11

3.2K 140 28
                                    

Chapter 11
| Love Your Enemy |

∞ N I C K I ∞

Maaga akong ginising ni Kuya ngayon pero hindi na tulad ng dati na tinututok niya 'yung cellphone niya sa tainga ko. Bagong version daw ngayon. Pinalo niya ako ng unan, malakas 'yon kaya ang ginawa ko ay pinalo ko rin siya pero minalas ako dahil nadulas ako. Ang saya diba?

Pinaalis ko na siya sa kwarto ko at naligo na ako. Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba na ako para kumain.

"Good morning anak." bati sa akin ni mommy.

"Good morning mom."

"Hahaha para kang may black eye sa mata mo." pang-aasar ni kuya.

"Hindi yan black eye. Eye liner yan noh."

"Alam ko."

"Edi wow. Alam mo naman pala eh." pagsusungit ko sa kaniya at kumain na ako.

Binilisan ko lang ang pagkain ko dahil ayokong makatabi si kuya. Mamaya kung ano pang iasar sa akin no'n eh, panira lang ng araw.

Nagtoothbrush na ako at nauna na ako sa sasakyan.

Sumunod naman sa akin si kuya.

Pinaandar na ni daddy 'yung sasakyan. Sinaksak ko sa tenga ko 'yung earphones ko para naman kahit papaano gumanda 'yung mood ko.

Maya-maya lang ay hindi ko namalayang nandito na pala kami.

Pagbaba ko ng sasakyan ay nagpaalam na agad ako kay daddy. At himala walang Ikay na sumalubong sa akin ngayon.

Habang naglalakad ako sa hallway halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Ahh baka sa eye liner ng mata ko. Ang hirap naman kasi tanggalin nung eye liner na nilagay sa akin nung baklang 'yon eh.

Nahihiya tuloy ako. Di ako sanay na center of attraction. Pero bakit halos lahat sila nakalabas ang mga cellphone tapos tinitingnan ako. Hala baka may kumakalat na kung ano ano tungkol sa akin.

Buti nalang ay nakita ko si Ikay.

"Hoy Ikay! Anong balita? Bakit halos lahat sila nakatingin sa akin."

"Tingnan mo kasi 'yung profile ni Dave." sabi sa akin ni Ikay at iniharap sa akin 'yung cellphone niya.

Nakita ko yung shot ni Ikay. Yung naka wacky kami ni Dave. Ang cute niya pero nung nakita ko yung caption ewan ko kung matutuwa ako o magagalit eh. Yung caption ba naman ay 'Love your Enemy' ang galing diba. Nakakataba ng puso!

Pero nung nakita ko 'yung mga reactions puro heart tapos ang daming nagcomment. Nakita kong 3 hrs ang nakalipas nung nagpalit siya. Fame talaga nako.

873 likes * 523 love * 124 haha * 42 wow * 21 sad * 3 angry

Ang dami ring nagcomment.

'Hahahah enemy ba talaga?'

'Nako dumadamoves na si papi'

'Bagay kayo'

'Wasak'

'Iba talaga umatake si Dave'

'Dave akin ka na lang please?'

'Iba talaga si Dave HAHA'

'Ate RUN HAHAHAHA'

at marami pang iba. Ang dami kong tawa sa mga comments nila.

Kaya pala halos lahat sila nakatingin sa akin. Dahil lang do'n. Hays dahil lang do'n nagkakaganyan sila.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon