47

2.4K 88 6
                                    

Chapter 47
| Throwback |

∞ N I C K I ∞

Magkatabi kami ngayon ni Dave na nakaupo sa kama.

"Sisimulan ko sa umpisa ah. Makinig ka." sabi ko.

"Hindi ka man maniwala pero patay na patay ka sa akin noon. Kinwento mo pa nga sa akin 'yung mga effort na ginawa mo eh para makasama or mapasaya mo lang ako." sabi ko at ngumiti.

"Ang sabi mo sinusundan mo ako lagi kahit saan man ako magpunta. Kaya pala akala ko may multo nang sumusunod sa akin 'yon pala ikaw iyon. Una, 'yung sandwich na iniwan mo sa clinic noon para sa akin. Natamaan mo kasi ako nung bola noon dahil napatitig ka sa akin. Totoo 'yon hindi ako nagbibiro o nagsisinungaling. Pangalawa 'yung pinatawag mo ako dahil sabi mo may practice dahil ang panget ng blending natin pero 'yung totoo ayaw mo lang matuloy 'yung lunch namin ni Kurt. Pangatlo, dahil nga sa sobrang lungkot ko no'n nawalan ako ng gana kaya hindi ko na rin namalayan na malelate na pala ako so gumawa ka ng paraan para hindi mauna 'yung teacher ko sa akin. Pang-apat, 'yung lagi kang nagpapatawag ng meeting kahit na maayos naman na 'yung banda. Sabi mo sa akin kaya mo nagawa 'yon dahil gusto mo akong makita palagi. Panglima, 'yung nasa bahay ka lagi dahil ang sabi mo may project kayo ni kuya pero ang totoo gusto mo lang rin akong makita. 'Yan 'yung mga efforts mo na hindi ko napansin noon. Ang manhid ko 'no? Siguro dahil baliw pa ako sa ibang lalaki noon." sabi ko at may pumatak na luha galing sa mata ko.

"Continue." seryosong sabi niya.

"Tapos naging cold ka sa akin noon. Hindi mo ako pinapansin hanggang sa naggraduation kayo at pagtapos no'n tinanong mo ako kung pwede mo ba akong isayaw. Pumayag naman ako. Kinabukasan no'n prom na. At do'n mo inamin lahat sa akin. Doon mo sinabi lahat sa akin. Hanggang sa matapos 'yung gabing iyon hindi na kita nakita. Pero nung nalaman ko 'yung tungkol kay kuya Nicko? Umalis ako sa bahay noon. At ikaw lang ang tanging nakahanap sa akin. Sinamahan mo ako at sinabi mo pa ngang kahit na iwan mo ako ay binabalik-balikan mo pa rin ako. Naalala mo ba 'yon? Tapos alam mo ba lumipat ka ng school sa college para lang makasama mo ako. Tapos 'yung time na niloko ako ni Kurt. Ikaw 'yung naging sandalan ko at sa'yo ko inilabas lahat ng sakit na naramdaman ko. Hanggang sa nakamove on na ako at naging tayo. Alam mo Dave ikaw 'yung tipo ng boyfriend na mapagmahal, maalaga, seloso, masarap magluto tapos marami pa. Boyfriend material ka kasi. Ang swerte ko nga na boyfriend kita eh. Tapos nung nagreunion nag-away tayo no'n dahil kay Kurt. Sinabihan mo pa nga akong manggamit kaya nagalit ako sa'yo. Kinailangan ko ng space noon at ibinigay mo naman sa akin iyon. Hanggang sa hindi na kita matiis at balak ko nang patawarin ka pero ayon nga naaksidente ka." sabi ko sa kanya at hinawakan 'yung kamay niya.

"Dave mahal na mahal kita. Alam mo ba 'yon? Miss na rin kita. Hindi ko masasabing malas ako ngayon dahil ganito ang nangyari sa atin, masasabi kong swerte ako ngayong araw na ito dahil nakasama na naman kita. Dave sana pilitin mong alalahanin ang lahat para sa akin. Kasi nasasaktan na ako eh." sabi ko habang umiiyak at hinalikan ko 'yung kamay niya.

"Nasasaktan na akong hindi ako maalala nung taong mahal ko. Tapos 50:50 pa. Kasi baka iwan mo ako at ipagpalit kay Tiffany. Dave believe me or not hindi ko kayang ipahamak ka para sagasaan kita. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang sinasabi sayo ni Ate Chloe kahit na hindi naman 'yon ang totoo. Dave sana pinatawad na kita noon pa kung alam ko lang na gano'n ang mangyayari. Hinintay kita nang matagal na panahon bago magising tapos ang sakit lang na pag gising mo hindi mo na ako maalala." sabi ko at humagulgol na ako sa iyak.

Nakita kong may tumulong luha sa mata ni Dave at agad naman niya itong pinunasan.

"Aalalahanin ko ang lahat para malaman ko kung ano 'yung totoo pero hindi ko alam. Wala akong kasiguraduhan kung babalik pa 'yung ala-ala ko." sabi niya.

"Maghihintay ako kung kailan man bumalik 'yang ala-ala mo." sabi ko.

"Aalis kami Nicki. Pupunta na kaming America dahil 'yon ang gusto ni Ate." sabi niya at natigilan naman ako.

"Iiwan mo 'ko?" tanong ko habang umiiyak.

"Maiiwanan na naman ba ako? Dave tama na please. Pagod na pagod na akong masaktan." sabi ko at niyakap niya ako.

"I'm sorry kung hindi kita maalala. I'm sorry hindi ko kasalanan na mawalan ako ng alaala." sabi niya at naramdaman ko 'yung patak ng luha niya sa balikat ko.

"Magpahinga ka na Nicki alam kong pagod ka na." utos niya sa akin at humiga na ako at siya naman ay sa sofa matutulog.

Siguro ilang oras na ang makalipas pero hindi pa rin ako makatulog.

Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako at basang basa na ng luha ko 'yung unan na yakap-yakap ko.

Tiningnan ko si Dave at mukhang mahimbing na 'yung tulog niya.

Nilapitan ko siya.

Tiningnan ko 'yung mukha niya. Napakagwapo niya.

Tinitigan ko lang siya buong magdamag habang iniisip 'yung mga salitang gustong gusto kong sabihin sa kanya.

Dave mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko kung nawala ka. Sana bumalik na 'yung alaala mo para maging masaya na ako. Sana hindi matuloy 'yung pag-alis niyo dahil ilang taon na naman akong mangungulila sayo baka nga hindi ka na bumalik eh. Dave ang sabi mo sa akin dati hindi mo ako iiwan. Sana naman kahit ikaw lang tuparin mo 'yung pangako mo sa akin. Kasi lagi nalang ako pinapangakuan ng mga bagay na hindi naman natutupad. Sana naman tuparin mo 'yon please. Kahit para sa akin lang kasi pagod na pagod na akong maiwan at masaktan. Pagod na pagod na ako.

TO BE CONTINUED

Matutuloy pa ba 'yung pag-alis ni Dave? Maalala na kaya niya si Nicki dahil sa mga kinwento ni Nicki? Magiging masaya na ba si Nicki?

PAST or PRESENTWhere stories live. Discover now