Chap. 1

25.7K 341 7
                                    

AN : ITONG KWENTO NA 'TO AY WALANG EDIT..PASENSYA NA TALAGA. HINDI AKO MAGALING NA WRITER.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

MABUHAY ANG BAGONG KASAL ! MABUHAY!!!!

 THIRD PERSON'S POV

Isang simpleng Kasalan ang ginaganap sa isang Wedding Hall.  Malalapit na kamag-anak lamang ang dumalo at iilang malalapit na kaibigan ng pamilyang  Castillan. Samantala ni walang kamag-anak na dumalo sa parte ni Mauve . Tanging si Nanay Adel lamang ang tumayong magulang n'ya.


AMY’S POV ( Amaranth Castillan )

“Congratulations Amy! Wow, I can’t imagine kayo ni Mauve ang nagkatuluyan..Ang haba ng hair mo! Ikaw na nga. ”

Talaga naman itong si Kathy kahit kelan loka loka talaga. Alam naman n’ya kung bakit ako napapayag sa ganitong set up.

“ Girl, uminum ka ng energy drink mamaya..sigurado mapapagod ka sa...alam mo na...” sabay kindat sa akin ni Trisha. Isa pa ‘tong loka loka..tsk! Nakakainis na talaga..gusto kong magwalk-out.

Ba’t ba approve sa kanila ang pagpapakasal ko kay Mauve? I can’t believe this.

“Iha, siguro pwede na kayong umalis ni Mauve. Kami na ang bahala dito. Dumiretso na kayo sa Hotel na pinareserve namin para sa inyo. Maaga bukas ang flight ninyo papuntang Korea.”

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Mommy.. Sa Totoo lang kung pwedeng lumundag mula dito sa taas ng building papunta sa baba na di mamamatay ginawa ko na just to get out from this place.

“ Mauve, please take care of my Princess. I trust in you.” Sabi ni Daddy sa lalaking...ewan ‘di ko madescribe. Nasusuka ako sa face n’ya.. sa amoy n’ya at kahit sa anino n’ya...Bakit s’ya pa?

“ Don’t worry Sir. I’ll take care of her.” Yan ang sagot ni Mauve.

Duh! You will regret soon. Pagsisisihan mo ang ginawa mo. I will drag you to Hell.



MAUVE POV

Damang dama ko ang sakit ng mga titig ni Amy sa akin. Kung nakakamatay lang ang titig siguro kanina pa ako namatay. This is it..wala nang atrasan.. Sinimulan ko.. haharapin ko. Kasalanan ko naman eh..tatangapin ko ang mga bagay na mangyayari.

“ Mauve, please take care of my Princess. I trust in you.” Ang sabi ng kanyang Papa, si Don Bernardo.

“ Don’t worry Sir. I’ll take care of her.” Ang sabi ko..Kahit hindi ko pa alam kung anong kahihinatnan.

“ Sir? Call me Dad. Iho, wala kaming ibang pinagkatiwalaan maliban sa ‘yo. ” Nakakataba ng damdamin ang sinabi ng kanyang Papa.

“ Oo, nga. Ano pang hinihintay ninyo. Hinihintay na kayo ng kotse sa baba. Go ahead. Kami na ang bahala dito.” Sabi ni Donya Liza.

Akala ko sa negosyo lang nila ako pinagkatiwalaan..para silang mga magulang ko..kinupkop nila ako mula nang mamatay ang aking mga magulang. Kaibigang matalik ni Papa sina Don Bernardo. Tanging si Nanay Adel ang naiwang taga-alaga sa akin. Si Nanay Adel na kababata ni Don Bernardo. Utang ko sa kanila ang lahat. Kaya ganun nalang ang respeto at pagmamahal ko sa pamilya nila. At minahal ko at sinamba ko ang kanilang anak..si Amaranth kahit na alam ko na masasaktan ako.




FLASH BACK

Galing kami sa isang party noon. Lasing na lasing si Amy. Hindi ko naman s’yang pwedeng pabayaan kaya inalalayan ko s’ya na dalhin sa kanyang silid.

Parati naman n’ya ginagawa ito. Ako lang ang taga-alalay sa kanya. Kaya sanay na ako. Galing office man ako at kahit pagod ako pagsinabi n’yang nasa party o kahit saang bar s’ya sinusundo ko. Kasi ayaw kong may mangyari sa kanya.

“ Put me down... I wa’t to drink  more...I don’t want to feel this pain...” sabay ng pagluha ni Amy..

“ Amy, stop it. Lasing ka na. Matulog ka na lang.” Inalis ko ang bote ng alak na hawak n’ya.

“ Ano bang alam mo sa nararamdaman ko? Naranasan mo na bang masaktan?....Sagutin mo nga ako Mauve? May girlfriend ka na ba?”

Hindi ako nakasagot sa mga tanong n’ya. Paano ko sasagutin kung ang kasagutan ay s’ya mismo.

“Matulog ka nalang lasing ka na. ” Tanging nasabi ko.

Nabigla ako nang hubarin ni Amy ang kanyang damit at panloob...

“ Amy, what are you doing?” Tanong ko sa kanya habang pinipilit ko na ipasuot ulit ang kanyang panloob. Pero tinatanggal uli n’ya.

“Damn! Will you please listen to me.” Tumaas ang boses ko.

Umiyak si Amy.

“ He...He cheated on me.....” she bent and cried.

Niyakap ko s’ya. I felt sorry for her. Sana ako nalang ang minahal n’ya at hindi ang lalaking akala n’ya PRINCE CHARMING N’YA.

She was naked..Sinong lalaki ang aayaw sa nakikita mo sa harapan ang isang DYOSA ...Pero pinigilan ko ang sarili ko..naisip kong lasing s’ya. pinahiga ko na lamang s’ya sa kama at kinumutan. Hindi ko alam at nakayanan ko ang tukso.

“ Don’t leave me..Please.” Ang sabi n’ya.

“I’ll stay with you..” ang sagot ko.

Hinintay ko s’yang makatulog pero di ko namalayan nakatulog narin ako dahil sa pagod.

Kinabukasan....


“ Dios mio! Amy...Mauve.....My God! ”

Nagulat ako sa narinig kong boses. Kaya ako napatayo agad. And there in front of us ang mga magulang ni Amy.

“S-Sir let me explain.” Lakas loob na sinabi ko.

“Shit! What’s going on?” Nilingon ko si Amy.

Nang tumayo si Amy ay lumantad ang hubad n’yang katawan.

“Oh. My God!” Sabay na nasabi ng mga magulang ni Amy.

“Oh Gosh!“ Pati si Amy ay nagulat sa sarili. Agad n’yang tinakpan ang sarili ng kumot.

‘May nangyari ba sa inyo?“ Tanong ng Papa n’ya. Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Ano? Magtitinginan nalang ba tayo dito?” Maawtoridad na tanong sa akin ng Papa ni Amy.

“ Dad, walang may nangyari sa amin..I’m okay.” Sagot ni Amy. Ramdam ko na nagpapanic narin s’ya.

“ Shut up Amy! I’m not talking to you.” Damang dama ko ang nagbabadyang galit sa Papa n’ya.

“ O—opo.” Damn! Ba’t yon ang nasabi ko...

“ What!” Sigaw ni Amy.

Napahawak sa sintido si Sir Bernardo.

“ Sir, what I mean.. Walang nangyari sa amin ni Amy. Kinumutan ko lang naman s’ya matapos n’yang....”

“ Enough!” Sigaw ng Papa n’ya.

“ I don’t care. May nangyari o sa wala. Pakakasalan mo si Amy.” Mariing sinabi ni Sir Bernardo.

“ Daddy! Anong pumasok sa isip n’yo? Walang nangyari sa amin.” Sagot ni Amy.

“ You hear what I said. Mabuti narin nangyari ang bagay na ‘to at hindi ako mahihirapan sa gusto ko. You should know this Amy, this man over here will be your husband.” Sabay turo sa akin.

“ Shit! No!!” Sigaw ni Amy. Sabay lumabas ang mag-asawa. Hinarap ako ni Amy at pinaghahampas..

“You Jerk. Get lost..Go away...I hate you. Hindi kita gusto !” Alam kong naguguluhan si Amy. Pati rin naman ako.










Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now