Chap. 10

8.5K 216 4
                                    

Third Person’s POV

Tanaw na tanaw ni Mauve na magkayakap sina Andrew at Amy. Pakiramdam n’ya ay parang pinatay s’ya ng ilang beses sa nakikita n’ya. Kaya mabilis s’yang bumaba sa sasakyan.

“ Amy..” tawag ni Mauve sa asawa.

Agad namang bumitaw si Amy sa pagkayakap kay Andrew. Ngunit hinawakan parin ni Andrew ang kanyang mga kamay. Mabilis nakadama si Amy ng tension sa dalawa.

Agad lumapit si Andrew kay Mauve at....

“ You asshole!” Malakas na bulyaw ni Andrew sabay suntok sa mukha ni Mauve.

Hindi pa nakontento si Andrew at muling sinundan ng suntok at tadyak si Mauve. Hindi agad na gawang gumanti ni Mauve. Akmang lalapit sana si Andrew subalit tinulak s’ya ni Mauve at tinadyakan sa sikmura. Kasunod nun ay suntok na tumama sa kanyang panga. Dumugo ang ilong ni Andrew..at may sugat naman ang gilid ng pisngi ni Mauve.

Samantala, hindi alam ni Amy kung anong gagawin..

“ Andrew! Mauve! Stop it! ” Halos mawawalan ng boses si Amy sa kakasigaw..maya –maya ay dumating ang mga security guard at pinigilan ang dalawang lalaki.

“ Hayop ka! Mang-aagaw!!” Sigaw ni Andrew.

Hinihingal si Mauve sa pagod at galit na nararamdaman n’ya.

“ Say what you want..I don’t care. She’s my wife now. Wala kanang magagawa.” Pinagdiinan ni Mauve sabihin kay Andrew.

Mas lalong ugmiting ang galit ni Andrew akma sanang pumiglas sa mga guard ngunit wala s’yang magawa.

“Andrew, please leave. H’wag kang gumawa ng eksena dito. Parang awa mo na.” Natatakot na sinabi ni Amy. Napapaiyak s’ya sa pangyayari. Hindi n’ya alam kung sino ang lalapitan n’ya.

Bigla s’yang hinila ni Mauve at sa pilitang isinakay sa kotse. Agad umalis ang dalawa. Nakatingin lamang si Andrew.

“ Nakita mo na ang resulta ng desisyon mo? Naging selfish ka Mauve. Hindi mo muna iniisip ang mangyayari.” Singhal ni Amy.

“ Shut up! Amy.” Sigaw ni Mauve. Doon n’ya na pagtanto na naging selfish nga s’ya. Natalo s’ya ng kanyang sariling kagustohan. Hindi n’ya inisip ang mararamdaman ni Amy at ni Andrew. Napahigpit ang hawak nya sa steering wheel.

Nang makarating sila sa bahay ay naunang bumaba sa sasakyan si Amy at agad pumahik sa kanyang silid. Samantala si Mauve ay tinungo ang counter at kumuha ng alak. Agad n’yang binuksan ang bote ng alak at nagsalin sa baso. Doon n’ya inilabas ang sama ng kanyang loob at naibato ang baso sa dingding kasabay ang pagsipa ng upuan.

Lumabas ang kanilang katulong na si Trixy at nagulat sa nakita.

“ Sir, what happened? Napano ang gwapo mong face? May sugat po kayo. Teka sandali kukuha ako ng pangfirst aid.” Natatarantang umalis si Trixy.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now