Chap. 26

8K 223 1
                                    

Amy’s POV

“ Tatay...Tatay...” Wala akong masabi kundi yakapin ko ang aking tunay na ama. Damang dama ko ang pananabik sa kanya. Ibang iba ang pakiramdam ko. Hindi ako galit sa kanya dahil alam ko namang inisip n’ya ang kapakanan ko.

“ Kayo po pala ang tatay ko..ba’t hindi kayo nagpakilala sakin?” Maluha luha kong tinanong sa aking ama.

“Anak, natatakot ako dahil baka hindi mo ako matanggap.” Paliwanag n’ya.

“ Hindi naman po ako galit sa inyo..Alam ko namang inisip ninyo ang kinabukasan ko. Kaya napapayag kayong ipaampon ako sa mga Castillan.” Ang sabi ko sa kanya.

Muli kaming nagyakapan pati sina Mommy ay napaiyak din sa aming pagtatagpo.

======================================================

Matapos mailibing si Daddy..sa bahay namin tumuloy si Tatay. Walang araw kami na ‘di nag-uusap. Isinama ko rin s’ya sa aking trabaho tapos mamasyal kami. Kasama din namin si Mauve.

Si Mommy naman ay parati din naming dinadalaw. Lagi silang magkasama ni Nanay Adel.

Dito kami ngayon sa bahay ni Mommy dahil nagpahanda s’ya ng dinner para sa amin.

“ Mauve..Amy..kelan ba kami magkakaapo?” tanong ni Mommy.

“ Mommy, excited talaga kayo.” Sabi ko. Habang nakatingin kay Mauve.

Napatingin din sa akin si Mauve at sinabing..

“ H’wag kayong mag-alala Tita..Tatay Andres...Nanay Adel...darating din tayo d’yan.” Napataas nalang ako ng kilay.

Uminit yata ang pisngi ko matapos sabihin ‘yon ni Mauve.

“ H’wag n’yo nang patagalin. Bilis bilisan n’yo naman habang malakas pa kami, eh makita na namin ang magiging apo namin.” Sabi ni Tatay.

“ Tatay naman...” Napasimangot ako.

“ Aba, ikaw parin naman ang Prinsesa namin. Ang gusto lang namin eh, magkaroon ka na ng sarili mong Prinsesa at Prinsipe..para ikaw na ang maging reyna.” Dagdag ni Tatay.

“ Tama ‘yon..” Sagot ni Mauve. Sabayan n’ya pa ng nakakalokang ngiti. Napabuntong hininga ako.

Matapos kaming kumain ng hapunan ay kinausap ako ni Tatay.

“Anak, alam ko nagkagalit kayo dati ni Mauve noong nasa Seoul kayo. Anak mabait naman na bata si Mauve. Magaan ang loob ko sa kanya. Alam kong mahal na mahal ka n’ya. Bigyan mo naman s’ya ng pag-asa.” ---si Tatay.

“ Tay, hindi ganun kadali.” Sagot ko.

“ Anak, alam kong matagal na s’yang naghihintay. Alam mo bang umiyak s’ya nung gabing umuwi sa Hotel. Habang inaalalayan ko s’ya papuntang elevator..tumutulo ‘yong luha n’ya.” Dagdag ni Tatay.

“ Tay, sa ngayon hindi ko pa magagawa ang gusto n’yong mangyari...ayaw ko kasing masaktan. Natatakot ako.” Sagot ko kay tatay at niyakap n’ya ako.

“Amy, parte ng buhay ang masaktan. Subukan mo s’yang mahalin..H’wag mong hintayin na mapagod s’ya dahil ‘yon ang mas masakit.. ’yong tipong kung kelan mo s’ya mamahalin..mawawala s’ya sa ‘yo.” Napatingin ako sa mga mata ni Tatay. Nakadama ako ng pangamba... paano kung tama si Tatay... makakayanan ko kaya?

Mauve’s POV

Masaya akong nakikita na dahan dahang nawawala ang lungkot sa mga mata ni Amy habang kausap ang kanyang ama . Nakita kong papalapit sa akin si Nanay Adel.

“ Kumusta na Mauve? Matagal na tayong hindi nag-uusap. Kumusta na kayo ni Amy? Kwentuhan mo naman ako sa mga pagbabago sa inyong relasyon.” Nakangiting sinabi ni Nanay Adel.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now