28

2.6K 111 10
                                    

Chapter 28
| Welcome Home |

∞ N I C K I 

Isang araw palang kaming hindi nagkikita ni Dave pero sobrang miss ko na siya. Hays, I know that his busy with his family and I understand that. Hindi naman siya nakalimot na tumawag sa akin kaya kampante naman ako, hindi lang masyado. Nasanay na kasi akong araw-araw na kaming magkasama ni Dave. Tapos 'yung kakulitan niya pati 'yung kasweetan niya nakakamiss talaga.

By the way, nandito na ako sa bahay. Pareho kaming umuwi ni Dave para naman magkaroon kami ng time sa family. Uuwi rin ngayon si kuya kaya naghanda kami ng kahit kaunting pagkain ni mommy. Samantalang si Dad naman ay sinundo si kuya sa airport gusto ko ngang sumama pero ayaw ni daddy tulungan ko nalang daw si mommy.

***

"Welcome home kuya!" bati ko sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.

"Thank you! Dala ko na 'yung mga chocolates mo." sabi niya at naexcite naman ako.

"Thank you! Akala ko nakalimutan mo na 'yon."

"Request ba naman ng baby namin makakalimutan ko?" sabi niya at niyakap ko ulit siya.

"Namiss kita kuya! Almost 3 years tayong 'di nagkasama tapos hindi na rin ako nakakapagvideo call sayo dahil busy sa school." sabi ko.

"Okay lang 'yon. At least nandito na ako." sabi niya.

Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. He's doing great in America. Working student siya sa America, hindi naman niya kailangan gawin 'yon eh pero gusto raw niyang makapag-ipon ng maraming pera tapos tinutulungan din niya si Tita Nanette sa business nila. He's very hard working now. Manang-mana talaga siya kay daddy. About sa lovelife naman ay wala siyang nakukwento. Pero ramdam kong may lovelife na 'to si kuya eh. Blooming siya eh.

Natapos na kaming kumain at ako na ang naghugas ng pinggan. Si mommy at daddy naman ay nanonood ng T.V. habang si kuya ay nasa kwarto niya at nagpapahinga dahil may jet lag daw siya.

Pagtapos kong maghugas ay aakyat na sana ako pero nakita ko si Dave na may dalang bulaklak na nakaupo sa sofa kausap sina mommy at daddy.

"Tito, Tita I want you to know na nililigawan ko po si Nicki" lakas loob na sabi ni Dave.

"Are you serious?" tanong ni daddy.

"Yes tito." sabi naman ni Dave.

"You two are still young." sabi ni daddy.

"I know tito and I am willing to wait when will be the right time for us." sabi niya at napangiti naman si mommy.

"I want you for our daughter. Ang tapang mo ah!" sabi naman ni mommy.

"Gano'n ko po siya kamahal. I want her so bad." sabi niya at nakita niya ako kaya napatingin sila sa akin.

"Anak may manliligaw ka na pala!" sabi ni mommy.

Lumapit ako sa kanila at agad namang inabot sa akin ni Dave 'yung flower na hawak niya kanina.

Iniwan na kami nila mommy at daddy sa sala. Nagkwentuhan lang kami ni Dave at nasabi ko na rin na nandito si kuya.

"Do you miss me?" tanong niya.

"I miss you so much." sabi ko at nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.

"I miss you too." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Nagkwentuhan lang kami ni Dave buong magdamag at nanood ng kung ano-anong movies. Umalis na siya ngayon dahil pumunta lang daw siya dito dahil gusto niyang ipagpaalam kina mommy at daddy na nanliligaw siya sa akin at dahil miss na rin niya ako.

Actually nagulat ako na ginawa niya 'yon. At mismong kay daddy pa siya nagpaalam.

Siguro isa na 'tong patunay na mahal na mahal niya talaga ako. He's the man that everyone dreams about. 'Yung lalaking kaya kang ipaglaban at ipagmalaki.

Pag-alis ni Dave ay pumunta agad ako sa kwarto ni kuya. Alam kong nakapagpahinga na siya. Gusto ko siyang kulitin sa lovelife niya dahil nacu-curious ako eh. He's blooming.

Pagpunta ko sa tapat ng pinto ni kuya ay narinig kong may kausap siya sa phone niya.

"I miss you too!" sabi ni kuya. What? Sabi na eh may lablayp na ang kuya mo 'te!

"Sige ikakamusta nalang kita sa kaniya. Miss ka na rin no'n for sure"

"Hahaha sige na! I love you."

Pumasok ako sa kwarto niya at bigla niyang itinago 'yung phone niya.

"Huli ka balbon! Sino 'yang kausap mo ah?" tanong ko. Chismosa ako eh.

"Ah wala!" pagmamaang-maangan niya.

"Wala pero may pa I miss you at I love you ka pa ah!" sabi ko.

"Wala 'yon!" sabi niya at tumahimik ako.

"Balita ko niloko ka daw ni Kurt ah! Walang hiya 'yon ah!" galit na sabi ni kuya.

"Haler? Kuya 1 year pa 'yon. Nakamove on na ako tapos ikaw hindi pa. Yung totoo? Ikaw yung niloko? Ikaw?" pagbibiro ko.

"Pero 'pag nakita ko talaga 'yon bubugbugin ko 'yon." sabi niya.

"By the way, kailan mo sasagutin si Dave?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Alam mo na rin?"

"Malamang! Ako pa nga unang nakaalam bago niya sabihin sa'yo. Kaya ka niya niligawan dahil pinayagan ko na siya. Matagal na rin siyang nasa tabi mo so I think he's better than Kurt." sabi niya. Alam ko namang botong-boto ka kay Dave kaya nga sa kaniiya ka lagi nagbibilin diba? Hay nako kuya.

"Teka! 'Wag mong iniiba 'yung usapan! Sino 'yung kausap mo kanina?" pagiiba ko ng topic.

"Kamusta ka na nga daw pala sabi ni Ikay." sabi niya. What?

"I'm fine?" nagtatakang sagot ko.

"Bakit naman sa'yo pa nanggaling 'yang tanong na 'yan?" tanong ko.

"Eh bakit ang dami mong tanong ah?" sabi niya.

"Eh bakit ayaw mong sagutin ah?"

"Eh bakit nanggugulo ka?"

"Eh bakit iniiba mo usapan?"

"Okay fine!" pagputol niya sa walang tigil naming tanungan.

Huminga siya nang malalim saka nagsalita.

"Kami na ni Cheska." sabi niya.

Wait! What!? Sila na ni Cheska? Ay baka kapangalan lang.

"Anong surname kuya?" tanong ko.

"Cheska Wilson. Bestfriend mo! Ikay for short." sabi niya at ginaya pa 'yung accent ko kapag sinasabi 'yung line na'yon.

"WHAT!?" gulat na tanong ko. Bestfriend ko?

"Yes! And 1 year na kami." sabi niya.

"Hala paano? Akala ko magkaiba 'yung place kung nasaan kayo?"

"Long Story." sabi ni kuya.

TO BE CONTINUED

Paano naging si Nicko at Ikay?

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now