Chap. 2

12.6K 280 5
                                    

AMY'S POV

Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan. Ayaw kong humarap at kausapin s'ya. Bakit pa? S'ya naman ang may gusto nito. Kung hindi ko lang mahal sina Mommy at Daddy. Pwede kong takasan ang lalaking ito. Hindi ko alam bakit naisipan ng mga magulang ko na s'ya ang dapat kong pakasalan. I should have known from the start. Siguro..Siguro nagawan ko na ng paraan.

Ayaw kong magalit sa kanya. Kaibigan ang turing ko sa kanya. Namulat akong s'ya ang kasakasama ko . Kahit nakatira lamang sila ni Nanay Adel sa likod bahay tinuring namin s'yang kapamilya. GREAT ! Myembro na s'ya ng pamilya namin.. Officially member of our family.

" Nandito na tayo." Narinig kong sinabi n'ya. Aalalayan n'ya sana akong bumaba kaso tinabig ko ang kamay n'ya.

" Kaya kong bumaba..Kung gusto mo mauna ka na.." Sabi ko sa kanya.

Yumuko lang namang s'ya. At sinabayan ako sa paglakad.

As usual tahimik parin... Para kaming nasa lamay... Sumakay kami sa elevator at tanging paghinga ko lang ang naririnig ko..

Bumukas ang elevator at tinungo namin ang aming room. Pagpasok namin ay tumambad ang mga red petals sa sahig. Napuno ng mga bulaklak ang aming silid. Ang bango ng paligid. Pero nababagay lamang ito sa tunay na nagmamahalan... ewwww!

Agad akong nahiga sa kama..nakatayo lamang s'ya sa harapan ko at pinagmamasdan ako.

" Anong tinitingin mo...Don't you dare to touch me! Dahil hindi ko ibibigay ang sarili ko sa 'yo." I pointed my index finger to him.

" Bakit sa tingin mo gagalawin kita ? I'd rather choose other women than you. " What! Inaasar ba n'ya ako? Ang kapal.

" Ayon...lumabas din ang tunay mong kulay! So, ba't pumayag ka pa sa ganitong set up?" tanong ko.

" Dahil....Dahil ginusto ng magulang mo. Alipin ako ng pamilya mo..ang buong pagkatao ko. Binihisan nila ako, pinakain at tinuring na kapamilya. Kaya malaki ang respeto ko sa mga magulang mo." Natahimik ako sa sinabi n'ya.

" Kaya ba kaya mong isakripisyo ang lahat. Kahit ang personal na kaligayahan mo?" tanong ko sa kanya.

" Ang kapakanan at ang pinaghirapan ng pamilya mo ang iniisip ko." Mabilis n'yang sagot.

" Dahil makikinabang ka rin naman balang araw."Agad kong sinabi.

Bigla n'yang hinablot ang braso ko..

" HINDI KO PINAGNANASAAN ANG KAYAMAN N'YO. NI MINSAN HINDI SUMAGI SA ISIP KO ANG MGA BAGAY NA 'YAN. I CAN LIVE AND WORK ON MY OWN." sabay n'yang binitawan ang braso ko.

Nakita kong nag-aapoy sa galit ang mga mata n'ya matapos n'yang sabihin 'yon. Naupo ako sa kama. Habang s'ya nakatitig sa akin.

" Can we just be friends..ayaw kong nag-aaway tayo." Sabi n'ya.

Hindi na ako sumagot. Tumayo ako at tinungo ang banyo.

I took a shower. Pero naiiyak ako sa mga nangyayari. Hindi ko matanggap.

MAUVE'S POV

" HINDI KO PINAGNANASAAN ANG KAYAMAN N'YO. NI MINSAN HINDI SUMAGI SA ISIP KO ANG MGA BAGAY NA 'YAN. I CAN LIVE AND WORK ON MY OWN." Matapos kong sabihin 'yon sa kanya agad s'yang tumayo at tinungo ang banyo.

Tama naman s'ya. I still have my choice pero ba't ko pa tinuloy. Hindi ko alam kung ba't 'di ko s'ya kayang iwan. Kahit na alam kong masasaktan lang ako sa bandang huli.

Ba't kasi sa daming babae na pwede kong maramdaman ito..bakit sa kanya pa ? Sa kanya lang ako sumasaya...nabubuhay...lumalaban..sa kanya rin mamatay.

Damn!

Ganito na nga siguro ang magiging takbo ng buhay ko mula ngayon. ASAWA KO S'YA SA PAPEL LANG....

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now