25

2.7K 129 47
                                    

__________________________________________

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

__________________________________________

Chapter 25
| Moving On |

∞ N I C K I ∞

1 year na naman ang lumipas pero hindi ko pa rin makalimutan 'yung ginawang panloloko sa akin ni Kurt. Maybe this is the right time to move on. Ito na 'yung tamang panahon para ibaon ko na sa limot lahat ng sakit at ala-alang sumisira sa buhay ko.

Maybe ito na rin 'yung tamang panahon para buksan ko uli ang puso ko para sa ibang tao.

"Nicki liligawan kita." diretsong tingin na sabi sa akin ni Dave. Hindi ako makapagsalita.

"Hindi ako nagtatanong o nagpapaalam. Pinapaalalahanan lang kita na manliligaw ako sa'yo."

"Okay may magagawa ba ako?" tanong ko at niyakap niya ako.

Ito na 'yung tamang panahon para bigyan siya ng tyansa para mahalin ko.

"I'll promise na hinding hindi kita sasaktan gaya ng ginawa ni Kurt sa 'yo." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"Siguraduhin mo lang." sabi ko.

"Of course! Kailan ba kita sinaktan?" tanong niya. Kailan nga ba? Wala naman siyang ibang ginawa kung 'di ang pasayahin ako.

Nandito kami ngayon sa Mall. Niyaya niya ako dahil lagi nalang daw akong nagkakulong sa dorm ko.

Habang naglalakad kami ay biglang hinawakan ni Dave 'yung kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya pero kinindatan lang niya ako.

Tatanggalin ko sana ito pero mas lalo niyang hinigpitan 'yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

Hinayaan ko nalang magkahawak 'yung kamay namin habang naglalakad.

"Dave bili tayo ice cream." sabi ko dahil nakakita ako ng nagtitinda ng ice cream.

"Tara." sabi niya at hawak hawak pa rin niya ang kamay ko.

Pumunta kami sa nagtitinda ng ice cream.

"Kuya dalawa nga po." sabi niya at ibinigay 'yung pera.

Binigay na sa amin 'yung ice cream.

"Ito na po sukli niyo." sabi nung tindero.

"'Wag na po." sabi ni Dave at ibinalik 'yung sukli.

"Salamat po." sabi nung tindero at nginitian namin siya.

PAST or PRESENTOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz