Chap. 21

8.2K 191 3
                                    

Mauve's POV

Lumabas ako sa aking silid. Pababa na sana ako sa hagdanan,, 'di ko maiwasan na lingunin ang silid ni Amy. Sarado parin ito; sa tingin ko'y mahimbing parin s'yang natutulog.

I decided not to go to work. I want to spend my time with her. Sana mapag-usapin namin ang mga bagay bagay na pwede naming ayusin.

Nang makarating na ako sa baba napansin kong tahimik ang buong paligid.

" Good Morning Sir!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Trixy.

" Hinahanap nyo po ba si Maam? Kanina pa po umalis. Sinundo po s'ya ni Sir Andrew. Sa labas po daw sila magbibreakfast." Parang umakyat ang dugo sa ulo ko matapos sabihin 'yon ni Trixy. Gusto ko mang magalit pero wala ako magagawa.

"Ganun ba. Anong oras sila umalis ?" tanong ko.

" Pasado alas-otso. Sir, sa tingin ko galit parin si Maam sa inyo. " Sabi ni Trixy. Napayuko ako at huminga ng malalim.

" Paghandaan mo nalang ako ng makakain. Medyo nagugutom na ako." Utos ko kay Trixy. Hindi ako makapag-isip ng matino. Tumatakbo ang isip ko kay Amy. Saan naman kaya s'ya daldalhin ni Andrew ?

Maya't maya bumalik si Trixy.

" Sir, your breakfast is ready." ---si Trixy.

Tinungo ko ang dining table. At nagsimulang kumain. Parang hindi ko magawang lunukin ang mga pagkain na sinusubo ko habang nakamasid sa upuan na nasa aking harapan. Iniisip ko kung inabutan ko si Amy kanina malamang magkasama kami ngayon.

" Sir, kanina ka pa nguya ng nguya d'yan di mo naman nilulunok. Imagine mo nalang nandyan sya sa harapan." Nabilaukan ako nang marinig ko ang boses ni Trixy.

" Eh, ba't nakatayo ka d'yan?" Inis na tinanong ko.

Uminum agad ako ng tubig.

" Baka may kailangan pa po kayo." Sagot ulit ni Trixy.

" Tatawagin naman kita kung may kailangan ako. Teka maupo ka na nga lang muna para may kasama ako habang kumakain. Kumain ka na ba?" Tanong ko.

" Yes, Sir." -- si Trixy.

" Hindi ko na alam anong gagawin ko. May kulang pa ba para mapatawad n'ya ako?" Tanong ko.

"Sir, sa tingin ko kailangan mo lang ng strategy. 'Yong tinatawag nilang DA MOVES.. " Pabulong na sinabi n'ya.

" Anong da moves na sinasabi mo?" kunot noong tanong ko.

Every Now And Then ( COMPLETED )Where stories live. Discover now