08

3.5K 151 45
                                    

Chapter 08
| Truth |

∞ U N K N O W N ∞

["Okay lang ba siya?"] tanong niya.

"Oo naman."

["Buti naman. Bukas pa kami babalik eh."]

"Ah buti naman. Wala siyang kasama do'n eh. By the way, thank you dahil sinabi mo sa akin 'yung paborito niya." pasasalamat ko sa kaniya.

["Walang anuman Dave! Thank you rin dahil sinunod mo sinabi ko."]

"Hahahah syempre naman. Baka mabugbog mo ako eh. De joke lang."

["Sige na, matutulog muna ako matagal-tagal pa biyahe namin."]

"Sige! Ingat kayo dyan Nicko."

Binaba ko na 'yung tawag at pumasok na ako sa loob ng bahay namin.

"Saan ka galing Christofer Dave?" bungad na tanong sa akin ni Ate Chloe.

"Nagpractice kami ng banda Ate." sabi ko at ngumiti.

"Sus baka nang chi-chix ka?"

"Goodboy 'to ate. Loyal ako kay Nicki 'no." sabi ko.

"Ay teka ate nasaan si Chandria?" tanong ko dahil hindi ko nakitang naglalaro si Chandria sa sala.

"Ahh nando'n na sa kwarto niya. Maagang nakatulog dahil gumala kami kanina."

"Ahh sige! Puntahan ko muna sa kwarto niya ate." paalam ko at pumunta na ako sa kwarto ni Chandria.

Btw, si Ate Chloe 'yung panganay kong kapatid at si Chandria naman 'yung bunso. Ako lang ang nag-iisang lalaki at ako ang sa gitna. Si Daddy naman nasa ibang bansa nagtatrabaho. Then si mommy namatay nung ipanganak niya si Chandria.

Pagpasok ko ay nakita kong nakababa na ang kumot niya kaya inayos ko 'yon at kinissan ko siya sa noo.

"Sweetdreams baby Chandria." bulong ko sa kanya at lumabas na ako para pumunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko ay nagbihis na agad ako at naghilamos na. Humiga ako sa kama at iniisip ko lahat ng nangyari.

Buti nalang at nag-uusap na kami ni Nicki. Hindi na kumpara dati na lagi lang ako sumusunod sa kaniya ng hindi nya alam.

Ang saya ko lang na nagiging close na kami ng taong gusto ko. Buti na lang at sa akin ipinagbilin ni Nicko si Nicki. Ako kasi ang pinaka-close niya sa aming magbabarkada.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon