10

3.2K 143 28
                                    

Chapter 10
| BOB 2 |

∞ N I C K I ∞

It's our turn. Pumunta na kami sa stage at inayos na nila 'yung mga gitara pati 'yung mga amplifier na gagamitin. Pumwesto na rin kami sa kanya-kanya naming puwesto.

Binigyan namin sila ng napakalupit na intro. Pagtapos ay naghiyawan lahat ng mga estudyante. Tapos halos lahat ay may poster na 'WE LOVE YOU EMANON', 'EMANON is the BEST', 'Go EMANON' at iba pa. May nakita naman akong poster na nakalagay 'Dacki for the WIN', 'DACKI' ewan ko kung saan nila napulot 'yon. Bigla kaming nagkatinginan ni Dave nang may sumigaw ng 'DACKI'. Kadiri hahaha.

Pinakilala na ni Dave ang bawat isa pati na rin ako bilang bagong miyembro ng EMANON.

"Okay guys ang kantang ito ay inaalay namin sa mga taong nagmahal at patuloy na nagmamahal kahit na gaano man katagal ay handang maghintay dahil naniniwala silang itinadhana sila sa isa't isa. Pero bago ang lahat pakinggan MO muna ang sasabihin ko."

"O kay gandang babae sana naman ako ay mapansin mo

Matagal na kitang hinahangaan ngunit ako'y wala lang para sa'yo

Alam kong gusto mo siya

At alam kong ang SIYA ay hindi kailanman magiging AKO"

Tahimik ang paligid habang nagsasalita si Dave. Malalim ang bawat salita niya, inaakit niya ang mga tao sa pamamagitan ng pagtitig sa kanila nang tagos.

"Ngunit kahit na ganoon

Nandito pa rin ako para sa'yo

Naghihintay na mapansin

At pinapangarap na mahalin mo"

Nagpalakpakan ang ilang mga tao at ang iba naman ay naghiyawan. May ilan pang sumigaw ng 'DACKI'.

Nagsimula na kaming kumanta.

'Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong'

Sinimulan ko 'yung kanta gaya ng lagi kong ginagawa tuwing magpapractice kami. Biglang may kung ano akong naramdaman nang nagkatinginan kami ni Dave. Hindi ko naman pwedeng alisin dahil ito 'yung plano namin para sa audience impact.

'Damang dama na ang ugong nito

Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sayo'

Sa bawat pagbitaw niya ng mga linya parang damang-dama ko 'yung bawat salitang binibigkas niya. Mula talaga sa kaniyang puso ang kaniyang pagkanta. Yung boses niya ay parang yelo sa lamig pero parang asukal sa tamis. Alam kong malabo 'yung mga pinagsasabi ko pero iba eh.

'Ibinubunyag ka ng iyong mata

Sumisigaw ng pag-sinta'

'Ba't di pa patulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sayo'

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now