23

2.5K 112 48
                                    

Chapter 23
| WAR |

∞ K U R T ∞

2 months na simula nung dumating si Kate. Hinanap niya ako kaya ngayon ay kami pa rin. Walang closure na naganap. Nagpaliwanag din siya sa akin kung bakit niya ako iniwan.

Iniwan niya ako dahil nalaman ng mommy niya 'yung tungkol sa aming dalawa kaya inilayo niya ito sa akin at pinutol rin ng mommy niya lahat ng connection naming dalawa. Ginawa niya ang lahat pero pinagbantaan daw siya ng mommy niya na itatakwil siya. Now I understand kung bakit gano'n na lang ang naging desisyon niya.

Aaminin ko, lumipas na ang ilang taon nung iwan niya ako pero nung bumalik siya bumalik din lahat ng masasayang ala-ala naming dalawa.

Siya pa rin 'yung dating Kate na minahal ko ng sobra-sobra.

Sinabi ko kay Nicki na magdedeactivate ako pero 'yung totoo ay blinock ko lang siya. Ayokong masaktan siya kaya ko ginawa 'yon. Gusto kong makalimutan na niya ako dahil hindi ko na siya mahal.

2 months na kaming nagdadate ni Kate. At masasabi kong mahal na mahal ko pa rin siya kaya kailangan kong bitawan si Nicki.

I know na masasaktan siya pero mas mabuti nang hindi niya malaman ang totoong dahilan.

Hindi totoo na sinabihan ako ni mommy na itigil ko lahat ng makakasagabal sa pag-aaral ko. Gawa-gawa ko lang ang lahat ng iyon.

Alam kong ang sama-sama ko para paglaruan 'yung damdamin niya pero si Kate pa rin pala talaga ang mahal ko kahit na iniwan niya ako dati.

Pero ngayon nandito na siya. Binalikan niya ako.

N I C K I

2 months na nung nagdeactivate si Kurt ng mga accounts niya. 2 months na rin akong pumupunta sa condo ni Dave para malaman ko kung ano na nangyayari kay Kurt dahil iniistalk ko siya gamit accounts ni Dave. 2 months na rin akong naghihintay na bumalik siya. Halos gabi-gabi akong nananalangin na sana bumalik na siya dahil miss na miss ko na siya.

Nandito kami ngayon ni Dave sa park na lagi naming pinupuntahan. Ewan ko ba parang lagi kaming dinadala ng mga paa namin dito sa lugar na 'to.

Naglakad-lakad kami at nag-usap.

"Hoy tabs! Tulala ka na naman." sabi niya at inakbayan ako.

"Namimiss ko na si Kurt." sabi ko habang naglalakad ng walang gana.

"Hays hayaan mo na kasi 'yon. Nandito naman ako." sabi niya at pinalo ko siya sa dibdib.

"Ewan ko sa'yo. Wait lang pupunta lang akong cr ah." paalam ko.

"Sige hintayin kita dito." sabi niya at umupo sa upuan.

Pumunta na ako sa cr. Pag cr ko ay lumabas na ako sa cubicle para maghugas ng kamay.

Habang papunta ako sa hugasan ng kamay ay may nakita akong babae. Familiar siya.

Familiar siya dahil siya 'yung babaeng minahal nang sobra ng taong mahal ko.

Naglilipstick siya habang nagsasalamin. Lumapit ako at naghugas ako ng kamay. Habang naghuhugas ako ay biglang nanginig 'yung kamay ko.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon