Chap. 11

7.9K 218 3
                                    

Third Person’s POV

Nakamasid lang si Amy kina Mauve at Maybelle habang naghahalikan. Ni hindi man lang nila napansin ang presensya nito. Naputol lamang ang eksena nang biglang pumasok si Trixy..

“Ay Palakang nagtutukaan!” ---si Trixy.

Napalingon naman ang dalawa. At natauhan naman si Amy sa gulat n’ya kay Trixy. Napabuntong hininga s’ya at nilingon ang katulong.

“A-Amy....” Sabi ni Mauve halatang nagulat rin pagkakita sa kanyang asawa. Agad inilayo ni Mauve ang sarili sa babae.

“Oh, Hi. Who is she, Honey?” Tanong ni Maybelle kay Mauve.

Hindi alam ni Mauve ang sasabihin dala ng pagkalito.

“ I’m his Housemate.” Sagot ni Amy.

Nagulat naman si Trixy at Mauve sa sinabi ni Amy.

“ Ah, ganun ba. Hindi mo man lang sinabi sa akin Honey na meron kang kasama dito sa bahay mo.” Sabi ni Maybelle habang hinahagod ang basang likod ni Mauve.

Tila may bumabara sa lalamunan ni Mauve at di makapagsalita. Samantalang si Amy naman ay nakatingin sa kanilang dalawa.

Lumapit si Maybelle kay Amy at nagpakilala.

“Hi. Let me introduce myself to you. I’m Maybelle Trinidad. GIRLFRIEND ni Mauve. And you...?” Tanong nito kay Amy.

“ I’m Amaranth Castillan. Nice to meet you. So, you two are in relationship. Wala kasing naikwento sa akin si Mauve.” Matapos sabihin ni Amy at tumingin s’ya kay Mauve..na parang lalamunin ng buo ang lalaki.

“ We want to keep our relationship private . Ayaw naming pag-usapan ng media.” Nakangiting sinabi ni Maybelle. Pakiramdam ni Amy ay sasabog na s’ya sa ano mang sandali. Kinagat na lamang n’ya ang kanyang labi at naikuyom ang mga kamay.

Samantalang napapikit nalamang si Mauve ng kanyang mga mata sa mga naririnig sa dalawa. Nilingon ni Maybelle si Mauve at sinabing...

“ Honey, dito ako titira for several days... Di mo man lang sinabi sa akin na tapos na pala ang bahay na ‘to. Last time you brought me here...this house was under construction. And you told me that, pagnatapos na ang bahay na ’to this will be our love nest.”

Napahilamus ng mukha ni Mauve sa sinabi ni Maybelle. Habang si Amy ay amuse sa mga sinabi ng babae.

Umupo si Maybelle sa upuan na malapit sa pool. Nagkatinginan ang dalawang mag-asawa. Akmang aalis na sana si Amy nang pinigilan ni Mauve.

“Amy..” ---Si Mauve.

Matalim na titig ang pinakita ni Amy kay Mauve. Hindi pinigilan ni Mauve si Amy. Hindi alam ni Amy kung saang sulok s’ya ng bahay pupunta..natagpuan n’ya nalang ang sarili na nasa dining room kasunod n’ya si Trixy.

“ Maam..okay lang kayo? Ba’t di n’yo sinabi dun sa babae na ASAWA kayo ni Sir ?” tanong ni Trixy.

“ Sa papel lang kami mag-asawa,Trixy. Kagustuhan n’ya ang lahat ng ito. Ako hindi.” Sagot nito sa katulong.

“ Ibig n’yong sabihin..di n’yo Love si Sir? Maam, ibig sabihin napilitan lang kayong pakasalan si Sir?”Tanong ni Trixy.

“ Ganun na nga.” - Sagot ni Amy.

Umalis si Amy at tinungo ang kanyang silid. Hindi n’ya alam kung sino ang kakausapin sa mga sandaling ‘yon. Gusto n’yang magalit at magwala. Kinuha n’ya ang cell phone at tinawagan si Andrew.

“Hello?”

( Amy? )

Halatang may saya sa boses ni Andrew nang marinig si Amy.

“Andrew..I need you....I just want to see you. “

Hindi namalayan ni Amy na tumulo ang mga luha n’ya. Hindi n’ya alam kung anong dahilan basta’t naiiyak s’ya sa mga sandaling ito.

Agad n’yang inayos ang sarili upang makaalis kaagad sa bahay.

Amy’s POV

Dapat ba akong matuwa sa mga nangyayari ngayon. Dapat ba akong magpasalamat sa babaeng ‘yon para bigyan akong ng pag-asang makawala kay Mauve at madaling matapos ang mga pagpapanggap na ito.

Ang kapal talaga ng lalaking ‘yon. Akala mo kung sinong malinis magpakita ng pagmamahal n’ya sa akin..KASINUNGALINGAN din pala. At wala man lang s’yang reaction kanina nang sabihin ng girlfriend n’ya natitira dito ng ilang araw. Anong gusto n’yang palabasin TWO BIRDS IN ONE SHOT kami ganun? Talagang nakakainit ng dugo.

Third Person’s POV

Aktong lalabas na sana si Amy sa silid nang buksan nito ang pinto ay nakitang nakatayo si Mauve sa harapan nito.

“Amy let me explain.” Sabi nito sa kanya.

“ You don’t need to explain, Mauve. Maliwanag na sa akin ang lahat ---that you are a great pretender. Don’t act as a good man...” Mahinahong sinabi ni Amy.

“ Saan ka pupunta ?” tanong ng asawa nito.

“ Mauve, remember our deal – I’ll do what I want and you can do what you want. I don’t fuckin’ care if you let your girlfriend to stay in this house. And besides, mag-asawa lang tayo sa papel. ” Matapos n’yang sabihin kay Mauve agarang umalis si Amy.

Inabutan ni Amy na nakaprenteng nakaupo sa sofa si Maybelle habang may kinakalikot sa ipad nito.

“Aalis ka? Join us for lunch. I wan’t to know you better.” ---si Maybelle

Pakiramdam ni Amy ay tila inaasar s’ya ng babae . Pakiwari n’ya na nagmamaang maangan lang ito na di alam kung ano talaga ang tunay na relasyon nila ni Mauve. Kung tutuusin lahat ng Alta Sociedad sa buong Pilipinas ay nakakalam na sila ni Mauve ay kinasal.

“ I believe you are part of the High Society. Napaka imposible na ‘di mo alam ang tunay na kalagayan ni Mauve.” ---si Amy.

“Good. Mabuti’t alam mo. Yes, dear. Pumunta ako dito para ipaalam sa ‘yo na kukunin ko ang lalaking pinahiram ko sa ’yo ng panandalian. I’m willing to be his mistress.” Mistulang pinagmamalaki pa nito ang sinabi kay Amy.

“ Then take him. He is yours. I don’t give a damn!” Hindi alam ni Amy bakit parang ang sakit sakit sa kanya ang sabihin ang mga salitang ‘yon.

“ Wow, talagang napakataas ang tingin mo sa sarili mo..Ipinamimigay mo lang si Mauve Salazar. Salamat at hindi ako mahihirapang kunin ang dapat sa akin.” Sabi ni Maybelle.

“ E di kunin mo na s’ya..isaksak mo sa baga mo!” Galit na sinabi ni Amy at umalis.

Every Now And Then ( COMPLETED )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें