03

4.1K 178 17
                                    

Chapter 03
| Bad Morning |

∞ N I C K I ∞

Nakasimangot ako ngayon habang kumakain ng almusal.

Paano ba naman ginising ako ni kuya gamit 'yung napakalakas na ringtone niya at tinutok sa tainga ko.

Kaya ito ako ngayon walang gana sa pagkain dahil masama ang gising.

"Oh anak bakit? Masama ba ang lasa ng bacon ko?" tanong sa akin ni mommy.

"No mom," maikling sagot ko.

"Eh bakit ganiyan ang mukha mo anak?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

"Kuya wake me up using his very very very loud ringtone. Nakakabingi kaya." Inis na sabi ko at tinarayan si kuya.

"Oh Kuya Nicko bakit mo naman ginawa 'yon sa prinsesa natin?" tanong ni mommy sa kaniya.

"Correction mom. It's not very very very loud. Loud lang po siya and kaya ko ginawa 'yon dahil ayaw ko pong malate, ngayon na 'yung laban namin. Baka matanggal pa ako sa team pag nalate ako dahil sa kaniya." sabi niya at nilakihan ako ng mata.

"WHATEVER!" sabi ko at uminom na ako ng tubig at pagkatapos ay inilagay ko na 'yung pinggan ko sa lababo.

"Bye mom, mauna na po ako sa sasakyan." Paalam ko since nando'n naman na si daddy.

"Okay anak. Smileee!" sabi niya at niyakap ako.

"Okay." sabi ko at lumabas na ako ng bahay para sumakay sa sasakyan.

Pagpasok ko ay nakita kong sumunod na pala si kuya sa akin. Binuksan ko ang phone kong hindi ko pa tinitingnan simula kanina dahil masama ang gising ko.

Nakita ko 'yung messages sa messenger ko.

'Nicki?'

'Hi?'

'Still awake?'

'Nicki?'

Hay nako, sabi na nga ba eh. Kukulitin ako ni Ikay. Sineen ko lang siya at pinatay ko na ang cellphone ko. Matutulog muna ako saglit sa biyahe dahil masama talaga ang gising ko.

Pag mulat ng mata ko ay malapit na kami sa school kaya inayos ko na ang sarili ko.

Bumaba na ako at gaya ng araw-araw na nangyayari ay sinalubong ako ni Ikay.

"Good morning Nicki!" bati sa akin ni Ikay at binesohan ako.

"Bad morning." sagot ko at naglakad na.

"Hala bad ang morning ng ate mo." sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

"So ano nangyari sa panyo ni Kurt? Mabango ba? Paamoy nga baka naman sobrang sangsang na ng amoy niyan ah."

Pangungulit niya sa akin at napatigil ako nang maalala na naiwan ko 'yung panyo na nakasampay.

"Hala Ikay! Naiwan ko." sabi ko at nilagay ang dalawang kamay sa mukha ko.

Sa sobrang sama ng gising ko hindi ko na 'yon naalala. Ang malas naman ngayon, sobrang sama ng araw.

Chinat ko pa naman siya dahil do'n, nagpaka-fc pa ako.

"Weh? Hayaan mo okay lang 'yan. Hindi naman niya alam na ngayon mo ibibigay sa kaniya 'yon eh."

"No! Hindi 'yon okay, alam niya na ngayon ko ibibigay kasi chinat ko siya dahil lang do'n." sabi ko at mas lalong nainis.

"Weh? After 4 years na pagiging admirer mo ngayon mo lang siya chinat at dahil pa sa handkerchief. Grabe galawan mo Nicki, iba ka."

"Hayaan mo na. Iiwas nalang ako para hindi niya ako makita."

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now