17

2.7K 125 40
                                    

Chapter 17
| Prom Night 2 |

∞ D A V E ∞

Maybe this is the right time. Right time to say how much I love her. And to say goodbye.

Di lang niya alam na kanina ko pa siya pinagmamasdan sa malayo. Simula pa lang sa pag-pasok niya at pagsayaw nila ni Nicko pati na rin ni Kurt. I know kung gaano siya kasaya sa piling ni Kurt. Yung kasiyahan na hindi ko kayang ipadama sa kaniya.

"So ano? Puwede na ba kitang maisayaw?" tanong ko matapos ko siyang hilutin.

"Hahaha sure! Tutal ikaw naman 'tong naghilot ng paa ko." sabi niya.

Tumayo ako at inilahad ko sa kaniya ang aking kamay. Tinanggap naman niya ito at dinala ko siya sa gitna.

Kakatapos lang ng isang music kaya bigla nilang pinatugtog 'yung 'Perfect' by Ed Sheeran.

The song is fitted for the girl I'm dancing with. She looks perfect tonight.

Inilagay ko ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ko at hinawakan ko naman ang isang kamay niya.

Sumayaw lang kami at kahit na isang segundo ay hindi ko tinatanggal ang mga mata ko sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumayaw lang kami at kahit na isang segundo ay hindi ko tinatanggal ang mga mata ko sa kaniya.

"Uhm Dave?"

"Oh bakit?" tanong ko.

"Wag mo kong titigan hindi ako sanay." sabi niya at natawa naman ako.

"Hindi ka sanay? Lagi kaya kitang tinititigan sa malayo." sabi ko at napatingin naman siya sa akin.

"Huh?"

"Oo. Lagi kitang binabantayan." sabi ko at mukhang nagtataka siya sa mga pinagsasabi ko.

"Anong- Aray!" sabi niya nang matapilok siya.

Napahawak siya sa dibdib ko at di ko maiwasang magflex ito. Sa pangalawang pagkakataon ay natapilok ulit siya at tikan na siyang malaglag pero nasalo ko siya.

Nagtama ang mga mata namin.

Siya. Siya 'yung babaeng minahal ko nang sobra. At siya rin 'yung babaeng mahal ko na ngayon ay papakawalan ko na para sa kaniyang sariling kaligayahan.

Nang magbalik ako sa katinuan ay iniayos ko na siya at napasandal siya sa dibdib ko.

"So-sorry Dave." paumanhin niya at akmang tatanggalin 'yung ulo niya pero hinawakan ko ito at ibinalik sa dating pwesto kung saan nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon