Chap. 34

8K 195 7
                                    

Mauve’s POV

“Buntis si Amy?” Ang tanong ko kay Bernard.

Kumakabog ang puso ko sa sinabi ni Bernard. Hindi ako makapaniwala na ganito ang maririnig ko. Bakit ang hirap tanggapin? Mahal ako ni Amy..‘yon lang ang pinaghahawakan ko ngayon. Wala nang iba.

“Bernard, I need to talk to Alexander Agustin personally. Track him down. I want my wife back.” Garagal kong sinabi.

“Okay, Sir. I’ll do my best.” Sagot ni Bernard.

Umalis kami sa pamamahay ni Alexander. Pakiramdam ko hindi ko kayang maglakad sa sama ng loob. Napahinto ako at sumandig sa dingding.

“Sir?” tanong sa akin ni Bernard.

“ I’m fine.” Sagot ko.

Nang lumabas na kami; Sumakay agad kami sa kotse. Tumunog ang cellphone ni Bernard.

“Sir, nakaset-up na ho ang lahat ng kasama ko. Minamanmanan na nila ang Jewelry Shop ni Alexander at ‘yong iba pang branch nito.” ----si Bernard.

Napatingin nalang ako sa labas habang iniisip ko ang mga susunod na hakbang.

Maybelle’s POV

Sira na naman ang araw ko! Punyeta ! Hanggang kelan ba titigil si Mauve sa kahahabol kay Amy? Hindi ako papayag magsasama silang muli. Mauve is mine.

Ngayon saan ko hahagilapin si Mauve? Masisiraan ako ng bait. Kailangan maging maingat ako sa kinikilos ko. Baka mapano pa ang binubuntis ko. Ito nalang ang pag-asa ko na di maputol ang ugnayan namin ni Mauve.

At kung sakaling bumalik man silang magkasama ni Amy. Patuloy ko silang guguluhin.

Amy’s POV

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now