PF: CHAPTER 4

5.2K 295 89
                                    

Confused

Aphrodite POV

May balak sana kaming iwan si Khrysha mag-isa rito kaso nakita na lang namin siyang nakatulala at ang lawak ng ngiti.

"He's so cute. Damn that helper guy!" narinig pa naming sabi niya kaya nilapitan na namin siya.

"Hoy! Nakatulala ka diyan?" inagaw ko sa kanya yung librong hawak niya pero wapakels pa rin siya.

"Ang cute niya talaga." sabi niya pa. Binatukan ko nga nang bumalik na sa katinuan ang pag-iisip niya. Mga pinagsasabi nitong babaeng 'to. Pasalamat siya at batok lang naabot niya sa 'kin.

Binatukan ulit siya ni Kiana, "Aray naman!" nabalik na ata ang kaluluwa niya sa sobrang lakas ng batok.

"Pinagsasabi mo? Sinong helper guy? 'Tong babaeng 'to! Ang aga-aga lumalandi." sinamaan kami ng tingin ni Khrysha habang naglalakad papuntang counter.

"WALA! Mga wala kayong magawa sa buhay niyo! Doon nga kayo sa mga boyfriend niyo!" mabilis namang umangal sila Kiana at Queenie. "Hoy gaga! Si Aphrodite lang may boyfriend sa 'tin 'no!"

"Whatever. Tara na nga, nang makauwi na ko sa bahay. Gusto ko ng humiga. Magdadahilan na lang akong may masakit sa 'kin."

Napasapo na lang ako sa noo ko. Oo nga pala, patay kami sa mga nanay namin panigurado. Nag-cutting daw ba kasi! Wala ngang lecture si Ma'am, paniguradong may lecture naman si mama mamaya.

"Baboy, hindi talaga ako naniniwala sa Benedict na 'yon eh!" nauuna sa 'min si Khrysha sa paglalakad kaya hindi niya kami naririnig.

Umiling lang ako sa sinabi ni Queenie. "May nararamdaman talaga siya para kay Khrysha eh, ramdam ko talaga." sang-ayon ako sa sinabi ni Kiana pero gusto ng magmove-on ni Khrysha.

"Hindi ako makakapayag na hindi umamin si Benedict kay Khrysha bago pa man mahuli ang lahat." ever since talaga gusto na namin si Benedict para kay Khrysha. Kinikilig kami sa tuwing lumalapit sa kanya si Benedict. May sparks na nagtatalsikan kapag naghaharutan silang dalawa.

"I'm so bright talaga! Haha. Sabihin natin kay Benedict na may sakit si Khrysha. Let's see kung ano magiging reaction niya." iniisip ko pa lang kung anong magiging reaction niya kapag sinabi naming may sakit si Khrysha, may halong tuwa at lungkot. Tuwa kasi baka nag-aalala siya. Lungkot kasi baka wala siyang paki kung may sakit man si Khrysha. Kung ako lang nasa posisyon ni Khrysha baka bumaha na sa bahay. Mabuti na lang alam kong hindi ako iiwan ng moo ko. Akala ko nga nung una mauuna pa siyang magkaroon ng boyfriend kaysa sa 'kin. 

Hinatid namin si Khrysha hanggang kanto lang ng street nila. "Sabi pala ni Jaye, mamaya pa raw siya uuwi."

"Sige na, bye na! Mag-ingat kayo baka ma-rape kayo diyan!" saka na siya umalis. Loko 'talaga 'yon!

Sa bahay raw muna sila Kiana at Queenie habang wala pang uwian. Natatakot daw silang umuwi at baka sandamakmak na sermon lang maabot nila. Pagkarating namin sa bahay dumiretso kami kaagad sa kwarto. Hindi ko kasama sila mama at papa sa bahay kaya safe ako pero kasama ko naman mga ate at tita ko.

Tatawagan ko na sana si Khrysha kaso pagkabukas ko ng phone ko, tumatawag si Benedict. Ano kayang dahilan at tumatawag 'to?

"Bes tumatawag si Benedict." lumapit ako sa kanila.

"Ito na 'yon! Sabihin mo may sakit si Khrysha. Gorabels na bes! Sagutin mo na." desperada rin 'tong Queenie na 'to. In-accept ko ang call at ni-loud speaker para marinig naming lahat.

"Hello."

"Aphrodite kasama mo ba si Khrysha? Hindi kasi siya pumasok ngayon. Nasaan pala siya?" sunod-sunod niyang tanong. Pinaghahampas kami ni Kiana sa braso, "Putcha naman be! Kyaahh~" hindi siya makasigaw kasi baka marinig siya kaya dinaan niya na lang sa paghampas sa 'min.

Pa-Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon