29

2.4K 101 5
                                    

Chapter 29
Story behind Nicko and Ikay |

∞ 

Lumipas ang ilang taon, buwan, araw na hindi kami magkasama ni Ikay. Pero di ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Si kuya at Ikay?

All this time si Kuya pala 'yung tinutukoy niyang gusto niya sa varsity. Si kuya pala 'yung lagi niyang chinicheer na 'Go SWEETY'. Kaya rin pala tuwing umaga sinasalubong niya ako pag darating kami dahil kasama ko si kuya. Expect The Unexpected nga naman.

∞ 

Simula pa lang nung highschool kami ay napapansin ko nang nagpapapansin sa akin si Cheska pero hindi ko ito pinapansin dahil tutok ako sa pag-aaral ko. Hindi rin ako nagkainteresado sa kaniya dahil na rin siguro bestfriend siya ng kapatid ko.

Nung pumunta ako sa America hindi ko alam na nandoon din siya. I don't even know na umalis rin siya ng bansa. Maybe destiny brought us together.

Nung nagsimula akong magtrabaho sa coffee shop lagi ko siyang nakikita roon na nagcocoffee kasama 'yung mga kaibigan niya. Hindi niya ako nakikita dahil hindi siya ang nag-oorder kung 'di ang mga kaibigan niya. I always stare at her everytime she's inside the coffee shop.

Hanggang sa dumating na parang nahuhulog na ako sa kanya kada titingnan ko siya. I know na ang weird ko kung sasabhin ko iyon. Pero ngayon ko lang narealize na maganda pala siya.

Cheska is Kind, Simple, Intelligent, Caring and Rich pero hindi 'yon ang habol ko sa kanya.

Parang napag isip-isip ko na ang tanga ko na sinayang ko 'yung opportunity na ligawan siya noong highschool palang kami.

Hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan at kamustahin siya noong nag-iisa nalang siya na pumupunta sa coffee shop.

Flashback~

"Hi Cheska." sabi ko sa kaniya at ngumiti.

"Ni-Nicko?" gulat na tanong niya.

"Yes. How are you?" tanong ko sa kaniya.

"Okay naman." sabi niya at ngumiti.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong niya.

"Ako 'yung barista dito." sabi ko naman

"Eh ikaw bakit mag-isa ka nalang ngayon? Dati kasama mo 'yung mga kaibigan mo ah." sabi ko naman.

"Eh kasi nagsasawa na raw sila sa coffee rito. Pero ewan ko. Iba 'yung timpla ng coffee kaya bumabalik-balik ako dito. Para bang kakaiba. At kaya pala kakaiba dahil ikaw 'yung nagtitimpla." sabi niya at ngumiti.

End of Flashback

That was the first time na nag-usap kami. Yes kahit na iisa lang ang school namin sa highschool and kahit na bestfriend siya ng sister ko never kaming nag-usap.

Simula no'n ay lagi na kaming nagkikita sa coffee shop at kung minsan ay tinuturuan ko siya sa mga lessons na hindi niya maintindihan.

And then I realize na tito pala ni Cheska 'yung may ari ng coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Ewan ko ba parang ang liit ng mundo para sa aming dalawa.

Then naging magkaibigan kami at mas lalo pa kami naging close nung niloko ni Kurt si Nicki. She's the bestfriend and I'm the brother. Pareho kaming concern kay Nicki. Simula kasi no'n ay hindi na namin nakaka-usap si Nicki online dahil siguro stress kay Kurt kaya nagbabalitaan nalang kaming dalawa kung ano nang nagaganap.

Lagi na rin kaming nagkakasama. Lagi kaming gumagala pag pareho kaming bored. Well, wala naman kaming maaasahan sa iba dahil at least kami magkakilala na so inaaliw nalang namin ang isa't isa. She brings out the best in me.

Pag kasama ko siya lumalabas 'yung kakulitan ko na si Nicki pati na rin ang mga kaibigan ko lang ang nakakakita. I feel comfortable when she's around. Ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko.

Hanggang sa niligawan ko na siya.

1 year din bago niya ako sinagot pero worth it dahil maganda ang naging relationship namin sa isa't isa.

I'm lucky na siya ang naging girlfriend ko. My first and last. And I'm willing to spend my whole life with her. With my sister's bestfriend.

TO BE CONTINUED

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now