48

3K 105 8
                                    

Chapter 48
| Past or Present |

∞ N I C K I ∞

Isang taon na ang nakalipas.

Simula noong nagka-usap kami ni Dave ay hindi ko na siya nakita pa o nacontact. Maski sila kuya ay hindi na rin siya mahanap. Siguro nga ay tuluyan na siyang umalis ng bansa. Tuluyan na niya akong iniwan at kinalimutan.

Masakit para sa akin lahat ng mga pangyayaring iyon pero hindi ako sumuko dahil umaasa akong magbabalik si Dave sa akin. At tutuparin niya 'yung pangako niya sa akin.

Kahit na alam kong malabo ng mangyari na maalala pa niya ako ay naniniwala pa rin ako na balang-araw ay maaalala niya ako.

Sa loob ng isang taon na 'yon ay marami na ang nangyari.

Naging mas malapit kami ni Kurt. Mas nakilala ko siya dahil lagi niya akong dinadalaw sa bahay. Parang si Dave lang nung nasaktan ako kay Kurt. He even tried to court me pero hindi ko siya hinahayaang gawin iyon.

Si Kuya naman at Ikay ay mas lumalalim 'yung relasyon nila sa isa't isa. Nakakainggit nga eh. At ngayon ay nasa America na ulit sila.

Si Hailee naman ay pinayagan nang manligaw si Franco sa kanya. Well parang seryoso naman na si Franco kay Hailee kahit na sabihin nating babaero si Franco.

Si Leo at Kean naman ay nag-ibang bansa na. Mga big time na eh.

Tapos ito ako naghihintay pa rin kay Dave.

***

Nasa park ako ngayon.

Halos araw-araw akong dinadala ng mga paa ko rito dahil marami kaming ala-ala ni Dave rito.

Kahit na ala-ala nalang iyon ay mananatili pa rin 'yon sa puso't isip ko.

Biglang may tumakip sa mata ko.

"Hmm Kurt?" hula ko dahil siya lang naman ang gumagawa sa akin no'n.

"Hays kailan ka ba magkakamali?" tanong niya.

"Kung kailan magiging tatsulok 'yung buwan." pagbibiro ko at ngumiti.

"Ahm Nicki may sasabihin sana ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Since matagal nang wala si Dave dito baka sakaling wala na rin siya d'yan sa puso mo. Baka naman pwede ko siya palitan d'yan kasi matagal naman na akong nagsisi sa kasalanan ko at handa akong itama iyon. Handa akong pasayahin ka." sabi niya.

Hinawakan ko 'yung magkabilang pisnge niya at tiningnan ko siya nang diretso.

"Alam mo Kurt mahal na mahal kita." sabi ko at tumigil saglit.

"Noon. At si Dave na ang mahal ko ngayon. Maybe past ka na para sa akin at si Dave ang present ko. Ilang beses ko naman nang sinabi sa iyo 'yan diba?" sabi ko.

"Edi habulin mo na 'yung present mo." sabi niya kaya nagtaka naman ako.

"Ha?" nagtatakang tanong ko.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon