Chap. 17

7.7K 214 2
                                    

Plano ni Amy na magkulong lamang sa loob ng bahay. Iniisip n'ya bakit napakabilis ng pangyayari. Kelan kaya titigil ang pagluha n'ya? Simula nang ikinasal sila ni Mauve lahat ng sama ng loob naramdaman n'ya.

Samantala, nag-aalala naman si Mauve sa kanyang asawa. Kaya naisipan n'ya puntahan si Amy sa silid nito.

Nakita n'ya itong nakatayo sa may bintana at tila may iniisip.

"Amy...gusto mo bang mamasyal tayo?" tanong ni Mauve.

"I can't...It's just that....I want to be alone." Sagot nito.

"That's not a good idea. Let's go." Hinawakan nito ang kamay ng asawa.

" Mauve..." Malumanay na tinig ni Amy.

" Kukulitin kita." Sabi ni Mauve habang nakangiti.

Napansin ni Amy na gumagaan ang loob n'ya sa pinapakita ng asawa nito. Pero tinatalo si Amy ng kanyang isipan.

Nakaramdam si Amy ng pag-aalangan kay Mauve. Naaalala naman nya ang nangyari kahapon. Parang wala s'yang mukhang iharap sa asawa.

Naramdaman 'yon ni Mauve nang agad bawiin ni Amy ang mga kamay n'ya. Pero hindi 'yon hinayaan ni Mauve na ilayo ni Amy ang sarili sa kanya. Kaya hinila nito ang baywang at niyakap ang asawa.

" Don't move. I want to feel you. Just for this moment." His sexy and husky voice made her heart to go wild.

She could smell his masculine perfume. Ang mga bisig ni move na nakapalibot sa kanyang baywang ay naghatid ng init sa kanya buong pagkatao. They stayed in the same position for 5 minutes. Pati ang paghinga ni Mauve para sa kanya tila naghatid na magandang musika.

"Mauve, let me go." --si Amy.

"If I let you go, there's no chance for me to see you. I won't let it happen." _ si Mauve.

"I have my own reason." Dagdag ni Amy.

" Then I will savour each moment with you." Mariing sinabi ni Mauve.

At hinalikan ni Mauve ang noo ni Amy.

" Tigilan mo na ang pag-iyak Amy. Mamayang gabi na ang Charity Event. I want you to look good. Gusto mo bang pumangit ka?" Tanong ni Mauve habang hinaplos ang mukha ni Amy.

Nakanguso si Amy at dahan dahang ngumiti.

Napangiti narin si Mauve. For the first time, hindi sila nag-away ni Amy. At walang bangayan na nangyari.

Pumunta sila sa mall at nagshopping. Hindi alam ni Amy bakit dahan dahang nawawala ang galit nito sa asawa. Hindi n'ya narin naaalala si Andrew. Bakit biglang nagbago ang lahat? It seemed like magic.

Maaga silang umuwi para makapaghanda para sa event nadadaluhan.

Alas Syete na nang gabi, lumabas si Mauve sa kanyang silid. He's excited for his wife to come out . And there, natulala si Mauve nang makita ang kanyang asawa. She looked stunning on her mini- black lacy dress. She looked elegant and sophisticated. She snapped her finger.

" You startled me." -- si Mauve.

" Kanina ka pa tulala." - sabi ni Amy.

" Because I was charmed by your beauty." Sabi ni Mauve sabay ngiti. Nahihiya si Mauve sa nangyaring pagkagulat.

" Ganun ba ako kaganda sa mga paningin mo?" Tanong ni Amy.

Bago sinagot ni Mauve ang tanong ay hinila ang baywang ng asawa at bumulong kay Amy.

" Kaya nga kita sinasamba."

Parang tumigil ang mundo ni Amy nang sabihin ni Mauve 'yon. Tumindig ang kanyang balahibo sa buong katawan na parang may kung anong enerhiya ang dumaloy sa kanyang dugo.

Napasinghap si Amy. At inilayo ang sarili sa asawa. Napangiti ng lihim si Mauve.

======================================================

Nang dumating sila sa Charity Event, pababa pa lamang sila sa sasakyan ay bumungad na sa kanila ang mga liwanag ng camera. Pati mga press ay pinagpipyestahan ang mag-asawa.

" Sir, isang kiss naman po. Request po namin sa inyo!" sigaw ng isang press.

Nakadama ng ilang si Amy pero tila kalmado lamang si Mauve.

Bumulong si Mauve kay Amy.

"Are you ready for this?" tanong nito sa asawa.

Hindi alam ni Amy ang sasabihin. Hindi gumagana ang kanyang utak. Hindi s'ya sanay sa ganitong pagkakataon na hahalikan s'ya ni Mauve sa publiko. Lalo na't alam ng lahat kung ano ang dating katayuan ni Mauve sa pamilya Castillan.

Walang nagawa si Amy kundi gawin ang nararapat.

They kissed passionately. Naghiyawan naman ang mga tao. Nagsimulang uminit ang mga pisngi ni Amy. Kaya agad s'ya hinila ni Mauve na umalis sa harap ng mga media. At pumasok na sa loob ng building.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now