35

2.4K 98 10
                                    

Chapter 35
| Reunion 3 |

∞ N I C K I ∞

Nandito kami ngayon sa duyan na nakatali sa puno. Magkatabi kami ni Dave. Kaming dalawa lang ang nandito. Magkasama kaming nanonood ng mga malalakas na alon. Panatag na panatag ako sa piling niya.

"Nicki I love you." Diretsong tingin na sabi niya habang nasa dibdib niya ako.

"I love you too." sabi ko at hinalikan niya ako sa noo.

"Saan mo gustong magpakasal?" tanong niya kaya nabigla ako.

"Kasal agad?" tanong ko.

"Yes!" sabi niya at ngumisi.

"Hahaha loko." sabi ko at hinawi ko 'yung mukha niya.

"Ayaw na kitang pakawalan dahil baka maagaw ka pa ni Kurt." sabi niya at natigilan naman ako.

"A-anong sinasabi mo?" tanong ko.

"Alam kong napapansin mo rin 'yung titig niya sa'yo. Nararamdaman kong gusto ka niyang agawin sa akin." Sabi niya sa akin Ang lamig ng boses niya na para bang nagseselos.

"Hindi naman ako magpapaagaw sa kaniya" sabi ko.

"Everybody wanna steal my girl..." kanta niya kaya napatingin ako sa mukha niya.

"But I won't let them." diretsong tingin na sabi niya sa akin.

***

Gabi na ngayon at dahil ito na ang last day namin sa resort na 'to ay ienjoyin na namin 'yung bawat oras na nandito kami.

Nakapalibot kami sa bonfire at umiinom kami ng alak habang nagkukwentuhan. Medyo lasing na 'yung iba pero ako hindi pa dahil onti lang ako kung uminom.

"Sayang pare wala si Nicko. Pag nandito 'yon taob agad' yon." sabi ni Leo.

"Hahaha oo nga eh." Sang-ayon naman ni Franco.

"Dave uminom ka pa!" sabi ni Kean kay Dave pero umiling lang siya.

'Di rin masyadong umiinom si Dave dahil sinabihan ko siyang 'wag magpakalasing.

"Kurt nasaan si Kate?" tanong ni Leo kay Kurt na kanina pa tahimik dahil medyo lasing na siya.

By the way, lahat ng boys ay nandito at tatlong girls nalang kami ang nandito. Girlfriend ni Kean at Franco dahil binabantayan namin 'yung mga boyfriend namin.

Masaya naman silang kasama hindi tulad ni Kate na akala mo napaka-anghel ng mukha panget naman ng ugali.

Ilang oras na rin ang lumipas at parang nalalasing na rin ako gano'n na rin si Dave. Sila Leo at Franco naman ay tumba na. 'Yung mga girlfriends nila Kean ay nasa kani-kanilang kwarto na nila.

"Babe magtimpla lang ako ng kape para sa atin." sabi sa akin ni Dave at umalis na siya.

Umupo lang ako sa isang tabi ng puno habang pinagmamasdan 'yung alon. Kahit na gabi ang sarap pa rin pagmasdan ng alon nakakapanatag ng loob.

Biglang lumapit sa akin si Kurt.

PAST or PRESENTKde žijí příběhy. Začni objevovat