37

2.4K 90 18
                                    

Chapter 37

| Unexpected |

∞ N I C K I ∞

2 days na simula nung huling mag-usap kami ni Dave.

Nakapagisip na ako. Papatawarin ko na siya.

Mahal ko siya at hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko. Siya 'yung taong nagpapasaya sa buhay ko araw-araw. Siya 'yung taong nag-eeffort para lang mapasaya ako ng todo. Siya 'yung laging nagtatanggol at nag-aalaga sa akin. Siya 'yung taong nagmamahal sa akin ng seryoso at totoo.

I decided to go to the park. Kung saan ko siya sinagot. Kung saan ko siya unang nahalikan. Kung saan napasaya niya ako nang sobra-sobra.

Tinawagan ko siya para papuntahin dito.

"Hello Dave?"

["Babe? Thank God at tinawagan mo na ako. "] sabi niya at dama mo 'yung saya sa boses niya.

"Hmm punta ka sa park. Doon sa place na sinagot kita." utos ko sa kaniya.

["Okay I'll be there. I love you. "] sabi niya at halatang nagmamadali.

"I love you too. " sabi ko naman at ibinaba na 'yung tawag.

Pagbaba ko sa tawag ay biglang umulan nang malakas. Medyo natatalsikan ako pero hindi naman gaano dahil may roof nga itong place na 'to.

I can't wait to see him again.

Hindi na ako makapaghintay na yakapin siya nang sobrang higpit.

∞ D A V E ∞

Nung pagkababa ni Nicki ng telepono ay agad na akong nagbihis.

Sumakay na ako sa motor ko.

Nihindi ko na nailagay 'yung helmet ko sa ulo.

Habang pinapaandar ko 'yung motor ko ay umulan nang malakas.

Medyo madulas 'yung kalsada pero kahit na gano'n binilisan ko pa rin 'yung takbo. Professional ata 'to.

Biglang lumakas pa lalo 'yung ulan, sunod-sunod itong pumatak sa mukha ko at pumasok sa mata ko.

Pinunasan ko ito at pagbukas ko ng mata ko ay may bumusina ng sobrang lakas.

∞ N I C K I ∞

30 minutes na akong naghihintay dito. Ako na nga lang mag-isa dito dahil nagsiuwian na ata 'yung mga tao dahil sa sobrang lakas ng ulan at maputik na rin.

But I chose to wait for him.

Nilalamig ako. Hindi ko naman kasi alam na uulan kaya hindi ako nakadala ng jacket.

Tinawagan ko ulit si Dave pero walang sumasagot.

Siguro dahil nagmamaneho na siya ng motor.

Biglang lumakas pa lalo 'yung ulan.

Nung pagtingin ko sa likod ko dahil tinitingnan ko kung nand'yan na ba si Dave bigla kong nasiko 'yung vase at nabasag ito.

Nagulat ako at biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko.

Hindi ko na trinay pang pulutin 'yung basag na piraso dahil baka mabubog na naman ako at dumugo na naman 'yung kamay ko.

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon