Chap. 7

8.7K 228 1
                                    

Mauve’s POV

Nagising akong masakit ang ulo ko. Alam kong dahil  sa dami ng alak na nainum ko. Inisip ko kung paano ako nakabalik dito sa Hotel. Pero nakaramdam ako ng lamig. Napabangon ako at nagulat akong makita ang sarili kong walang damit maliban sa aking boxer brief.

Bigla akong kinabahan at nilingon ko ang kabilang kama.

“Wala si Amy.”

Nilingon kung nasaan ang damit ko pero wala. Nasapo ko ang ulo ko dahil sumakit na naman. Shit!

Nagulat nalang ako nang may nagsalita.

“ Gising ka na pala. Heto ang damit mo kumuha na lang ako sa maleta mo. Magshower kana rin. You smells stinky.”Sabay abot ni Amy ng damit ko at underwear. Hindi agad ako nakapagsalita. Tinitigan ko si Amy bakit iba ang nararamdaman ko...bigla akong kinabahan. Para kasing may mali. Gusto kong magtanong pero parang may bumabara sa lalamunan ko. Pinili ko nalang na tumahimik. Baka kasi galit s’ya.

Pumunta s’ya sa may bintana at nagmamasid sa labas. Dahan dahan akong tumayo at agad tumakbo papuntang banyo.

Matapos akong magshower ay niyaya n’ya akong mag-almusal sa labas.

Habang kumakain kami napansin kong tahimik si Amy. Kaya binasag ko ang katahimikan.

“Amy, I’m sorry about last night. I was just...u—upset.” Agad kong tinignan s’ya habang kumakain.

“ Upset? Bakit naman? Nagsisisi ka naba sa nangyari ngayon? Di ba ito naman ang gusto mong mangyari.” Sagot n’ya.

“ Hindi ‘yan ang dahilan. I was upset because... You don’t want me to go with you or to be with me.” Parang may kutsilyong sumaksak sa puso ko.

“ Sana naisip mo ‘yan before you decided to make this whole thing. Now, both of us will suffer. Ngayon mag-isip isip ka kung anong solusyon ang gagawin mo para mapadali matapos ang sitwasyon na ’to.” Alam ko kung ano ang tinutumbok ni Amy. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang hayaan nalang ito. I need to do something and fight for it.

Amy’s POV

Maaga akong gumising at napansin kong masarap ang tulog ni Mauve. Tumawag ako sa restaurant sa baba ng hotel at nagpareserve ng breakfast. Hinanap ko ang maleta ni Mauve at kumuha ako ng damit n’ya at underwear narin. Hindi ko alam kung bakit pumapasok sa isipan ko ang BUBBLES na tinatawag n’ya kagabi.

Narinig kong umuungol si Mauve kaya agad akong bumalik sa silid...Naabutan kong gising na s’ya. At tila nagulat sa sarili n’ya na walang suot.

“ Gising ka na pala. Heto ang damit mo kumuha na lang ako sa maleta mo. Magshower kana rin. You smells stinky.” Sabi ko.

Dumitreso ako sa may bintana para bigyan ko s’ya ng pagkakataon na pumunta ng banyo. Alam ko namang mahihiya s’ya sa ayos n’ya.

Nang matapos n’yang magshower at mag-ayos sa sarili ay niyaya ko s’yang mag-almusal.

Ayaw kong magsalita ng kahit ano. Hindi ko alam kung bakit ang bigat bigat ng nararamdaman ko ngayon mula ng mabasa ko ang message n’ya kahapon sa padlock at ‘yong tinatawag n’yang Bubbles. Pakiramdam ko pinaglalaruan n’ya lang ako at ang kalagayan namin ngayon. Pwes, hindi nakakatuwa.

“Amy, I’m sorry about last night. I was just...u—upset.” Sabi n’ya.

“ Upset? Bakit naman? Nagsisisi ka naba sa nangyari ngayon? Di ba ito naman ang gusto mong mangyari.” Sagot ko.

“ Hindi ‘yan ang dahilan. I was upset because... You don’t want me to go with you or to be with me.” Napahinto ako sa pagkain.

“ Sana naisip mo ‘yan before you decided to make this whole thing. Now, both of us will suffer. Ngayon mag-isip isip ka kung anong solusyon ang gagawin mo para mapadali matapos ang sitwasyon na ’to.”

Diretsahang sinabi ko. Alam ko na matalino si Mauve at alam n’ya kung ano ang tinutumbok ko. Pero kilala ko s’ya. Hindi s’ya ang tipo ng tao na basta-basta na lang sumusuko. Hindi ko na tinapos ang kinain ko. Agad akong tumayo at iniwan s’ya.

Third Person’s POV

Eksaktong alas-syete ng gabi dumating sila Amy sa Incheon International Airport para doon nalang hintayin ang eroplanong susundo sa kanila.

Hindi rin nagtagal at dumating ang private plane at sumakay na sila ni Mauve.

Tulad ng dati napansin ni Mauve na tahimik lang si Amy. Gusto man n’yang kausapin pero hindi n’ya magawa.

Nang dumating sila ay agad naman silang sinundo ng driver na pinadala ng ama ni Amy. Habang sa loob ng sasakyan ay nagtataka si Amy sa kanilang dinaraanan.

“ Teka, hindi ito ang daan papuntang mansion. Saan tayo pupunta?” Tanong nito kay Mauve.

“ Sa bahay natin. Alangan naman na uuwi ka pa sa bahay ng mga magulang mo, eh mag-asawa na tayo.” Sagot nito sa kanya.

“ What? Talaga palang plantsado na lahat ang plano mo. Matagal mo na pala itong pinaghandaan. Kung alam ko lang.” ---Si Amy.

Hindi rin tumagal ay narating na nila ang bahay. Two storey house namay 5 bedrooms. Ang exterior at interior nito ay modern designed. Sa likod ng bahay ay may malaki at malawak na swimming pool na mayroong manmade waterfalls. Meron din itong malawak na hardin na puno ng mga orchids at iba’t ibang bulaklak. At May magandang modern fountain. Sinong mag-aakalang ganito na ang naipundar ni Mauve simula nang s’ya ay inatasang mamahala sa negosyo ng kanyang mga magulang. Pakiramdam ni Amy bakit ganun nalang ang tiwala ng kanyang mga magulang sa taong ito. Ano bang meron si Mauve?

Mayroon din namang sariling negosyo si Amy. Pero ni minsan hindi nabanggit kay Amy ng kanyang ama ang atasan s’yang humawak sa kanilang negosyo. Bagkus binigyan si Amy ng sarili negosyo at labas sa pag-aari ng kompanya.

Mauve’s POV

Hindi ko alam kung natutuwa si Amy sa bahay namin. Dito ko kasi gustong mabuo na pamilya namin. Pero parang hindi matutupad. Napakalapit n’ya ngunit hirap abutin. Pakiramdam ko para akong nanghihingi ng limus sa kanya..kahit kunting pansin, ngiti at pagmamahal ikasasaya ko na.

Amy’s POV

Hindi ko inaasahan na dito ako dadalahin ni Mauve. Pakiramdam ko isa lamang akong dekorasyon sa bahay na ito. Magbibigay sa kanya ng saya dahil nakasama ako sa mga koleksyon n’ya. Pero hindi ko hahayaan na patagalin pa ‘to. Kung ayaw n’yang kumilos ako ang gagawa ng paraan para agad matapos.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now