14

2.9K 131 44
                                    

Chapter 14
| Selos |

∞ N I C K I ∞

Nandito ako ngayon sa library ng school namin at nagbabasa ng libro. Half Day daw kami ngayon at lahat ng subject ay free time dahil kinocompute na 'yung mga grades. Busy lahat ng teacher kaya halos lahat ng estudyante ay pagala-gala. 'Yung iba ay nasa canteen, 'yung iba naman ay nasa gymnasium at kung saan-saan pang dako ng school. I chose to be here kasi tahimik at walang mangingielam sa akin dito. Si Ikay nanduo'n kasama 'yung mga kaibigan niya. May kailangan daw tapusin eh. Nagseselos nga ako kasi hindi na kami nakakapag bonding. Lagi nalang 'yon 'yung mga kasama niya. Anyway, okay lang kasi alam kong hindi naman niya ako kayang ipagpalit eh.

Gaya ng dati nandito lang ako sa sulok ng library. Nagbabasa lang ako, maya-maya ay biglang tumunog 'yung phone ko at nakita kong nagmessage na naman si Kurt.

Kurt:'Nicki where r u?'

Nicki:'Library :)'

Kurt:'Can I go there?'

Nicki:'Sure :)'

Kurt:'I'll be there. Wait for me'

Maya-maya lang ay nakita ko nang papalapit sa direksyon ko si Kurt at tumabi siya sa akin. Hingal na hingal siya.

"Ano nangyari sa'yo?"

"Hahaha nagmadali ako. Ayoko kasing pinaghihintay 'yung taong mahal ko." sabi niya at kinagat ko yung labi ko para mapigilan ko yung pagblush ko.

"Aysows." sabi ko para kunwari di ako tinatablan.

"Bakit? Totoo naman ah."

"Ewan ko sa'yo." sabi ko at pinagpatuloy na 'yung pagbabasa ko.

Habang nagbabasa ako ay bigla nalang siya sumandal sa balikat ko.

"Galit ka pa rin ba?" napalingon ako nang onti dahil nasa balikat ko ang ulo niya.

"Hindi na." sabi ko.

"So nagalit ka nga?"

"Nagseselos ako eh bakit ba?" sabi ko at bigla siyang napaupo nang maayos at tinitigan 'yung mata ko.

Ang ganda ng mga mata niya! Mahihimatay na ata ako.

"Ano nga ulit sinabi mo?" sabi niya at ngumiti nang malapad.

"Nagseselos ako." sabi ko at naramdaman ko na ang pag blush ng mukha ko. Nakita ko ring nagblush siya.

"Nicki naman eh! Pinapakilig mo 'ko. Baka mamaya pakasalan na kita niyan."

"Ay grabe naman." sabi ko at hinampas siya sa balikat.

"Aray!"

"Hala sorry." sabi ko at tiningnan ko nang maigi yung balikat na hinampas ko.

Pagtingin ko sa balikat niya bigla niya akong hinalikan sa noo. Ano Nicki? Mamamatay ka na ba? Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko.

Tiningnan ko lang siya nang masama at niyakap niya ako. Ngayon ay nasa leeg niya ang ulo ko at ramdam ko 'yung adam's apple niya. Yakap palang ang hot na! Ano ba Kurt? Papatayin mo ba talaga mapapang-asawa mo? Salbahe ka ah!

D A V E

Kaninang umaga palang sinusundan ko na si Nicki. Sinisiguro ko na hindi niya ako napapansin or nakikita. Nagbabasa lang siya ng libro na lagi niyang binabasa noong nagpapractice pa kami para sa BOB habang ako ay kumuha ng librong malaki sa library at tinatakman ko ang mukha ko. Pumwesto ako sa lugar na kitang-kita ko si Nicki.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan siya. Kung natutunaw lang talaga siya siguro ang tagal na niyang tunaw dahil sa titig ko.

Bigla kong nakita si Kurt na papunta sa direksyon ni Nicki kaya itinago ko ang mukha ko sa librong hawak ko at nakita kong nginitian ni Nicki si Kurt gano'n din si Kurt kay Nicki.

Nakita kong sumandal si Kurt sa balikat ni Nicki. Shet! Nagseselos ako. Sana ako nalang 'yung nand'yan sa tabi mo Nicki! Sana ako nalang.

Nakita ko ring parang may malalim silang pinaguusapan at nakita kong biglang pinalo ni Nicki si Kurt.

Tiningnan ni Nicki 'yung balikat na pinalo niya at hinalikan siya ni Kurt sa noo. Pagtapos ay niyakap niya ito.

Lumabas na ako sa library at sinigurado kong hindi ako napansin nina Nicki at Kurt.

Paglabas ko ay pumunta ako sa isang sulok na walang estudyante ang masyadong dumadaan.

Pinagsusuntok ko 'yung pader! Iniimagine ko na 'yon si Kurt.

Shet! Naunahan ka na Dave! Torpe mo kasi eh! Bakit ba ng bagal mo? Naunahan ka na ni Kurt. It's been 4 years pero kahit na anong gawin ko hindi parin niya ako mapansin. Ewan ko ba pero sa tingin ko siya lang 'yung babaeng mamahalin ko ng ganito. Nicki! Bakit ka ba gan'yan? Nasasaktan na ako! Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Sana ako nalang 'yung gusto mo. Ipapangako ko sa'yo na hinding hindi kita sasaktan. Ano pa bang kulang sa pagkatao ko? Ibibigay ko lahat sayo mapasaya ka lang.

Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako. Sobra!

Bakit hindi niya ako napapansin kahit na nagpapapansin na ako sa kaniya.

Nung natamaan ko siya ng bola. Hindi ko sinasadya dahil napadaan siya sa gitna at naakit ako sa mukha niya kaya di ko alam na matatamaan ko na pala siya.

Hindi niya alam na binantayan ko siya at hindi ako umalis sa tabi niya nung nasa clinic siya. I also gave my sandwich kahit na hindi pa ako kumakain. Makakain lang siya okay na ako. Di na bale ako ang magutom 'wag lang siya.

Nung narinig ko silang nag-uusap ni Kurt at narinig kong niyaya siya ni Kurt mag lunch. Pinigil ko 'yon. Tinawagan ko siya at sinabihang may practice. Sinabihan ko rin siyang hindi maganda ang blending namin kahit na 'yung totoo sobrang ganda na ng boses namin pag pinagsama. I also lie na nakalimutan ko 'yung phone ko kahit na ang totoo nasa bulsa ko lang ito. Ayaw ko lang talaga magkaroon ng paraan para macontact niya si Kurt. Kaso naawa ako kaya pinayagan ko na siyang umalis kahit na alam kong malabong mangyari na magkita pa sila. Dahil alam kong mas sasaya siya.

Nakita kong naging malungkot siya nung hindi natuloy 'yung lunch nila at alam kong hindi na rin siya naka kain nang dahil sa akin kaya nag iwan ako ng sandwich sa upuan niya. At dahil sa lungkot na nararamdaman niya ni hindi man lang niya napansin na malelate na siya kya gumawa ako ng paraan kahit na nakakahiya sa teacher na 'yon.

Nung lagi akong nagpapatawag ng meeting. Dati hindi ako gan'to dahil kampante na ako na magaling ang banda ko. Madalang lang ako magpatawag ng meeting. Pero dahil gusto ko siyang makita at makasama ginawa kong paraan 'yon para mapansin niya ako.

Nung lagi akong nasa bahay nila. 'Yung totoo ay kinonchaba ko 'yung kuya niya para lang sabihin na may project kami kahit na 'yung totoo ay gusto ko lang siya makita at malaman na okay lang siya.

I made all the efforts pero kahit na gano'n hindi pa rin niya ako napapansin. Ayokong gumive up pero siya 'yung gumagawa ng paraan na gumive up ako sa kaniya. Nicki gumising ka please.

Umaasa ako na minsan ay mapansin mo rin ako at umaasa rin ako na balang araw tayong dalawa ang para sa isa't isa pero parang hindi ko na kaya.

Is this the right time to move on? And to waste all the efforts I've done for her?

TO BE CONTINUED

Talaga bang titigil na si Dave kay Nicki?

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now