18

2.7K 124 20
                                    

Chapter 18
| Date with Kuya Nicko |

∞ N I C K I ∞

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Dave kagabi. Pagtapos niya akong iwan ay niyaya ko na rin si kuya Nicko na umuwi. Wala na akong pake kung sino man ang magiging King and Queen of the Night. Gusto ko nang umuwi dahil sasabog na utak ko sa mga nalaman ko.

Maaga akong nagising ngayon.

Pero hanggang ngayon nakahilata pa rin ako sa kama. Tulala at malalim ang iniisip.

Gusto kong tawagan si Dave at magsorry. Nagi-guilty akong nasaktan ko siya dahil sobrang manhid ko. Pero wala naman akong magagawa para pasayahin siya.

Bigla namang may kumatok sa pintuan ko.

"Nicki? Kumain ka na daw sabi ni Mommy dahil aalis sila." sabi ni kuya.

"Mamaya nalang ako kakain kuya." sabi ko at tinakpan 'yung mukha ko ng unan.

Nagulat nalang ako nang umupo si Kuya sa kama ko.

"Oh bakit ngayon tinatanggihan mo na yung pagkain? Himala ata." sabi niya pero hindi ko siya kinibo.

"Ay famous hindi namamansin." sabi niya at kinuha 'yung unan na nakatakip sa mukha ko.

"Ano ba 'yan!" reklamo ko.

"Aba bakit ka nagkakaganyan ah?" tanong niya.

"Uhm kuya! Alam mo ba na may sasabihin sa akin si Dave kagabi?" tanong ko dahil batid kong alam rin ni kuya na may gusto si Dave sa akin.

"Yup! Kaya nga sinabi ko sa'yong gawin mo na lahat ng gusto mong gawin eh." sabi niya.

"Bwiset ka! Kasabwat ka pala no'n!" sabi ko at hinampas siya ng unan.

"Eh anong magagawa ko? Kung pwede lang dinukot na kita sa puso niya eh." sabi niya at natawa naman ako.

"Sige na bumaba ka na para kumain. Panigurado akong umalis na sila mommy." sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Di pa rin ako makaget over sa nangyari kagabi.

Kinuha ko ang phone ko at pagtingin ko ay ang daming messages galing kay Kurt.

Kurt:'Nicki where are u?'

Kurt:'Kanina pa kita hinahanap'

Kurt:'Nicki?'

Kurt:'Nicki congrats!'

Kurt:'You're the Queen of the Night but where are you?'

Kurt:'Dave is the King but you two are not around so they'll choose another'

Kurt:'I hope you enjoy the night. Good night'

Kurt:'Good morning Nicki?'

Kurt:'I miss you'

Nang mabasa ko ang lahat ng 'yon ay nagreply ako agad.

Nicki:'Sorry kung 'di na ako nakapagpaalam sa'yo kagabi. Sumakit na kasi 'yung paa ko eh'

Kurt: 'Are you okay now?'

Nicki:'Yes :)'

Pagtapos no'n ay pinatay ko na agad 'yung phone ko dahil wala akong ganang makipagchat kaninoman. Ewan ko kung bakit gan'to mood ko ngayon.

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now