Chap. 13

8K 219 2
                                    

Third Person’s POV

Napahawak sa kanyang dibdib si Mauve matapos nilang magkasagutan ni Amy. Pakiramdam n’ya habang tumatakbo ang mga araw ay mas lalong tumitindi ang kanilang alitan.

Pero masakit ngayon ang narinig na salita mula sa asawa. At dahil doon, para s’yang naupos na kandila at napaupo sa isang sulok.

Mauve’s POV

Para akong sirang plaka..paulit ulit na nasasaktan. Paulit ulit nakakarinig ng maanghang na salita kay Amy. Paulit ulit kong sinasabi na “Sorry”... Tama si Maybelle, pilit kong sinisisik ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Tama si Andrew..inagaw ko si Amy sa kanya.

“ Sir, ‘di pa po ba kayo matutulog. Gabi na kasi. Baka kasi lamigin kayo dito sa labas. Concern lang po.” Nakangiting sinabi ni Trixy sa akin.

“ Matulog ka na, okay lang ako dito.” Sagot ko kay Trixy habang minamasdan ko ang kalangitan. Madilim ang kalangitan at wala ni isa mang bituin . Parang uulan.

Sumunod naman si Trixy at naiwan ako.

Malamig na rin ang hangin. Pero ayaw kong pumasok sa loob. ‘Yong bigat na nararamdaman ko ang dahilan na ayaw kong pumasok sa pamamahay namin. Then I remembered what she said:

“ Gusto kong malaman mo at intindihin mo na HINDI KITA MAHAL.. Hindi ko pinangarap na pakisamahan ka habang buhay..WALA AKONG PAKIALAM kung masaktan ka ! Naiintindihan mo ba?!”

Ewan ko, parang nabawasan ang pagkatao ko..minahal ko lang naman s’ya, ah. ‘Yon nga lang labis labis naman.

Parang kelan lang kami kinasal..naghoneymoon...umuwi dito..at walang humpay na masasakit na salita ang maririnig.

Nabigla ako nang makita ko si Amy, bumaba sa hagdan at tila nagmamadali. Parang balisa si Amy at natataranta..

“Amy...anong nangyayari?” Hinawakan ko s’ya sa braso at tinignan ako na parang takot..

“ Let me go. I need to see my dad. He’s in the hospital.”

Pagkasabi ni Amy ay agad ko na s’ya pinapasok sa kotse. Ako na lang ang magmamaneho.

Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hindi ko alam at napahawak ako sa kamay n’ya. Nanginginig ang mga kamay n’ya at nanlalamig.

“Stay calm. Malapit na tayo.” sabi ko. Pero hindi s’ya umimik nakatingin lamang sa akin. May lungkot sa kanyang mga mata.

Amy’s POV

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now