilis na natapos ang 2nd subject.

3rd subject hirap na hirap na ko sa sitwasyon namin. Kadalasan kasi patago kaming naglalaro o 'di kaya nag-aasaran. Ilang beses ko na ring sinubukang ibuka ang bibig ko pero wala akong maisip na sasabihin kaya sa huli napipilitan na lang ako makinig.

Pagkaalis ng titser namin nagsialisan na ang mga kaklase namin dahil break time. Pero syempre ako hindi pa rin tumatayo pati siya. Pa'no ba 'to? Ang awkward naman kasi.

"Stephen, bebe Khrysha tara na sa baba." Pagyayaya ni Mark pero nginitian ko lang siya. Walang kumilos sa'ming dalawa ni Stephen kaya pabalik-balik ang tingin nila sa'ming dalawa.

Pagkatayo ko sakto ring tumayo si Stephen kaya nagkatitigan kaming dalawa. Sabay din kaming umiwas ng tingin. Nilagpasan ko lang sila at dire-diretsong lumabas. Pagkalabas ko tumingin ako sa back door dahil doon dumaan si Stephen pero napaiwas ako ng tingin nang mapagtantong nakatingin din siya sa'kin.

Gosh, hindi ko na alam ang gagawin ko. Panget naman eh! Pinapahirapan pa ko! Unahan mo na kasi! Nahihiya ako! Panget!

"Bebe Khrysha anong meron sa inyo ni Stephen? Nagseselos ako! Waahh! Pati ni Jaye?" Nagtatampo siyang naglakad papalayo kasunod ng buong barkada pero nanatili akong nakatayo. Sorry, Mark.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para tumakbo papalapit kay Stephen. "PANGET!" sigaw ko habang nakabuka ang kamay ko. Handa na para yakapin siya.

Tumatawa naman siyang tumakbo na rin papalapit sa'kin saka ako binuhat na parang bata. Nahiya naman ako sa ginawa namin dahil halos lahat ng mata nakatuon sa'min. Break time pa naman.

"Nakakahiya naman 'yang babaeng 'yan. Dito pa talaga."

"PDA naman masyado. Meron kayang CCTV dito."

"Oh gosh ang cute nila. Para silang mag-tatay. Hahaha."

Nagpupumilit akong bumaba kay Stephen dahil gustong-gusto ko ng sugurin 'yung nagsabi na para kaming mag-tatay. "Ibaba mo ko panget! Makakatikim sa'kin 'tong babaeng 'to!" Pinaningkitan ko naman 'yung babaeng nagsabi no'n. Ang lakas naman niya para irapan ako.

Pagkababa sa'kin ni Stephen hinila niya ko kaagad sa loob ng classroom. "Panget bakit mo ko pinigilan?! Narinig mo ba 'yung sinabi niya? Mukha raw tayong mag-tatay!" Nanggigigil talaga ako.

Sinapo niya ang mukha ko habang tumatawa kaya sinapo ko rin ang mukha niya. "Aray ko naman panget." Napahawak siya sa mukha niya kung saan mayroon siyang pasa. Nanginginig naman ang kamay ko na hinawakn 'yung pasa niya.

"Waahh! Sorry panget." Hinawakan niya ang kamay ko at tinitignan ako sa mata, "Kiss mo na lang panget para gumaling." pang-aasar niyang sabi.

"PANGET!" sigaw ko at lumayo sa kanya.

"Kiss mo ko!"

"YUCK! DO'N KA NGA PANGET!" Tumakbo ako palabas ng classroom tapos pumasok ulit ako sa kabilang pinto. Tawa ako nang tawa habang hinahabol niya ko.

"Kiss mo ko panget!" Nakanguso pa siya habang tumatakbo.

"Heh!"

"Kiss mo na ko panget! Mwuahh!"

"Yuck! Hahahaha panget oh mwuahhh!"

Nag-flying kiss ako sa kanya tapos kunwari sinalo niya saka nilapat sa labi niya.

"YUCK!"

Pa-Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon