Chap. 32

7.4K 173 5
                                    

Third Person's POV

Umuwi si Mauve na galit na galit. Wala s'yang mapagsabihan sa mga sandaling ito. Sa sobrang inis ni Mauve sa sarili at sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Kumuha sya ng ilang paso ng halaman at pinagtatapon. Lumabas naman ang mga katulong at inabutan si Mauve na nagwawala.

"Sir! Sir! Tama na po...!" Sigaw ng mga katulong.

Napaupo si Mauve sa gilid at sinabunutan ang sarili. At humagulgol ng iyak.

" I don't deserve this.....Ano bang nagawa ko at parang pinaparusahan ako?!" tanong ni Mauve sa sarili.

" Sir, ano bang nangyayari sa inyo?" tanong ni Trixy.

"Trixy...Trixy...masama ba akong tao?" Tumingala si Mauve kay Trixy. Umiling si Trixy.

Nahahabag si Trixy sa nangyayari sa amo. Gusto man n'yang malaman ngunit pinigilan n'ya ang sariling magtanong. Pinaalis ni Trixy ang mga kasama nito dahil naramdaman n'yang may gustong sabihin si Mauve sa kanya.

"Trixy..Magtatatlong buwan nang buntis si Maybelle. Ako ang ama ng binubuntis n'ya." Ang sabi ni Mauve.

" Ano po?! Pano nangyari 'yon?" tanong ni Trixy.

"May nangyari sa amin. At 'yon ang dahilan kaya iniwan ako ni Amy. Hindi ko naman kagustuhan 'yon." Pag-aamin ni Mauve.

"Diyos ko naman Sir; kaya naman pala umalis si Maam na walang paalam sa inyo. Pano ngayon 'yan, hindi pa natin alam kung nasaan s'ya. Heto na naman, buntis ang ANACONDAng 'yon." Nag-aalala tuloy si Trixy.

"Hindi ko alam Trixy kung anong gagawin ko." Mahinang sinabi ni Mauve.

Nauunawaan naman ni Trixy ang kalagayan ni Mauve. Maski s'ya ay di rin alam kung anong sasabihin.

=====================================================

Habang nagpapahinga si Amy; dumating naman si Alex galing sa pagsashopping. Nagulat si Amy sa mga dala nito.

" Alex, what are these?" tanong ni Amy.

" Natural mga gamit ng bata. Kahit hindi pa natin alam ang gender ng baby bumili na ako ng iilang gamit. By the way, unisex naman ang mga colors, naiingit kasi ako sa 'yo. Haba ng hair mo!" Umirap si Alex.

Every Now And Then ( COMPLETED )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin