Chap. 6

9.1K 242 2
                                    

Third Person’s POV

 

Kinabukasan pumunta sa SEOUL TOWER sina Amy at Mauve.

 

“Wow, ang ganda ng Seoul.” --si Amy.

 

Tahimik lamang si Mauve na nagmamasid sa buong paligid. Napansin n’yang may mga magkasintahan na nagsusulat sa mga padlocks. Nagkataon namang may napagtanungan s’ya kung bakit at anong meron sa mga sinusulat ng mga bumibisita doon kung kaya’t..

 

“ Amy, heto ang permanent pen at padlock isulat mo dito ang pangalan ng taong mahal mo.Mas maganda kung pwede mo pang lagyan ng kahit kunting message.”

-- si Mauve.

 

“ Ah okay.” Agad tinanggap ni Amy at sumusulat.

 

Matapos nilang sumulat ay ikinabit na nila ang locks.

 

Gustong malaman ni Mauve kung anong isinulat ni Amy. Pero nagkunwari na lang s’yang hindi interesado.

Habang nagmamasid si Amy sa mga ibang locks na nakabitin. Agad nilapitan ni Mauve ang padlock ni Amy. At nabasa n’yang:

 

“I love you...AV! FOREVER...” -- love, Amaranth C.

 

Parang may kumirot sa puso n’ya..at parang may namuo na luha sa gilid ng mga mata n’ya. Napahigpit ang hawak n’ya sa lock. Nilingon n’ya si Amy na patuloy paring nagbabasa sa mga nakasulat sa dingding. Lumapit s’ya kay Amy ngunit lumayo naman ito. Kaya nagbasa nalamang s’ya sa mga nakasulat sa ibang mga padlocks.

 

Kung tutuusin naiingit din si Mauve sa lahat ng nababasa n’ya. Lahat kasi puro endearments at sweet messages.

Hindi namalayan ni Mauve na lumapit si Amy sa padlocks na sinulatan nila.

 

Nabasa ni Amy ang isinulat ni Mauve..

 

“ I luv u once... I luv u still... I always luv u though u don’t care...And I won’t stop..no 1 can stop me. I LUV U.. BUBBLES!”--- Mauve S.

 

 

 

Mauve’s POV

 

Para akong tanga. Umaasa na sana mahalin din n’ya ako tulad ng pagmamahal n’ya kay Andrew..Pero hindi. Ito ‘yong totoo WALA AKONG PUWANG SA KANYA. Lintek! naman..ba’t ba napaka emotional kong tao pagdating sa kanya?

 

 

Amy’s POV

 

Bubbles? Sino s’ya?

Para kanino kaya ang message n’ya?

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nabasa ko. Pero bakit ganito parang kinikilig ako? YUCKS!

In fairness, marunong rin pala s’yang magpakilig. Malay ko, baka madami rin s’yang pinagsabihan ng ganung linya. Akala n’ya di ko alam na maraming PIRANHA at mga HIPON ang nakipagpilahan sa kanya. Salamat na rin sa mga reporters at magazines, at least, may nalalaman din ako sa kanya.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now