PF: CHAPTER 37

173 12 1
                                    

Patience

Khrysha's POV

"Tara na." sambit ni Jaye at nauna na silang naglakad pababa. Syempre sumunod na lang ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pumunta kami sa pinag-parkingan ng kotse nila Stephen.

Mabilis lang ang naging biyahe. Bababa na sana ako ng kotse nang mapagtanto ko kung kaninong bahay kami pumunta. "Ano ba 'yan babaita!" pagrereklamo ni Kiana dahil sa biglaang pag-atras ko. Hindi naman kasi nila sinabi ni dito pala pupunta edi sana hindi na lang ako sumama. Ayoko pa naman siyang makita. Baka masapak ko lang siya dahil sa ginawa niya kay Jaye.

Napilitan na rin akong bumaba nang itulak ako ni Kiana palabas. Nanatili lang akong nakatayo sa labas ng bahay nila habang sila dumiretso na sa loob. Hindi naman nila mapapansin na Hindi ako sumunod. Tama! Hihintayin ko na lang siguro sila rito.

"Panget let's go inside." pag-aya niya pero tumanggi ako. Natatawa siyang tinulak ako papasok sa loob. Kinaladkad niya ko hanggang sa sala. Akmang itutulak niya na ko papuntang hagdan pero mabilis akong umupo sa sofa. "Dito na lang ako." sabi ko saka humiga pa sa sofa.

"STEPHEN ANG TAGAL NIYO NAMAN!" Sabay pa kaming napatakip sa tainga dahil da lakas ng sigaw ni Dheniel.

"COMING!!" sigaw niya pabalik. Sinenyasan niya naman akong umakyat na kami pero umiling ako habang nagpipigil ng tawa. Ang cute niya talaga. Kanina ko pa siya pinanggigigilan.

"Pilitin mo muna kooo!" Pang-aasar ko pa lalo sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi niya kaya napalunok ako. Lagot na. Isa, dalawa, tatlo, takbo!

Mabilis akong tumakbo paakyat ng hagdan. "Ah gano'n ha! Kiss me panget. Kiss meee!" Natatawa ako habang tumatakbo. Ayaw niya pa rin talaga ako tigilan sa kiss na 'yan. Mas lalo ka pang binilisan ang pagtakbo ko dahil malapit na siya sa'kin.

"WAAAHHH! MANYAK! BUKSAN NIYO 'TONG PINTO! BILISSS!" Katok ako nang katok sa pintuan habang sumisilip sa likuran ko. Malapit na siya! "RAPE! RAPE!" Nilakasan ko pa lalo ang sigaw at pagkatok ko. Pagkabukas ng pinto saktong nasa harapan ko na si Stephen kaya tumakbo ako kaagad sa loob at nagtago sa likuran ni Jaye. "WAAHH! RAPE!" sigaw ko pa rin.

"Kiss me beybe~" Tawa ako nang tawa habang palipat-lipat ng pinagtataguan. "Come to me beybe~" Nagulat na lang ako nang may kumiliti sa tagiliran ko.

"HAHAHAHA PANGET! ISA! HAHAHA!" Halos mahiga na kami sa sahig dahil sa ginagawa niya. "Ehem." Napatigil kaming dalawa sa ginagawa namin. Halos lahat sila nakatingin sa'min habang nakataas ang kilay. Agad naman akong tumayo at inayos ang sarili ko. Nang tumalikod sila nagkunwari akong susuntukin ko si Stephen at gano'n din siya sa'kin. "I can see you." sabi ko pa sa kanya habang tinuturo ang mga mata niya.

Umupo ako sa bakanteng upuan. Bigla namang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nananaginip ba ko? Kinurot ko nang palihim ang braso ko. Totoo nga! Oo nga pala nasa bahay pala nila kami. Nag-iwas ako ng tingin dahil bigla na lang siyang tumingin sa gawi ko.

'Ayan, mag-assume ka nanaman na ikaw tinitignan.'

Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon para makita siya. Lagi ko kasi siyang iniiwasan. Hindi ko naman masyadong makita dahil nahaharangan ni Dheniel. "Why did you break my heart?" mahina kong sambit sa sarili ko nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

Sa tuwing makikita ko siya lagi akong nakakaramdam ng kirot. Bumabalik 'yung sakit na dinanas ko no'ng panahong pinili niya kong iwan. "Babe okay ka na ba? May masakit pa ba sa'yo?"Another heartache upon hearing her angelic voice. Hindi ko alam kung bakit mas pinili ng mga mata ko na tignan sila kaysa umiwas.

Naramdaman ko na lang na may tumapik sa balikat ko. I smiled but deep inside I want to scream and cry. Inalalayan ako ni Mark na pumunta sa kanila.

"Nagtext na si Tita kailan niya na raw umuwi." pagpapaalam niya sa kanila. Agad naman silang nagsitanguan at niyakap ako isa-isa. Kita ko sa mata nila na gusto nilang humingi ng tawad. Nginitian ko sila sapat na para sabihing okay lang ako.

Nanatili akong nakangiti nang humarap ako kay Benedict at Angel. Ang ganda naman ng senaryong naabutan ko. How sweet! "Get well soon." Tinanguhan lang niya ko saka masaya ng nakipag-usap ulit sa kanila.

Do I deserve to be treated the way you're treating me right now? One day, when I wake up I'll figure out my worth that my friends kept on telling me. And I will realize that you're not worth to love for.

Mabigat ang loob kong lumabas ng kwarto. Ihahatid sana ako ni Mark pero tumanggi ako. Gusto ko munang mapag-isa. No'ng una ayaw niya pa ko iwanan kung hindi lang dahil sa kondisyon niya. "Hindi mo papatayin 'yang tawag hanggat hindi ka nakakarating sa kwarto mo bebe Khrysha ha?"

Tumango na lang ako. Naglakad na ko palabas ng bahay. "INGAT KA BEBE KHRYSHA PAPAKASALAN PA KITA! HIHI!" Natawa na lang ako sa sigaw niya sa kabilang linya.

Ang yaman naman pala sa load nito ni Mark. Naiiling na lang ako kapag naririnig ko na nagsasalita siya mag-isa.

"I wanna say thank you to your best friend for making me fall and leave me hanging. He's an asshole!"

Wala namang mawawala sa'kin kung maglalabas ko ng ng sama ng loob sa kanya. Mukha namang handa siyang pakinggan ang mga pointless drama ko. I sighed heavily. Kailan kaya matatapos 'to?

"Ito na ba 'yung tinatawag nilang love? Fuck that love. Because of that I cried a lot. I'm suffering so much pain."

Mas lalong sumisikip ang dibdib ko.

"I know I shouldn't tell you but I just can't stop thinking. Should I stay knowing that I'll never have a chance to be with him after all?"

Sinipa ko ang batong nasa harapan ko. Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakayuko. Sa tuwing iaangat ko kasi ang ulo ko puros memories namin ang nakikita ko.

"I don't know what to feel. I should be happy for him because he's happy being loved with someone he loves. It's killing me inside."

Ano bang mali sa'kin? Ginawa ko naman ang lahat pero kulang pa rin ba 'yon para mahalin niya ko pabalik? Ang sakit naman makipaglarong tadhana.

"He never apologized for hurting me. He never apologized for playing with my feelings. He never apologized for breaking my heart."

"Little did he know that I'm still holding on? Waiting for him to come back?"

"But I know it's impossible so I'm trying my best to forget him. Everything that reminds me of him."

"Kung kayo talaga ang para sa isa't-isa kayo talaga. Maybe this isn't the right time for the two of you. God has a better plan."

God is writing my own love story. I just need to be patience.

Pa-Fall Where stories live. Discover now