PF: CHAPTER 20

2.8K 140 36
                                    

What team are you? Team Benedict or Team Mark?

Beastmode Khrysha

Khrysha's POV

My Benedict ♥

Good morning! Take care ;) See you in a bit <3

"KYAAHH~ BES!" Tili ko.

Aligagang-aligaga naman na lumapit sa 'kin si Kiana at inagaw ang phone ko. Anak naman ng tokneneng! Bakit kasi may pa-take care, take care pa siyang nalalaman e!

"Parang no'ng isang araw lang may LQ kayo tapos ngayon, waahh! Bear!"

Tumitili na rin sila. Naghahampasan kami habang tumatalon. Mas kinikilig pa talaga sila sa 'kin. Lumayo ako at ni-reply-an siya. Para akong tanga dahil hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko.

To: My Benedict ♥

Haha. Wrong send ka ata. Hindi ako si Angel.

Nadala na ko sa wrong send na 'yan. Baka pinagti-trip-an niya nanaman ako e. Hindi ko alam na nasa tabi ko na pala sila at tinitignan kung ano ang tina-type ko.

"Ang gaga nito!" Hinampas ako nang malakas ni Kiana.

Nag-make face ako. Tumawa naman sila at inagaw ang phone ko nang tumunog ito.

"Bear ito na!"

Hinablot ko naman agad ito kay Queenie. Tumabi sila sa 'kin habang niyuyugyog ako. Anak ng tokneneng! Hindi ko mabasa 'yung text niya. Marahas kong tinanggal ang mga kamay nila saka ko sila pinaghahampas.

My Benedict ♥

Haha. Kinikilig ka 'no? In love ka na niyan!

Bwiset. Tawa sila nang tawa habang dinuduro-duro ako.

"Tanga na nga manhid pa!" singhal ko.

"May Angel na kasi siya."

Here comes my devil boy best friend. I rolled my eyes at tinalikuran siya. Tinakpan ko ang tainga ko, hinayaan ko siyang magsalita nang magsalita.

Lumapit siya sa 'kin at pinitik ang noo ko. "Wala ka ng pag-asa do'n. Kung ako sa 'yo kay Mark ka na lang, mahal ka naman no'n e."

Hindi ako sumagot. Alam ko na kung saan pupunta 'tong usapang 'to. Ayokong mag-away kami. In the end, alam ko namang pipilitin niya lang ako na gustuhin si Mark. Kung pwede lang turuan ang puso na iba na lang ang mahalin, siguro natutunan ko ng mahalin si Mark. Kaso hindi e.

Tahimik kaming umakyat. Ni isa walang nagbalak na magsalita. Hindi ako sanay na hindi kami nagpapansinan ni Jaye. Niyakap ko siya, "Sorry bes." he tapped my head and smiled.

"I'm sorry." He kissed my forehead and hugged me back.

Hindi ko kayang tiisin ang best friend ko. Napatawa na lang kaming dalawa.

Nalingat lang ako sandali kasama na nila 'yung mga lalaki nila. Hindi nila kakayanin ang hindi magkita kahit isang araw lang. Ano pa nga ba? I'm surrounded of couples. I crossed my arms. Mukhang nagpaparamdam na sa 'kin ang tadhana na mag-boyfriend na rin ako. Pwes, wala akong panahon!

Nakabusangot akong pinapanood ang sweetness nila. Sila na may love life, ako na wala!

"Here comes your soon to be sweetie." Kinindatan ako ni Queenie.

Tumingin ako sa likod namin. I saw him walking towards us. He's smile and eyes are hypnotizing me. Hindi ko alam na kanina pa pala siya nasa harapan ko. Kung hindi pa ko pinitik ni Jaye baka tumulo na ang laway ko. Nakakahiya!

Pa-Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon