33

2.5K 108 13
                                    

Chapter 33
| Reunion 1 |

∞ D A V E ∞

Nakausap ko si Kean at sabi niya susunduin daw nila kami gamit 'yung mini coaster van nila Franco. Reunion namin ngayon sa private beach resort nila Kean na may pool. Grabe yaman talaga nung mokong na 'yon.

Maaga akong gumising dahil nagluto pa ako para sa almusal namin ni Nicki. Samantalang sila tito at tita ay maaga ring umalis dahil may pasok sila.

Nagluto ako ng chicken afritada. Pagtapos kong magluto ay umakyat na ako sa room ni Nicki.

"Babe gising na baka dumating na sila Kean." gising ko sa kaniya habang hinihimas 'yung buhok niya.

"Inaantok pa ako babe." sabi niya at tumalikod sa akin.

"Nagluto pa naman ako ng afritada para makakain tayo ng breakfast." sabi ko pero hindi pa rin siya umimik.

Binuhat ko siya na parang bagong kasal dahil ayaw pa rin niyang bumangon.

"Hala Dave ibaba mo nga ako." sabi niya habang nakakapit siya sa leeg ko.

"Kumain ka na muna pagtapos maligo ka na. Darating na sila Kean maya-maya." sabi ko at inupo siya sa upuan.

Umupo na rin ako at kumain kasabay niya. Halatang inaantok pa 'yung mahal ko.

"Maliligo na muna ako ah! Eatwell. Pagtapos mo d'yan maligo ka na rin ako na bahala d'yan mamaya pagtapos ko." sabi ko matapos kong kumain at kinissan siya sa noo habang kumakain siya.

Umakyat na ako sa kwarto ni Nicko at pumunta na ako sa banyo niya at naligo na ako.

Pagtapos ko ay nagbihis na ako ng white sando shirt tapos jean shorts.

Matapos kong magbihis ay bumaba agad ako at pagbaba ko ay wala na si Nicki. Siguro naliligo na 'yon.

Nilinis ko na 'yung mesa at hinugasan ko na rin 'yung pinggan.

Habang naghuhugas ako ay biglang yumakap mula sa likod ko si Nicki.

Agad naman akong humarap sa kanya at kinissan ko siya sa noo.

Pareho pa kami ng damit ah. White sando shirt din at jean short.

"Bakit ka naman naglalambing ng gan'yan?" tanong ko.

"Wala lang." sabi niya at niyakap ako. Ang clingy niya ngayon.

Tinapos ko na 'yung paghuhugas ko ng pinggan at inilabas ko na 'yung mga gamit namin para incase kung dumating sila Kean.

"Babe tara hintayin na natin sila sa labas." aya ko kay Nicki habang nagcecellphone siya.

"Okay." sabi niya at lumabas na kami.

Nakatayo lang si Nicki at ako naman ngayon ang biglang yumakap sa kaniya habang nakatalikod siya. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

Ang bango niya.

Tumingin ako sa cellphone niya at nakita kong may nilike siyang picture ng lalaki sa feed niya.

"Who's that?" tanong ko.

"Friend ko 'yan nung elementary." sabi niya at ngumiti.

"Well, unlike that! Gusto ko picture ko lang 'yung nila-like mo." sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin ng nagtataka.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon