Chap. 12

8.3K 216 1
                                    

Nang makaalis si Amy hinarap ni Mauve si Maybelle.

Mauve POV

“Maybelle, let’s talk.”

“Kung pag-uusapan natin tungkol sa pagpakasal mo kay Amaranth Castillan, h’wag mong sabihin na itsapwera nalang ang relasyon natin. Ipaglalaban ko ‘to Mauve.” Diinang sinabi ni Maybelle sa akin.

“Maybelle, kasal na kami ni Amaranth. Wala ka nang magagawa. So, please stop this nonsense thing.” Pakiusap ko sa kanya.

“Mauve, hindi ka mahal ni Amaranth. Ilang beses n’ya bang pinagmumukha sa ‘yo. Way back in College, mababa ang tingin ng lahat sa ’yo. Halos wala kang puwang kapag kasama n’ya si Andrew. Akala mo ba hindi ko alam ang nangyari sa inyo ni Andrew? Kitang kita mo kung gaano kasabik sila sa isa’t isa. I was there at her shop nang makita ko silang dalawa. Ikaw lang ang pumipilit na isiksik ang sarili kay Amaranth. Kelan ka ba gigising sa katotohanan?”

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Maybelle. Because she’s right.

“ Ako, heto..mahal kita Mauve. And I’m willing to become your mistress. Ang hindi kayang ibigay sa ‘yo ni Amy..ako..kaya ko!” Tinuturo ni Maybelle ang sarili n’ya habang unti unting tumutulo ang luha n’ya. Nagiging complicated ang sitwasyon namin ni Amy sa paghimasok nina Andrew at Maybelle sa buhay namin.

“Maybelle, hindi ako para sa ‘yo. There’s someone who deserves you. Ano man ang namagitan sa atin noon hanggang doon nalang ‘yon.” Paunawa ko sa kanya.

“No, Mauve. Ipaglalaban ko ‘to. Mahalin mo lang ako ulit tulad ng dati. ” Niyakap nya ako ng mahigpit.

“Maybelle, hindi na tama ito.” Sabi ko sa kanya habang hinahagod ko ang kanyang likod.

“ Bakit? Si Amaranth mauunawaan ka kaya n’ya. She

doesn’t need you. Pero ako kailangan kita.”

-- si Maybelle.

“ Alam ko ‘yon. Pinilit ko rin naman ibaling ang atensyon ko sa ’yo at kalimutan si Amaranth... I really tried my best pero I am deeply in love with her.” Nang sinabi ko ‘yon ay napatingin sa akin si Maybelle.

“ H’wag mong hintayin na madurog ka n’ya Mauve. Wala kang ibang kakapitan. Buong buhay mo umikot ang mundo mo sa kanya. Kahit naging magkasintahan tayo hindi parin kita naangking buo. Mauve, kahit ngayon lang. Ipadama mo naman sa akin kung paano ka magmahal...” Garalgal na boses ni Maybelle.

“ Maybelle, Please. Let me go. H’wag mo nang dagdagan ang sama na nararamdaman ko ngayon. ” Sabi ko. Pero umiling si Maybelle. Napabuntong hininga nalang ako.

Amy’s POV

Nandito ako sa isang park, hinihintay ko si Andrew. Hindi nagtagal ay dumating sya.

Kung hindi lang umalis si Andrew ng mga sandaling ipinaplano nina Daddy ang pagpapakasal ko kay Mauve- malamang magtatanan kami. Pero talagang pinaglaruan ako ng kapalaran... I used to think I was a Princess and Andrew was my Prince Charming. Madalas kong sinasabi ‘yon sa mga kaibigan ko; kina Daddy at kahit kay Mauve. Pero ngayon, I’m a damsel in distress.

“ Sweetie....” Tawag sa akin ni Andrew.

Gusto kong maiyak pero pinigil ko ang mga luha ko. I miss him. I composed myself.

“Andrew...I want to ask an apologize for all these stupid things. I mean, hindi ko sinasadyang saktan ka. Naiipit ako. The last time I saw you with other woman, I was disappointed. Naglasing ako at nangyari na ang lahat kasunod nun. Nasaktan ako pero nagawa ko paring mapatawad ka. Kasi mahal kita. Ako ba mapapatawad mo sa nangyaring ito?” Nagsimula nang tumulo ang luha ko at di ko mapigil.

“ Amy...Ako ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat. Kung hindi ka nasaktan hindi magkakaganito. And I’m sorry for that. I’m in pain. Galit ako kay Mauve inaamin ko. I keep loving you after all these years. Sa isang iglap, I found myself dumbfounded.” Napalihamus si Andrew ng palad n’ya.

“ He loves someone not me.” Napayuko ako.

“What?” - si Andrew.

“ There was this woman who came to our house this morning. Maybelle Trinidad ang pangalan n’ya.” Sabi ko ulit.

“Maybelle Trinidad— is a fashion model. She is the heiress of LA TRINIDIDAD Company. Magkababata kami. ”

“ Andrew, hindi ko alam kung hanggang kelan ako tatagal sa hirap na dinadanas ko ngayon. I don’t want you to get involve. ” Patuloy ang paghikbi ko.

“ Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito.. ako rin.” Sagot ni Andrew at sabay n’yang hinawakan ang mga kamay ko. Nakita kong naiiyak narin s’ya. Matagal kaming nagsama ni Andrew, pero minsan hindi ko nakitang ganito kalungkot ang mga mata n’ya.

“Andrew...kung sakaling hindi man tayo..kung sakaling pagod ka na..Just let me go. ” Sabi ko.

“No, Amy...don’t do that. I’ll wait. Kung hindi ngayon, next year o kung ilang taon pa.” Lalo akong nasaktan.

Umiling ako. Ayaw kong isakripisyo ni Andrew ang pag-asang magmahal ng iba ng dahil lang sa akin.

Third Person’s POV

Nang umuwi si Amy sa bahay nila inabutan n’yang naghihintay si Mauve sa labas kasama si Trixy.

Parang hangin lamang si Mauve at ‘di pinansin ni Amy.

“ Good Evening, Maam. Gusto n’yo po bang kumain?” tanong ni Trixy.

“ No, kumain na kami ni Andrew. Magpahinga ka nalang.” Sadyang nilakasan ni Amy ang sinabi sa katulong upang marinig ni Mauve.

Napakunot noo na lamang si Mauve sa narinig.

“ Saan kayo pumunta?” Hindi napigilan ni Mauve ang magtanong.

“ Imbestigador ka ba para alamin ang mga gusto kong gawin?...Ah, nakalimutan mo na rin ba ang DEAL natin. Dali mo namang makalimot..” Pilit iniwasan ni Amy tignan ang asawa.

Agad umalis si Trixy dahil nagsisimulang magkasagutan ang dalawa.

“ Damn! Amy. Mag-asawa na tayo kahit hindi mo ako matanggap..sa mata ng tao mag-asawa tayo!” Singhal ni Mauve.

“ So, anong gusto mong palabasin ? Makisama nalang ako, ganun? Pikit mata nalang kitang tatangapin. Hahayaan ko nalang ang sinira mong relasyon ko kay Andrew! Hindi ko naman sinira ang relasyon mo sa babae mo. Wala akong pakialam kung bakit nagkahiwalay kayo. Tapos susugod ang babae mo dito, at ipagmumukha sa akin na parang ako pa ang nang-agaw. Na kung tutuusin INAGAW MO AKO KAY ANDREW!” Halos maubusan ng hininga si Amy sa kasisigaw kay Mauve. Wala s’yang pakialam kung ano man ang maging reaksyon nito.

“ Gusto kong malaman mo at intindihin mo na HINDI KITA MAHAL.. Hindi ko pinangarap na pakisamahan ka habang buhay..WALA AKONG PAKIALAM kung masaktan ka ! Naiintindihan mo ba?!” Dagdag ni Amy.

“ Gusto mong malaman kung bakit nakipaghiwalay ako kay Maybelle. It’s because of you Amy.

Sorry kung hindi ako S’YA...hindi ako ‘yong Prince Charming mo..Sorry kung minahal kita... ang pagmamahal ko sa ’yo ang naging KASALAN ko. ” Ang sabi ni Mauve.

Hindi nakapagsalita si Amy. Umakyat na lamang s’ya patungo sa kanyang silid at naiwan si Mauve na nakatingin lamang sa kanya. Pakiramdam ni Amy ay pinaglalaruan lamang s’ya ni Mauve.

Every Now And Then ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon