13

3.1K 130 32
                                    

Chapter 13
| MU |

∞ N I C K I ∞

Nung saturday nag bonding lang kami ng family ko. Kung saan-saan kami namasyal. Ang tagal na kasi naming hindi nagagawa iyon dahil busy na kami pare-pareho pero thank God ay nakapagbonding ulit kami. Nung umuwi kami pare-pareho kaming bagsak dahil sa pagod kami at nakatulog kami agad.

Sunday na ngayon.

Pag gising ko ay chineck ko kaagad 'yung phone ko dahil paniguradong nagchat na si Kurt.

Kurt: 'Good morning Nicki :)'

Kurt: 'Mukhang hindi ka pa gising ah'

Kurt: 'Aalis lang ako ah'

Kurt:'Magbabasketball lang kasama 'yung mga pinsan ko'

Kurt:'Hays tulog ka pa nga talaga'

Kurt:'Sige sleepwell :*'

Nung nakita ko 'yung messages niya agad naman na akong nagreply kahit na hindi siya online.

Nicki:'Good afternoon Kurt :)'

Nicki:'Kakagising ko lang haha'

Nicki:'Kumusta basketball niyo?'

Pagtapos kong magreply ay nagtoothbrush na ako.

Habang nagtotoothbrush ako ay biglang tumunog 'yung cellphone ko. Tiningnan ko agad ito at nakita kong nagmessage si Kurt.

Kurt:'Ito pauwi na kami'

Nang makita ko ang chat niya ay agad akong nagreply.

Nicki:'Ahh good :)'

Kurt:'Hahaha wag kang mag-alala ikaw lang laman ng puso ko'

Pagkita ko ng message na 'yon bigla kong nabuga yung bula sa bibig ko. At agad akong nagreply.

Nicki:'Wala akong sinabing nag-aalala ako'

Kurt:'Hahaha pero ramdam ko'

Nicki:'Ewan ko sa'yo'

Kurt:'Hahaha osige na! Baka madapa pa ako dito sa kalsada tas walang sumalo sa akin kasi nasa bahay ka pa'

Nicki:'Hahaha wala naman talagang sasalo sa'yo eh'

Kurt:'Aray'

Nicki:'Kasi nga nahulog na 'ko sa'yo'

Kurt:'Hahaha ang aga-aga pinapakilig mo ako'

Nicki:'Hahaha wag mong seryosohin'

Kurt:'Kahit kalian hindi mo naman ako sineryoso eh hays'

Nicki:'Drama mo'

Kurt:'Hahaha sige na bye!'

Sineen ko nalang siya at pinagpatuloy ko na ang pagtoothbrush ko. Pagtapos ay naligo na ako. Ginawa ko na 'yung morning routine ko at bumaba na ako.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now