PF: CHAPTER 10

3.7K 233 60
                                    

Jealous Mark

Khrysha's POV

"Gusto mo pa ba?" biglang namula ang ilong niya dahil sa tanong ko.

Ang weird! Napatigil ako sa pagkain at napatitig sa mukha niya. Ang cute niya kasi kapag namumula ang ilong niya. Para siyang batang nahihiya. Iniwas niya ang tingin niya sa 'kin.

"Khrysha favorite 'yan ni Benedict." sabat ni Dheniel.

Nakita kong siniko niya nang malakas si Dheniel. Napangiti na lang ako bigla. Parehas kasi kami ng paborito, hindi na ako magtataka kung isang araw magiging kami. Meant to be kasi kami.

"Sayo na 'yan!/Sayo na 'yan!" sabay naming sabi. Sabay rin kaming umiwas ng tingin sa isa't-isa. Kakain na lang kasi may ganto pang nagaganap eh, pwede namang i-reserve na lang kinabukasan para may dahilan pa kong kiligin sa kanya ulit.

"KhryshDict president here!" What's with that name? Kung ano-ano pinaggagawa ni Kiana sa pangalan naming dalawa. Kinikilig naman ako!

"Hati na lang kaya kayo." suggest ni Jaye at saka niya hinati 'yong Sinigang.

Ni isa wala ng sumubok na magsalita pagkatapos. Kain lang ako nang kain.

"Moo, say ahh~" sweet na sabi ni Jelord, boyfriend ni Aphrodite. Sasaksakin ko 'tong lalaking 'to eh, masyadong sweet.

Kaya pala araw-araw blooming si Aphrodite kasi araw-araw din pinapakita sa kanya kung gaano siya kahalaga. Araw-araw siyang nahuhulog sa ka-sweet-an ni Jelord. Kung ako sa kanya hindi ko na papakawalan ang mga ganyang lalaki.

Kaunti na lang ang mga lalaking katulad niya rito sa mundo. Marami na kasing nagkalat na manloloko, sa una lang sila magaling. Kapag niloko niya ang best friend ko, talagang hahatiin ko bawat parte ng katawan niya para maramdaman niya kung gaano kasakit ma-pira-piraso ang puso.

"Panget..." saktong paglingon ko sa kanya ay hinawakan niya ang baba ko at saka hinarap ang mukha ko sa mukha niya. Napalunok ako. Ang bango niya. Hoy Khrysha maghunos-dili ka! 'Wag mong pagsamantalahan 'yang lalaking 'yan!

"May dumi ka sa mukha." pinunasan niya ang dulo ng labi ko.

"Burp!" Nabusog ako do'n.

"Burp! Excuse me."

Napatawa ako nang malakas dahil sa sobrang lakas ng dighay ni Benedict and I found it cute. Napansin kong ako lang ang tumatawa kaya pinipilit kong pigilan ang tawa ko. Nagmumukha lang akong tanga at baliw, tumatawa mag-isa.

"Kapag kami nagdidighay hindi ka naman tumatawa, pero simpleng dighay lang ni Benedict halos mabaliw ka na kakatawa. Napaghahalataan ka be!" pagpo-protesta ni Aphrodite.

Palihim kong inapakan ang paa niya kaya tinikom niya ang bibig niya. Putspa!

"Mahuli maghuhugas." biglang sulpot ni Mama.

Lumapit sa 'kin si Mama. Alam ko na, ako maghuhugas ng pinggan. "K, ikaw maghugas ng pinggan. Mahiya ka sa kanila."

"Ma naman! Ang dami-dami ng huhugasan ko eh!" pagrereklamo ko pero sadyang mapilit si Mama dahil binigay niya na sa 'kin ang ibang huhugasan.

Nakabusangot akong tumayo. "Tulungan na kita." boses ni Benedict 'yon. Totoo bang tutulungan niya ako? Baka joke time niya lang 'yon, ikaw naman Khrysha nag-aassume ka nanaman eh!

Hindi ko napansin na nakuha niya na pala 'yung mga plato sa kamay ko. 'Yung kamay niya dumaplis sa kamay ko! Kyaahh~~ Ang lambot ng kamay niya, amp!

"Haba ng hair mo te!" ngumiti ako nang malawak. Takte namang lalaking 'yon! Nakakalimutan ko na nagmomove-on pala ako sa kanya. Pero kasi hinawakan niya 'yung kamay ko! Kyaahh~~

Pa-Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon