PF: CHAPTER 30

671 24 6
                                    

You are the only exception

Khrysha's POV

"Hoy Kiana paayos nga 'to!" Padabog akong lumabas sa cubicle. Nakasimangot siyang lumapit sa'kin at hinigpitan ang ribbon. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit. Umalis siyang nakabusangot at hinintay ako sa labas ng restroom.

Tinanggal ko ang sandals na suot-suot ko. Bababa pa naman kami ng hagdan. Tumakbo kami ni Kiana pababa dala-dala ang gamit namin. Last subject kami mag-cocotillion para mas feel daw namin na may prom. Nakapila na silang lahat at inaayos na lang ang sound system. Madali kong sinuot ang sandals at pumila sa harapan.

'Yung lalaking kahit anong suotin ang lakas pa rin ng dating. Napawi lahat ng kaba nang makita ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Wala akong magawa kundi titigan siya pabalik.

Tanging ilaw na lang sa mga puno ang nakabukas. Para bang nasa isa kaming paraiso.

Dahan-dahan akong naglakad. Sinalubong ako ng mainit niyang kamay. Kung no'ng practice hindi ko siya magawang tignan ngayon hindi ko magawang lumingon sa iba. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Kahit ngayon lang. Akin ka muna." seryoso niyang sabi. Wala akong makitang ibang tao kundi siya lang. 'Yung mga titig niyang nakakatunaw. Dahan-dahan niyang hinawakan ang baywang ko. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Lumuwag ang kapit ko sa kanya. Ni hindi ko na siya matignan ng diretso. Nanginig na rin ang mga tuhod ko.

Pagkaikot niya sa akin, mas lalo niya akong tinulak papalapit sa kanya.

"Ang sweet!" Nakangiting sabi ni Queenie mula sa likuran ni Benedict. Pinilit kong ngumiti kahit na nanginginig ang mga labi ko.

Hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko. "Tumingin ka sa mga mata ko." Hindi ko ginawa ang sinabi niya. Ayokong tumingin sa mga mata niya. Dahil sa oras na gawin ko 'yon hindi ko alam kung kaya ko pa siyang pakawalan. Binitawan niya ang kamay ko at inilagay sa kanyang balikat. Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap sa kanya. Inipit niya ang mga takas kong buhok sa likuran ng aking tainga.

"H'wag kang titingin sa iba." Pumikit ako nang mariin pagkaikot niya sa'kin. Muli akong dumilat ng maramdaman kong may sumalo sa'kin.

Nakahinga ako ng maluwag. "Bantay sarado ka ah." nakangiting sabi ni Dheniel bago ako inikot. Sumunod naman si Maria. Kinurot niya ako sa tagiliran, "Landi mo! Hahaha." pabiro niyang sabi. Tumawa ako dahil sa sinabi niya.

"Ang pangit mo!" Hinampas ko sa tiyan si Jaye pagkasabi niya no'n. Ginulo niya lang ang buhok ko saka ako pinitik sa noo. Bago niya ako ikutin niyakap ko siya nang mahigpit. "Mas pangit ka!" sabay kaming tumawa.

Last stop na kay Stephen. Imbes na sa balikat ko siya hawakan, nilagay ko ang kamay ko sa kanyang batok. I feel comfortable. "Chansing ka panget." pabiro niyang sabi pero hinigpitan niya rin ang hawak sa baywang ko. Hiniga ko na ang bahagya ang ulo ko sa balikat niya.

"Thank you." bulong ko bago niya ako pakawalan.

Kumalas na kami sa bilog at muli nanaman akong kinabahan ngayong siya na ulit ang nasa harapan ko. Hindi ko magawang magsalita. Ni ngumiti hindi ko magawa. Hindi na rin siya tumitingin sa'kin. May parte sa'kin na malungkot. Ito naman ang gusto ko 'di ba?

"Ang ganda mo." Napangiti at mabilis na lumingon sa kanya. Napawi ang lahat ng 'yon nang makita kong iba pala ang sinasabihan niya. Akala ko ako. Nag-assume nanaman ako. Para namang sasabihan niya ako ng maganda, sino ba ako?

Bigla niya na lang ako nilipat sa kabilang side. Muntikan pa kong matapilok sa ginawa niya pero wala siyang paki. "Ikaw ba 'yan Aloha?" pabiro niyang sabi sabay kindat.

Lumihis ako ng tingin nang ngitian ako ni Aloha. Halos lahat ng mga kaklase naming babae sinasabihan niya ng maganda. Samantalang ako na nasa harapan niya hindi niya masabihan. Kung gaano kahigpit ang kapit niya kanina ganoon kaluwag ang pagkakahawak niya ngayon. Ito naman ang gusto ko eh. Pero bakit ako nasasaktan?

"May kasabay ka bang umuwi mamaya Precious? Hatid na kita mamaya." Napantig ang tainga ko sa sinabi niya. Bago pa man sumagot si Precious hinila ko na siya papalayo.

Nanginginig ang kamay kong hinampas siya sa dibdib. "Ano bang problema mo ha? Balak mo bang ihatid lahat ng kaklase natin?! Bait mo naman." Kinagat ko ang labi ko. Ano bang pinagsasabi ko? Baka sabihin niyang nagseselos ako.

"Kalimutan mo na 'yung sinabi ko. Wala ka namin paki 'di ba?" I fake a smile. Pagkatapos no'n wala na ulit sa'min ang nagsalita. Konting tiis na lang rin naman matatapos na 'yung kanta.

Bigla na lang siyang tumawa. Kunot-noo ko siyang tinignan at tinarayan. Baliw na siya. Hinampas ko ulit ang dibdib niya nang tumawa siya nang malakas. Lahat ng mga kaklase ko tumingin sa direksyon namin. Pati mga titsers na nanonood napatingin sa'min.

Hahampasin ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko. Titig na titig siya sa mga mata ko.

"Ayieeeeee!" sigawan ng mga titser namin pagkaikot.

Niyakap niya ako nang mahigpit mula sa likuran. Nagpalakpakan na ang lahat pero hindi niya pa rin tinatanggal ang pagkakayakap niya. Nasa gitna pa naman kaming dalawa. Naramdaman kong tumahimik bigla ang paligid. Lahat ng mga mata nakatuon sa'min. Inaabangan kung anong susunod na mangyayari.

"Nakakahi---" Hinigpitan niya ang yakap niya at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.

Lahat sila nasa harapan namin. Kaming dalawa na lang ang nasa gitna. "You are the only exception~~" sabay-sabay nila kanta.

"I miss you." Lumuwag ang kanyang yakap. Iniharap niya ako saka muling niyakap. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ang sigawan nilang lahat. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.

"Nakakaiyak kayong dalawa!" sigaw ni Kiana saka pinunas ang luha niya. Muling pinatugtog ang kanta kaya lahat sila nagsitayuan at pinuntahan ang gusto nilang makasayaw bago matapos ang araw na 'to.

Hindi pa rin tumitigil ang luha ko habang yakap-yakap niya ako. Binitawan niya ako at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luhang umaagos mula sa aking pisngi. Pinaghahampas ko siya pero sinasalo niya lang ang lahat ng iyon. Mas lalo akong napaiyak dahil sa mga yakap niya.

"I h-hate you!" Binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Na-miss ko 'yung amoy niya. Tumawa siya dahil sa ginawa ko. Gusto ko ganito na lang kami palagi. 'Yung parehas kaming masaya dahil kasama namin ang isa't-isa. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko katulad ng ginagawa niya rati.

"Can I hug you for the last time?" Matagal ko siyang tinignan. Habang sila sumasayaw heto kami sa gitna may sariling mundo. Tumingkayad ako at niyakap siya nang mahigpit. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong pwesto hanggang sa bumitiw na ako. Paalis na ako pero hinabol niya ako at hinila papalapit sa kanya.

Nilapit niya ang mukha niya hanggang sa 1 inch na lang ang pagitan. Pinikit ko ang mga mata ko. "Please be happy. Goodbye." Dumilat akong may luhang umaagos muli sa pisngi ko. Hinalikan niya ako sa noo saka umalis papalayo.

You are the only exception~~

Pa-Fall Where stories live. Discover now