20

2.8K 115 19
                                    

Chapter 20
| Comeback |

∞ N I C K I ∞

Isang linggo ko nang hindi kinikibo si kuya pati na rin si mommy dahil naglihim sila sa akin. Hindi ko matanggap na sa iisang pamilya lang kami pero nagagawan nilang magsikreto sa akin.

Balita ko ngayon daw aalis si kuya.

Hindi ko kayang makita siyang umaalis kaya nagpaiwan ako sa bahay mag-isa.

Baka hindi ko pa siya paalisin pag nando'n ako sa airport. Baka pigilin ko siya.

Pero...

"Hello Dave?"

["Nicki? Ba't napatawag ka?"]

"Ngayon na kasi aalis si kuya papuntang America pwede bang sundan natin siya sa airport? Gusto ko lang magpaalam nang maayos sa kaniya."

["Sige magbihis kana darating ako agad d'yan. Bwiset 'yon ah di man lang nagsabi sa akin."] sabi niya.

"Sige na bye." sabi ko at binaba na 'yung tawag.

Nagmadali na rin akong magbihis dahil baka wala na kaming maabutan doon.

Ilang minuto lang ay nandito na agad si Dave. Bilis talaga magpatakbo ng motor no'n.

Sumakay na ako sa motor niya. Sinuot ko na 'yung helmet at sumakay na rin ako.

"Ano? Bilisan ko ba?" tanong niya sa akin.

Huminga muna ako nang malalim bago ako sumagot.

"Sige." sabi ko at yumakap na ako sa kaniya dahil alam kong mabilis talaga siya magpatakbo.

Tama nga ako sobrang bilis nga. Hindi naman masyadong malayo 'yung airport dito. Mga 30 minutes lang ang biyahe pero mabilis magpatakbo si Dave kaya baka mas lalong mapaaga 'yung dating namin do'n.

Habang nasa biyahe kami ay pinapractice ko na mga sasabihin ko kay kuya.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa airport at nakita kong tumayo na si kuya at papasok na siya.

Tumakbo ako nang mabilis at hinabol siya.

Sa pagtakbo ko ay di ko namalayan na naapakan ko 'yung sintas ng sapatos ko kaya nadapa ako.

Pinilit ko paring makatayo kaso pipilay-pilay ako kaya sumigaw nalang ako.

"Kuya!" sigaw ko at nagtinginan sa akin 'yung mga tao. Agad namang lumapit sa akin si Kuya at inalalayan ako na makatayo nang maayos.

"Nicki!" sabi niya at niyakap niya ako.

"Kuya I'm sorry kung nagtampo ako sa'yo." paumanhin ko.

"Naiintindihan naman kita eh." sabi niya.

"Kuya yung chocolates ko 'wag mong kakalimutan ahh!" sabi ko at nagtawanan naman kaming dalawa.

Nakita kong papalapit na sina mommy at daddy sa amin pati na rin si Dave.

"So 'yon lang pala pinunta mo dito."

"Hahaha pwede na." pagbibiro ko.

"Nicki aalagaan mong mabuti 'yang sarili mo ah. Saka wag kang papasaway kina mommy at daddy." sabi niya.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now