PF: CHAPTER 11

4.1K 219 60
                                    

Khrysha at the multimedia ->>

No to boyfriend

Khrysha's POV

Totoo ba 'yon? Tumawa siya dahil sa 'kin? Kinikilig ako. Heart, easy ka lang baka sumabog ka na lang basta. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.

Siniko ako nang malakas ni Queenie kaya nabalik ako sa katinuan.

"Masyado ba kayong wild? Ba't ka nagkaka-ganyan? Hoy gaga ka!" nakangisi niyang tanong sa 'kin at binatukan ako.

'Di porket masaya ako ngayon pwede na nila akong batok-batukan. Sinamaan ko siya ng tingin. Ilang araw na nila akong sinasadista, pasalamat sila wala pa akong balak gumanti.

Nag-acting si Kiana na akala mo nire-rape, "Makaungol wagas! ARAY! BIGLAIN MO NA KASI!" sabay tawa nilang lahat.

Isa-isa ko silang hinampas sa braso. "KAYO ANG MAY LUMOT NA SA UTAK!" inis kong sabi.

Hinila ako ni Jaye papuntang kwarto, "Madami pa tayong gagawin, mamaya na maglandian." sabi niya lang sa 'kin at pinaupo ako sa kama.

Sabay-sabay silang pumasok sa kwarto. At huli siyang dumating, parang slow motion ang paglakad niya papunta rito. Feeling ko sa 'kin siya nakatingin at nakangiti.

"Ouch." napatingin ako kay Jaye dahil pintik nanaman ang noo ko. Habit niya na talaga ang pagpitik sa noo ko.

"Okay ka lang?"

Napa-angat ako ng ulo nang marinig ko ang boses niya. For real? Hindi ako makapaniwala. He ask me if I'm okay. Kyaahh~~

Nag-nod lang ako at palihim na napangiti. Nag-uumpisa na silang mag-lettering samantalang ako nakatutok sa laptop dahil ako ang gagawa ng ticket.

"H'wag nga kayo tumunganga diyan! Tulungan niyo kaya kami no? 'Tong dalawang 'to inuna pa ang landi kaysa gawa." pailing-iling na sabi ni Queenie.

Binato niya sa 'kin ang mga gamit, sa 'kin lang talaga dahil saktong-sakto talaga sa mukha ko. Kainis talaga 'tong babaeng 'to! Hindi naman ako lumalandi eh. May masabi lang.

Tinarayan ko siya at binato ng lapis sa mukha, "Thank you ah? Thank you. Napaka-sweet mong best friend. Kita mong 'di ko magalaw kamay ko, ipapagawa mo sa 'kin? Baluga ka talaga!" sarcastic kong sabi at hindi na pinansin pa ang sinabi niya.

Sa baba sila gumagawa samantalang ako at si Benedict ay naka-upo sa kama. Lakas ng apog ng lalaking 'to, nakatunganga lang. Napaka-tamad talaga!

Sinitsitan ko siya pero hindi niya ako pinansin. Loko 'to ah! Binato ko nga ng lapis, hayun at magkasalubong ang kilay na tumingin sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay, ano siya sinusuwerte? Kami nagpapaka-hirap gumawa tapos siya paupo-upo na lang? 'Di ata fair 'yun.

"Ba't mo ko binato?" irita niyang tanong.

Nginitian ko siya, "Eh kung tulungan mo kaya ako rito 'no!" taas kilay kong sabi sa kanya.

Imbes na tulungan ako ay umalis siya sa pagkaka-upo sa kama at nilibot ang buong kwarto. Mabuti na lang at nasa drawer ko ang mga pictures niya, mahirap na ang mahuli sa akto. Baka lumaki ang ulo at ipagmayabang na patay na patay ako sa kanya. Hindi pwede 'yon!

"Ang tamad-tamad mo talagang lalaki ka!" bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanya.

Hirap na hirap akong igalaw ang mga kamay ko dahil masakit gawa ng nabubog ako kanina. Isang letter pa lang ang nagagawa ko ay dumugo na naman ang kamay ko. Tumingin ako sa baba, mukhang hindi naman nila napansin dahil busy sila sa mga ginagawa nila. Natuluan na ang ginagawa ko kaya agad akong napatayo habang hawak-hawak ang kamay ko na dumudugo. Nang pisilin ko ito ay mas lalo lang nagdugo at sumakit. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa kirot.

Pa-Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon