09

3.3K 142 30
                                    

Chapter 09
| BOB |

∞ N I C K I ∞

Isang buwan na ang lumipas nang aminin sa akin ni Kurt na may gusto siya sa akin. At isang buwan na rin kaming nagchachat araw-araw. Lagi niya akong ginu-goodmorning at goodnight. Nagiging sweet din siya sa mga chat niya sa akin pero hindi ko naman pinapahalata na kinikilig ako. Medyo nagkakamabutihan na rin kami dahil parang kilala ko na siya at kilala niya na ako nang mabuti. Kaso nga lang hindi siya masyadong showy sa public, hindi siya gano'ng kasweet siguro dahil na rin kay kuya pati na rin sa mga barkada niya and naiintindihan ko naman 'yon.

Halos isang buwan na rin kaming nagpapractice ng banda. Araw-araw ay gabi na kami lagi umuuwi. Well, pinayagan naman kami nina mommy at daddy kaya ayon. Kung tutuusin hindi na nga namin kailangan magpractice eh dahil magaling naman na talaga ang banda nila pero nagpapatawag lagi si Dave ng meeting at pagtapos no'n ay magpapractice kami. Naging magkaibigan naman na kami ni Dave. Actually parang close na close na kami. Halos araw-araw kasi siyang nasa bahay dahil magka-group sila ni kuya sa project na ginagawa nila.

So ayon nga dahil laging nasa bahay si Dave, lagi kaming nagkikita. At halos araw-araw ay parang hindi matatapos ang araw niya nang hindi niya ako naasar. Nagtandem pa sila ni kuya kaya kawawa ako.

Ilang araw na rin ang lumipas at mamaya na gaganapin yung battle of the bands namin. Since kasama ako sa isang banda pinagbigyan ako ng mga teachers ko na huwag munang pumasok sa mga klase nila para makapagpractice na rin ako.

Ganun din ang mga miyembro ng EMANON. Kaya nandito kami ngayon sa music room.

"Nicki, Dave. Feel ko mas maganda kung mag eye-to-eye kayo habang kumakanta dahil dagdag rin 'yon sa audience impact." suggest ni Franco.

"Oo nga. Tapos mag holding hands din kayo minsan." suggest naman ni Leo.

"Okay lang ba Nicko?" tanong ni Dave.

"Sige basta ngayon lang." sagot ni kuya at nilakihan ang mata niya kay Dave.

"Syempre! Kadiri naman kung pati pagtapos ng BOB diba." sabi ni Dave at tumingin sa akin.

"Wow ha! Maka-kadiri kala mo naman kamay ng panget yung hahawakan mo." depensa ko sa sarili ko.

"Bakit? Maganda ka ba?" pang-aasar naman niya kaya kinurot ko siya sa tiyan.

"Aray."

"Bakit may sinabi ba akong maganda ako?" tanong ko.

"Eh bakit mo ako kinurot? Guilty ka hahahha." sabi niya at nagtawanan naman silang lahat. Pero si Kurt parang lagi nalang wala sa mood pag nakikita kami ni Dave na nag-aasaran. Kaya minsan umiiwas na rin akong makipag-asaran kay Dave eh.

Lumipas ang ilang oras na wala kaming ibang ginawa kung hindi magpractice. I don't know pero ayaw talaga ng EMANON ng nagpapatalo. Since 1st year nila rito sa school na 'to sila na lagi ang champion. Pero kahit na ganon hindi sila kampante na ganun palagi ang magiging resulta. Talagang nagsisikap sila para makuha yung trono at last na perform na nila ito dahil graduating na sila. Kaya ako naman ay ginagalingan din para naman hindi ako mapahiya sa kanila.

"Okay guys pahinga muna tayo tapos pagtapos ay magbihis na tayo." sabi ni Dave.

Kaya ayon nagpahinga muna kami. Ang iba ay nagce-cellphone ang iba naman ay umidlip. Habang ako naman ay nagbabasa ng book 2 ng favorite kong novel.

Bigla namang tumabi sa akin si Dave.

"Oy tabs hindi ka pa rin tapos diyan sa binabasa mo?" tanong niya

"Pake mo ba pangs?" sagot ko at inirapan siya.

"Hahaha pikon agad." sabi niya at umalis na dahil aasikasuhin pa niya 'yung mga damit namin.

May damit kaming binili na pang rocker talaga. Kinareer masyado eh noh. Tas meron pa nga silang inarkila na bakla para sa make up ganun pati sa hair. Iba eh noh.

Ilang minuto na rin ang nakalipas at inutusan na kaming magbihis.

Nagbihis na ako ng sleeveless na color black at jacket na color black din. Tapos ripped jeans. Pinagboots din nila ako. Kinoloran nung bakla ng color red yung onting buhok ko pero temporary lang yun tapos ni-bun niya. Ewan ko pero diba usually naman laylay dapat yung buhok para sa head bang. Messy Bun yung ginawa niya. Tapos minake-up-an na niya ako pero 'yung make up light lang dahil natural beauty naman daw ako. Nung narinig yun ni Dave inasar nanaman ako hays. Tapos nilagyan niya ng eye liner 'yung mata ko para daw mahighlight. Patingin ko sa salamin parang ang cool ko tingnan. Sinuot ko na 'yung boots na black na binigay sa akin ni kuya tapos lumabas na ako.

Paglabas ko nakita ko si Kurt na naka-black na sleveless na may nakalagay na 'It's Only Rock and Roll Baby' tapos naka ripped jeans rin siya. Ang gwapo niya shet. Kitang-kita yung muscles niya sa arms. Btw, yung hairstyle niya- nakatayo yung buhok niya tapos ang hot tingnan. Okay ang landi na Nicki.

Nginitian ko siya at lumapit siya sa akin.

"Ang angas mo tingnan, pero maganda ka pa rin." sabi niya.

"Hahahah ako pa?" sabi ko at naagaw ang atensyon ko kay Dave dahil nakita ko siya nasa likod ni Kurt tapos nakanganga.

"Uy baka may pumasok na langaw sa bibig mo." pang-aasar ko.

"Huh? Hahaha ang panget mo parin Nicki."

"Ewan ko sa'yo." sabi ko sa kaniya at inirapan siya.

"Mauna na muna ako Kurt ah." paalam ko.

"Okay." sabi niya at ngumiti.

Umalis na ako do'n at umupo muna ako sa sofa para magbasa ulit nung binabasa ko at medyo inexercise ko na rin 'yung boses ko.

Ilang sandali lang ay pinapunta na lahat ng contestant sa gymnasium namin.

Nasa backstage muna kami. Nag-aayos ng mga instrumentong gagamitin namin- ay nila pala.

Tapos may onting pagpapakilala lang at nagsimula na.

Yung unang banda ay magaling kaso medyo sablay yung vocalist nila parang nababoy tuloy. Masyadong high. Hahahah tinatawanan lang namin ni Dave yung vocalist nila.

"Dave tingnan mo oh. Parang puputok na yung ugat ni kuya sa leeg." sabi ko at tinuro 'yung vocalist.

"Hahaha buti nalang talaga magaling ako." sabi niya.

"Ang hangin mo talaga bwiset."

"Hahaha joke lang."

Yung sumunod na banda naman ay magaling rin kaso parang sumasablay naman lead guitarist nila. Balita ko umalis na raw dati nilang lead kaya yung rhythm nila yung nagle-lead guitar ngayon.

Yung sumunod naman sa kanila ay 'yung kalaban talaga ng EMANON. Yung Golden Rocker. Magaling sila kaso mas magaling yung EMANON kaya lagi lang silang first placer.

Nagsimula na sila at may pa entrance pa 'yung may hawak ng mic.

"Magandang hapon sa inyong lahat. Kami ang Golden Rocker."

"Ang kantang ito ay para sa mga taong nasaktan pero pinipilit paring maging masaya, mga taong naging masaya para sa mga mahal nila na may mahal nang iba."

Bigla namang naghiyawan ang mga tao nung nagsimula na silang tuumugtog. Ang kantang tinugtog nila ay 'I Love You Goodbye' pero iniba nila yung version. May pagka-rock tapos may mga idinagdag silang solo part sa lead. Nakaka-amaze lang, sunod naman na kinanta nila is yung 'Luha' nung una medyo naghiyawan pa yung mga tao dahil medyo makaluma ganon. Maganda yung version nila.

Kami na 'yung next kaya inaayos na nila 'yung mga gagamitin namin tapos tinotono na 'yung mga gitara.

TO BE CONTINUED

Ano na mangyayari sa performance ng EMANON?

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon