39

2.3K 89 7
                                    

Chapter 39
| Lie |

∞ N I C K I ∞


Nagising ako nang maaga at pag gising ko ay wala na si Kurt.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang lahat ng 'yon sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pa siya nanggugulo sa buhay ko kung kailan tahimik at may mahal na akong iba.

Kaso nga lang 'yung taong mahal ko walang malay.

Naligo na ako at nagbihis.

Pupunta ulit ako sa ospital para bantayan si Dave. I told you hindi ako magsasawang bantayan at maghintay nang matagal sa kaniya. Gaya ng paghihintay niya sa akin noon.

Nung papalapit na ako sa pinto ng kwarto niya ay biglang lumabas mula roon 'yung ate ni Dave.

Nagsalubong ang mga mata namin at nakaramadam na naman ako ng takot at hiya.

"Hindi ka na dapat pumunta pa rito." sabi ni Ate Chloe.

"Pero ate Chloe gusto ko pong bantayan si Dave."

"May nagbabantay na sa kaniya." sabi niya.

"Si-sino po?" tanong ko.

"Yung fiancee niya." natigilan ako sa sinabi ni Ate Chloe.

"Ha? May fiancee siya? Paano nangyari 'yon?" tanong ko at biglang may tumusok sa puso ko na sobrang sakit.

"'Yung kababata niya. 'Yon 'yung fiancee niya, 'yung first love ni Dave." sabi naman niya at bigla nalang tumulo 'yung luha ko.

"No! Nagsisinungaling ka lang dahil ayaw mo akong papuntahin dito dahil ako ang sinisisi mo sa nangyari kay Dave." galit na sabi ko. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko.

"Edi tingnan mo." sabi niya at agad ko namang binuksan 'yung pinto.

Pagbukas ko ay may nakita akong magandang babae sa tabi ni Dave at hinalikan nung babae sa noo si Dave.

Ayaw ko na. Hindi ko na kaya 'to!

Humagulgol na ako sa iyak at umalis na ako ng kwarto ni Dave.

Tumakbo ako palabas at biglang humarang sa akin si Kurt.

"Nicki bakit?" nag-aalalang tanong niya pero hindi ko siya pinansin.

Papaalis na sana ako pero bigla niya akong niyakap.

"Nandito lang ako." bulong niya.

***

Hinatid ako ni Kurt sa bahay at tinititigan lang niya ako buong magdamag habang walang tigil ako sa pag-iyak.

Bakit hindi ko alam na may fiancee siya? Bakit niya ako niligawan kung may fiancee siya? Pinaglalaruan lang ba niya ako?

Bakit ba lagi nalang ako naloloko?

Bakit ba lagi nalang ako nasasaktan?

Bakit ba lagi nalang ako napaglalaruan?

Bakit ba lagi nalang ako pinagpapalit?

Bakit ba lagi nalang ako naiiwan?

BAKIT BA LAGI NALANG GANITO?

Ilang beses pa ba akong masasaktan? Ilang beses pa ba?

Kada magmamahal ako ng tao lagi nalang ako nasasaktan.

Hindi ba pwedeng magmahal nang hindi nasasaktan at hindi napapalitan?

Bakit ba napaka unfair sa akin ng pag-ibig?

Kailan ba ako makakahanap ng taong para sa akin talaga.

Alam kong walang malay si Dave ngayon pero sa pagkakasabi ng ate niya at pagkita ko sa babaeng humalik sa kaniya ay halatang nagmamahalan sila.

Bakit ba ganon? Bakit?

"Kurt totoo bang may fiancee si Dave na dati niyang kababata?" tanong ko dahil naguguluhan na ako.

"I don't know na engaged siya pero alam kong may kababata siyang gustong gusto ng daddy niya para sa kaniya." sabi ni Kurt.

"Gusto ba siya ni Dave?" tanong ko.

"Wala namang nakukwento si Dave sa amin dati but I think a little bit yes?" sagot naman niya.

Lagi nalang ba ako makakatuklas ng masasakit na bagay?

Dati si Kurt, ipinalit ako sa iba.

Ngayon naman si Dave, engaged na pala siya sa iba.

Ewan ko ba kung bakit ako nakakatagpo ng tao na mamahalin ako sa umpisa pero sa dulo malalaman kong may mahal palang iba.

Ganito ba ang future ko? Ang masaktan?

Kung gano'n ayoko nang magmahal. Dalawang lalaki na ang nagpatibok ng puso ko pero sa huli nasaktan lang rin ako.

C H L O E

Tiffany is back, childhood friend of my brother.

I know that she loves Dave until now.

Nung nalaman niya 'yung nangyari kay Dave agad siyang bumalik sa Pilipinas para kay Dave.

The truth is they're not engaged. Sinabi ko lang 'yon dahil gusto kong layuan na ni Nicki si Dave.

Tutal gusto naman ni Daddy si Tiffany para kay Dave at ang alam ng mga tao na sila magkakatuluyan pagdating ng araw.

Pero as an older sister of Dave alam kong hindi gusto ni Dave si Tiffany. I know that dahil sa akin lagi nagkukwento si Dave. Kaibigan lang ang turing ni Dave kay Tiffany.

Dati gustong gusto ko si Nicki para kay Dave dahil pinapasaya niya si Dave at kung ano ang magpapasaya sa kapatid ko ay 'yon na rin ang magpapasaya sa akin pero ngayon ayoko na sa kaniya dahil siya ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari kay Dave.

Kung bakit comatose ang kapatid ko.

Kung alam ko lang na hindi magiging maganda ang buhay ni Dave kay Nicki ay hindi ko na sana siya pinayagan na ligawan si Nicki.

"Ate ano bang ginawa mo? Bakit mo sinabi 'yon kay ate Nicki?" tanong sa akin ni Chandria nung malaman niya 'yung nangyari.

"It's for Dave kaya 'wag kang mangielam. Bata ka pa Chandria and as an older sister makinig ka sa akin." sabi ko.

"Pero ate! Hindi ito ang gustong mangyari ni kuya Dave! Mahal niya si Ate Nicki at hindi si Ate Tiffany." sabi naman niya.

"I don't care." sabi ko.

"Huwag mong sabihin 'yung totoo kay Nicki. Kung hindi kalimutan mo nang magkapatid tayo." sabi ko at umalis.

Alam kong mali ito pero gusto ko lang maprotektahan 'yung kapatid ko sa kamalasan na dinadala ni Nicki sa kaniya.

TO BE CONTINUED

Itutuloy pa rin ba ni Nicki ang pag-aalaga kay Dave kahit na itinataboy siya ni Chloe? At kailan kaya malalaman ni Nicki ang katotohanan?

PAST or PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon