PF: CHAPTER 7

4.4K 285 73
                                    

Starting to care

Stephen's POV

Tanging iyak lang ni Khrysha ang naririnig namin pati na rin ang mga estudyanteng chismoso't chismosa. Wala man lang ako nagawa para sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang paiyakin ng Benedict na 'yon.

Linapitan ko siya at niyakap nang mahigpit. Marahan kong hinaplos ang buhok niya. "Sorry kung wala man lang akong nagawa para protektahan ka sa gago kong kapatid. 'Wag ka ng umiyak. Andito lang ako---, kami." tanging pag-tango lang ang nagawa niya.

Galit na galit si Jaye. Kanina niya pa gustong sugurin si Benedict pero pinipigilan namin siya. "ANONG BINUBULONG-BULONG NIYO DIYAN? PAG-BUHULIN KO 'YANG MGA DILA NIYO!" umalis na ang mga estudyante, natakot siguro sa aura niya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil mahalaga sa kanya si Khrysha.

"Krysha bebe~ okay ka lang ba?" sabi ng isang lalaki pero hindi siya pinansin nito.

"Ano bang nangyari? Bakit gano'n 'yung taong 'yon? Nakakapanibago." gulong-gulong na sabi ng babae.

Nakasubsob pa rin ang mukha niya sa dibdib ko. Alam kong kailangan niya ng taong masasandalan ngayon. Naaawa ako sa kanya. Hindi ko alam na may dinibdib pala siya. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ng kapatid ko pero aalamin ko ang lahat. Kung kinakailangan siyang ilayo sa gunggong na 'yon, ako na mismo ang gagawa ng paraan.

May parte sa 'kin na nagsasabing kailangan niya ako. No'ng una ko pa lang siyang makita sa Mall, napaka-gaan na ng pakiramdam ko sa kanya kahit na sinungitan niya ako. Tadhana na ata ang naglalapit sa 'min ngayon. Hindi ko ine-expect na makikita ko siya rito.

Bumitaw siya sa pagkaka-yakap sa 'kin at lumapit sa mga kaibigan niya. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon.

That jerk. He's an asshole! Bigla-bigla niya na lang kami sinugod nang hindi namin alam ang dahilan. Kung hindi lang ako inawat ni Khrysha baka nagkalat ang dugo dito.

Lumapit sa 'kin ang driver namin, "Sir, kailangan niyo na pong umuwi. Hinahanap na kayo ng mama niyo. " sabi niya.

Tumango lang ako at nilapitan si Khrysha. Gustuhin ko mang mag-stay pero hindi pwede. Gusto ko sanang makita muna ang mga ngiti niya bago ako umalis para mapanatag man lang ang loob ko na okay lang siya.

"Khrysha." lumingon siya sa 'kin at niyakap ako ulit. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Hmm?" bumitaw siya sa pagkakayakap. Magang-maga na ang mga mata niya.

"I want to stay by your side but I need to go home. I'm sorry. Don't worry, we'll take a revenge." sinamaan niya ako ng tingin. "Kiddin'. Haha. Matulog ka ng maaga ngayon para tumangkad---, I mean para hindi ka magmukhang zombie bukas." I patted her head.

Nginitian niya ako. Ngiting ngayon ko lang nakita, napaka-peke at lungkot. Nagpaalam na rin ako sa mga iba pa niyang kaibigan bago ako dumiretso sa kotse. Kung hindi lang talaga importante ang pupuntahan ko, do'n lang ako sa tabi niya.

Pagka-pasok ko pa lang ng bahay, mukha kaagad ni Benedict ang nakita ko. Masamang titig ang pinukaw niya sa 'kin bago siya umakyat

"Oh, you're here my dear!" nakipag-beso sa 'kin si Mama at gano'n din kay Tito.

"Is there something wrong, ma?" kumuha ako ng tubig at saka dumiretso sa sala.

Umupo sa harap ko si Tito, "Napag-isip isip kasi namin na mas maganda siguro kung iiwan namin kayong dalawa rito ni Benedict." pagpapaliwanag niya sa 'kin.

A moment of silence. Kung tutuusin okay lang naman sa 'kin, hindi ko lang alam kay Benedict. Gusto ko rin naman siyang makilala ng husto. Dati kasi nag-bakasyon kami rito, ipinakilala nila kami sa isa't-isa. Nang una pa lang kaming magkita, talagang galit na galit na siya sa 'kin. I don't know why.

Pa-Fall Where stories live. Discover now