16

2.7K 127 28
                                    

Chapter 16
| Prom Night |

∞ N I C K I ∞

OMG! This is it. By the way, naghanda si mommy kanina at dumating ang ilan naming mga kamag-anak. Inentertain namin sila kahit sandali lang dahil maaga kaming inayusan nung make-up artist na inarkila ni mommy.

At ngayon nandito na kami sa school, pinagbuksan ako ng pinto ni kuya at lumabas naman ako sa sasakyan. Suot ko ngayon 'yung gown na katulad kay princess Belle pero color red. At ginawa namang braided half updo tapos curly 'yung buhok ko. Nakakapanibago lang dahil hindi ako sanay ng gan'to pero sabi nga ni mommy minsan lang daw sa buhay ko mangyayari ito so dadamdamin ko na lang hahaha.

Lumakad kami sa red carpet at habang lumalakad kami ay nakahawak ako sa braso ni kuya dahil kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan. Nakakabaliw na. Habang lumalakad kami ay napatingin sa amin ang lahat ng studyante.

Bigla namang bumulong si kuya sa  akin.

"Nicki, papayagan kita kung anong gusto mong gawin ngayon. Hindi kita pipigilan at hindi rin kita isusumbong kina daddy. Susuportahan pa nga kita eh hahaha basta siguraduhin mong tama 'yung gagawin mo ah saka 'wag mo rin akong isusumbong." bulong sa akin ni kuya at umupo na kami sa upuan na nakalaan para sa amin.

"Ano bang gagawin ko kuya?" tanong ko.

"Ewan ko. Basta mag-enjoy ka lang sa gabing ito." sabi ni kuya at nginitian ako. Ang weird.

Nagsimula namang magsalita 'yung emcee at ipinakilala na 'yung mga guests. Susunod naman 'yung mga magco-cotillion. Hindi ako kasama dahil puro 4th year lang ang pinili nilang sasayaw dahil huling sayaw na nila iyon sa school na ito.

Nagsimula na silang sumayaw at kasama lahat ng miyembro ng EMANON. May mga iba ring kasali kaso halos hindi ko kilala. Hindi kasi ako gala sa school eh.

Habang nakatingin ako kay Kurt na may kasayaw na ibang babae parang nagseselos ako. Dapat ako 'yon eh. Pero nahagip naman ng mata ko si Dave na hindi man lang tumingin sa mata ng partner niya. Para bang ayaw niya sa kapartner niya. Ang sama naman nito.

Mabilis rin natapos ang cotillion at nagsiupuan na lahat ng mga tao dahil nagserve na ang mga catering crew.

Kumain lang ako nang kumain dahil ang sarap ng pagkain. Wala na akong pake sa mga taong nasa harap ko. Hindi ko naman sila kilala eh. Buti nalang at katabi ko si kuya.

Pagtapos kong kumain ay pumunta muna ako ng cr para maghugas ng kamay at magretouch. Oo may gano'n!

Habang nasa cr ako ay may narinig kong may nag-uusap na mga babae.

"Oy balita ko babalik na raw si Kate ah?"

"Weh? Talaga? Ano na kayang itsura niya ngayon 'no? Maganda pa rin kaya siya?"

Hays chismis na naman. Eh sa pagkakaalam ko hindi na ata babalik 'yon si Kate eh. Pero paano nga kung babalik na siya. Hays 'di bale na.

Lumabas na ako ng cr at bumalik sa pwesto ko.

"Okay students. At this time you can dance whoever you want to dance. Build memories that you wouldn't forget specially to our graduate students. You should own the night. Later on we will announce who'll be the King and Queen of the Night." sabi nung emcee at nagpalakpakan naman ang lahat ng tao rito. Pagtapos ay pinatugtog nila yung 'Can I Have This Dance'.

Nagsitayuan na ang bawat lalaki at inalok ang mga babae na sumayaw.

Bigla akong inalok ni kuya sumayaw kaya pumayag ako.

"Nicki wag na wag mong papabayaan ang sarili mo ah." malamig na sabi ni kuya habang sumasayaw kaming dalawa.

"Huh? Bakit naman? Eh nandyan ka naman para ipagtanggol ako eh diba?" sabi ko.

"Oo naman pero hindi ako palaging nasa tabi mo"

"Ewan ko sa'yo kuya. Sumayaw na lang tayo" sabi ko at tumigil naman siya. Hindi naman siya gano'n sa akin dati eh.

Bigla namang sumingit si Kurt.

"Ehem." napatingin kaming dalawa ni kuya sa kaniya. Ngayon ko lang siya nakita at ang gwapo niya sa suot niya ngayon. I mean mas lalo siyang gumwapo.

"Pwede ko bang maisayaw 'yung kapatid mo bro?" tanong niya.

"Hahaha sige. Ingatan mo 'yung kapatid ko ah."

"Syempre naman." sabi ni Kurt.

Nakakapanibago talaga si kuya. Kung dati rati isang hawak pa lang sa akin ng lalaki bugbog sarado na agad sa kaniya eh pero ngayon iba na.

Umalis na si kuya at isinayaw naman ako ni Kurt. Di ako makatingin sa kaniya! Ang gwapo niya. Kinuha niya 'yung kamay ko at inilagay ito sa magkabilang balikat niya at hinawakan naman niya ang baywang ko.

"Nicki ang ganda mo." sabi niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"Thank you." maikling sagot ko.

"May aaminin ako sa'yo." sabi niya at tumingin naman ako sa kaniya. At this time medyo kaya ko na.

"Ano nanaman 'yon?" tanong ko.

"Nicki mahal na kita." sabi niya at napalunok ako.

"Grabe naman Kurt." sabi ko at tinitigan siya.

"It's your choice kung maniniwala ka basta ako alam kong mahal na kita." sabi niya at hindi na ako nakapagsalita pa.

Sumayaw lang kami nang sumayaw. Hanggang sa tinawag si Kurt ng mga barkada niya at pinagpahinga na niya ako. Naiwan lang ako dito na nakaupo. Tiningnan ko 'yung paa ko at medyo masakit na dahil hindi naman ako sanay magsuot ng gan'tong mga sapatos.

Bigla namang umupo sa tabi ko si Dave.

"Bakit nag iisa ka?" tanong niya. Wow. Ang gwapo ni Dave ngayon. Hindi naman sa nangangaliwa na ako pero mas gwapo siya kay Kurt ngayon. Ngayon ko lang narealize.

"Ah medyo masakit na kasi 'yung paa ko." sabi ko at tiningnan naman ni Dave 'yung paa ko.

"Akin na hilutin ko. Isasayaw pa kita mamaya diba?" sabi niya at nilagay ang paa ko sa lap niya.

"Nako wag na nakakahiya" sabi ko at akmang aalisin 'yung paa ko pero sinimulan na niyang hilutin ito.

"It's my duty to serve you." sabi niya.

"Hahaha ano ka yaya ko?" pagbibiro ko.

"Hindi. Admirer mo." sabi niya kaya natahimik kaming dalawa.

"I mean admirer mo kasi ang galing mong kumanta. You have an Angelic Voice." sabi niya at natawa nalang ako.

Hindi rin nagtagal ay nawala 'yung sakit ng paa ko dahil sa hilot niya. Infairness ang galing niya ah.

"So ano? Pwede na ba kitang masayaw?" tanong niya.

"Hahaha sure! Tutal ikaw naman 'tong naghilot ng paa ko." sabi ko at ngumiti.

TO BE CONTINUED

Ano kayang mangyayari sa sayaw nila Dave at Nicki? At bakit ganoon ang mga sinasabi ni Nicko sa kaniyang kapatid?

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now