Chap. 25

8.2K 212 3
                                    

Amy’s POV

“ Amy...Amy...” nilingon ko ang isang tinig na tumatawag sa akin..

“Dad? Why are you here?” Nagtataka ako ba’t s’ya nandito. I thought he's in the hospital.

“Amy.. I’m glad that you learn to accept him. I can rest now. I love you Princess. Good Bye. ” Sabi ni Dad sa akin habang lumalakad palayo.

“Dad sa’n ka pupunta? Dad....Daddy! Daddyyyy!!!!!!!!!”

=======================================================

“Amy?! Gising....Gising...” Nagulat ako sa malakas na pagyugyog sa akin ni Mauve...I was dreaming...I felt scared. Iniwan ako ni Dad. Napahawak ako sa aking dibdib. Bumangon ako at umiyak.

Takot na takot ako. Naramdamdaman ko na niyakap ako ni Mauve.

“ Nananaginip ka.” Sabi ni Mauve.

Lumingon ako sa kanya. “ Si Daddy..iniwan daw ako. Mauve, gusto kong puntahan s’ya sa hospital. Ngayon na. Please.” Nangangatal ang labi ko habang nagsasalita. Tumayo si Mauve at kumuha ng tubig at ibinigay sa akin.

“ Okay, magbihis ka. We’ll go now.” Sabi n’ya.

Habang nasa daan kami damang dama ko ang takot. Nanginginig ang mga kamay ko. Nanlalamig ang katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nadarama ko sa mga sandaling ito. Para bang may masamang nangyayari sa Daddy ko.

Nang makarating kami sa hospital, mabilis akong lumabas sa sasakyan hindi ko na nga nahintay si Mauve. Tinungo ko agad ang silid ni Daddy. Pero wala akong nadatnan......

Nakadama ako ng panghihina. Muntik na akong mapaluhod. Buti nalang may kamay na umalalay sa akin....si Mauve.

“ C’mon let’s go..the nurse told me he’s in ICU”. Nakita ko sa mga mata ni Mauve ang lungkot at takot. Nakita ko na namumula ang kanyang mga mata. Umiiyak ba s’ya?

Naglakad kami ni Mauve papuntang ICU..naabutan ko si Mommy na nakahandusay sa sahig at umiiyak...kasama n’ya si Nanay Adel lalo akong kinabahan..

“Mommy..” Napalingon sila ni Nanay Adel.

“Amy...Amy anak...wala na ang Daddy mo!” Hindi ko na kayanan ang emosyon na naramdaman ko biglang dumilim ang paningin ko. Ang huling tinig lamang ang narinig ko..ang tinig ng asawa ko.

“Amy..Amy!” Sigaw ni Mauve.

=======================================================

Nandito kami ngayon sa lamay ni Daddy. Iniuwi namin s’ya dito sa Mansion. Yon din kasi ang huling sinabi n’ya kay mommy. Gusto n’ya kasing iuwi sa pamamahay n’ya. Mula nang mamatay s’ya parang nakalimutan ko ang ngumiti. Ang daming bagay na gusto kong itanong sa kanya pero hindi na masasagot. Alam kong ayaw n’ya akong umiiyak pero sa sandaling ito hindi ko mapigil ang mga luha ko.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now